Chapter 7 [Different world]

90 3 0
                                    

Chapter 7 - Different world

Aliyah's POV

*splash*

Nang nabuksan ko ang pinto at tumakbo papunta sa loob ng kwarto ay bigla nalang akong nahulog at dumiretsyo sa tubig na hindi ko alam kung saan nang-galing.

Anong ba talagang nangyayari? Saan nang galing itong napakalalim na tubig? At... bakit parang nagslow motion ang lahat. Ang mga sigaw mula sa malaking pusa. Ang mga mura nung babae. Lahat nag-slow motion tapos nakakahinga yata ako sa tubig. Ilang minuto na rin kasi akong nasa ilalim ng tubig.

Pero ito ang pinaka-clear sa akin, hindi ako makagalaw, kaya patuloy lang ang paglubog ko sa tubig...

At habang tumatagal, mas lalong lumalamig ang paligid, at hindi rin nagtagal ay nasa pinakailalim na ako kung saan maraming seaweeds, at doon ay nakahiga lang ako habang nakatingin sa itaas.

Ano bang nangyayari? Bakit hindi ako makagalaw? Bakit nakakahinga ako sa tubig? Totoo ba 'to?

Bigla naman akong napatigil sa pagiisip ng biglang dumilim ang paligid. Yung wala kana talagang makikita kung hindi itim.

Hindi nga ako makagalaw pero nanginginig ako. Hindi dahil sa takot kung hindi sa lamig at sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman, kaya ng dahil doon ay ipinikit ko na lamang ang mga mata ko, hoping na sana ay mawala ito at hoping na sana ay panaginip lang ang lahat, but then suddenly, ang kaninang madilim na paligid ay bigla nalang nagliwanag kaya agad-agad kong binuksan ang mga mata ko...

And what i saw really, really shock me...

Ang kaninang tubig na pinagmamasdan ko'y biglang naging ceiling, ang kaninang seaweeds naman na hinihigaan ko ay naging kama, at ang paligid na puno ng tubig kanina ay naging sirang kwarto na ngayon.

Agad naman akong bumangon at naupo sa kama tapos pinagmasdan ko ang paligid...

Nasa isang sira at maduming kwarto ako. patingin-tingin lang ako sa paligid ko nang bigla kong mapansin ang suot ko...

Nakasuot ako ng isang puting dress, yung lumang dress...

Tapos may hawak rin akong isang pulang rosas.

Ano bang nangyayari? Gulong-gulo na ang isip ko kaya out of frustration ay napasabunot nalang ako sa ulo ko gamit ang left hand ko. Ano bang nangyayari? Naingkanto ba ako?


Habang sinasabunot ko naman ang buhok ko ay bigla ko ulit napansin ang rosas na hawak ko sa right hand ko. Napansin ko ring marami palang spikes ang rosas na hawak ko kaya naisipan kong...

"Ouch! Aray ko!"

Nope! Hindi nga ako nananaginip...

Grabe! Ang sakit nun ha! Ang talas naman nung mga spikes nung rosas. Nabitawan ko tuloy. Kaya nung naka-recover na ako sa sakit ay agad akong tumingin sa baba kung saan nahulog ko yung rosas. And when i look down, wala na yung rosas, kaya tumingin-tingin pa ako sa paligid pero wala akong nakita, ni petals nito wala. Kaya naisipan kong tumayo at lumabas ng kwarto.

Nakakapagtaka nga rin eh kasi yung mga bintana ay nakacover ng kahoy doon sa kwarto, madilim tuloy ng konti.

Nang makalabas na ako ay agad bumulaga sa akin ang dining area at yung kusina, may fire place rin malapit sa pinto palabas ng bahay. Madumi at halos sira-sira ang mga gamit, pati na rin ang sahig at ding-ding. Ano kaya ang nangyari dito? Sunog kasi ang ibang parte ng bahay.

"Aray ko! Aray!"

Agad akong napa-upo ng di oras dahil may natapakan akong bubog, ang sakit! Buti nalang talaga at hindi ako nasugatan.

Behind This Door [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon