Chapter 2 [The door]

160 12 0
                                    

Chapter 2 - The door

Aliyah's POV

Nang matapos kaming kumain ay agad namang dumiretsyo sila Mama, Aya, at Ai sa kani-kanilang kwarto para daw magpa-beauty-beauty, wala naman kaming magagawa ni papa dahil siyempre gabi na at wala rin naman kaming ibang gagawin kasi wala namang ilaw sa bahay.

Ten years ba namang hindi nagbabayad ng kuryente, siyempre naputulan na.

"Oh anak, hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni papa habang inilalagay ang mga plato sa lalagyan nito.

"Maya-maya nalang po, pa. 7 palang naman po eh... at tska hindi pa po ako nakakahanap ng kwarto, sa dinami-dami ba namang kwarto dito" sagot ko kay papa habang naka-upo sa kitchen table at pinapanuod ang ginagawa niya.


"Ganoon ba?" Tumango naman ako bilang sagot sa tanong ni papa.

"Halika. Ang natatandaan ko, mayroon kang kwarto dito nung bumisita tayo dito bago mamatay yung lola mo" paliwanag ni papa at nagpunas muna ng basa niyang kamay sa towel na nakasabit lang malapit sa lababo at pinasunod ako kung saan man siya pupunta.

Meanwhile....

Dala-dala ko na ang mga gamit ko, habang si papa ay binubuksan ang isang dark green na pinto.

*Pssssst!*

Agad naman akong napatingin sa may kanan ko ng may narinig akong may nag-psst sa akin.

Nang tumingin ako sa may kanan ko ay may nakita akong isang dark blue na pinto sa may pinaka-dulo nitong hallway.

Hindi ko alam, pero parang may naririnig akong mga boses.

Mga boses na napakarami at hindi ko maintindihan.


"Anak"

"Ay palaka!"

Nang dahil sa gulat ay nabitawan ko tuloy ang kandila na hawak-hawak ko at ang mga gamit ko, yan tuloy, dumilim ang paligid. Pero hindi naman masyado kasi may liwanag pa naman dahil sa buwan.

Agad ko namang pinulot ang mga gamit ko habang si papa ay kinuha ang kandila at sinindihan ito.

"Aliyah, may problema ba?" Tanong ni papa na may pagaalalang nakapinta sa mukha

"A-ah... okay lang po ako, pa. Hehe" sabi ko sabay kamot sa batok at ngumiti ng kaunti.

"Ahh, okay... pasok na" aya ni papa at nilakihan pa ang pag kakabukas ng pinto para makapasok ako pero bago paman ako makapasok ay tumingin muna ako sa pintong color dark blue at pumasok na sa loob ng kwarto ko.



"Okay ba?" Tanong ni papa at inilagay ang kandila sa may lumang nightstand.

Bago ko naman sagutin ang tanong ni papa ay tumingin-tingin muna ako sa paligid. May mga lumang laruan, lahat na mga pambatang kagamitan at ang isang napaka-laking higaan na ang color ay green.

"Oo naman, pa! Ang ganda-ganda nga eh! Pero, medyo pambata nga lang" masigla kong sagot sa tanong ni papa at sabay naman kaming tumawa dahil sa huli kong sinabi.

"8 years old ka palang kasi nun eh" nakangiting sabi ni papa habang kinukuha ang mga gamit ko sa sahig at isa-isang nilalagay sa higaan.




"Alam mo, pa? Siguro kung buhay pa si mama, maganda parin itong ba-" biglang nanlaki ang mga mata ko at agad na tinakpan ang bibig ko dahil sa sinabi ko at sabay tingin kay papa na nakatingin na rin sa akin.



Behind This Door [On-Hold]Where stories live. Discover now