Chapter 5 [Part]

100 5 0
                                    

Chapter 5 - Part

No one's POV

Sa isang kwartong puro puti ang mga kagamitan ay may isang babaeng nakahiga sa sahig...

Wala itong malay...

Hindi nagtagal ay biglang bumukas ang kanyang mga mata at agad na napabangon sa kinahihigaan...

Tumingin-tingin siya sa paligid pero kulay puti lamang ang kanyang nakikita

"Nasaan ako?" Agad namang tanong ng dalaga sa kanyang sarili habang patingin-tingin sa paligid.


"Everything will change..."

Agad naman siyang napatigil at napatingin sa likod kung saan nang gagaling ang boses na iyon...

Sa likod  niya, nakatayo ang isang batang babaeng naka-eyeglasses...


"I-ikaw? T-teka, a-anong ginagawa mo dito, bata? At n-nasaan t-tayo?" Tanong ng babae habang tumatayo sa pagkakaupo...

Pero imbis na sagutin nung bata ang tanong ng dalaga ay agad-agad nalang itong tumakbo...



"Uy! Bata, s-saan...d-dali l-la...lang?" Halos hindi na niya mailuwas ng maayos ang kanyang sinasabi ng biglang nag-iba ang lugar na kinalalagyan nila...... ang kaninang puting kwarto kasi ay naging kagubatan na.

Manghang-manghang nakatingin ang dalaga sa napakagandang kagubatan, hindi rin niya maisip na mayroon palang kagubatang sing ganda ng nakikita niya ngayon.

"Everything will change"

Agad rin namang na wala ang pagkamangha ng dalaga sa kanyang nakikita ng marinig niya nanaman iyong boses ng bata.

Nang nakita niya ito sa likod ng isang malaking puno, ay agad siyang lumapit dito. Pero bago paman siya makalapit ay bigla nalang umatras yung bata, kaya tumigil nalang siya.

"T-teka, a-anong pinagsasabi mo, bata? At tska, ano ba talagang nangyayari?" Naguguluhang tanong nang dalaga sa bata.

"Everything will change because of..."

Bago pa man matapos ang sasabihin ng bata ay bigla nalang nagiba ang lugar na kinatatayuan ng dalaga, bigla ring nawala ang bata.

"Ano ba talaga ang nagyayari?" Yan ang agad na sumagi sa kanyang naguguluhang isipan dahil nandoon nanaman siya sa mansyon kung saan siya naka-upo at naka-tali.

Halos mabilog naman ang kanyang mga mata nang makita niya nanaman ang taong hindi niya ini-expect na makita.

"I-i-i-i-i-i-ikaw?" Halos hindi na niya talaga masabi ng maayos ang kanyang sinasabi dahil sa kaba at litong kanyang nararamdaman.

"Oh my cheese burger! Papatayin na ata ako nito sa kaba eh! Bakit kasi ganyan siya makatingin? Kung makatingin siya, akala mo, may nagawa kang hindi katanggap-tangap. Dukutin ko kaya yang mata niya kapag nakatakas ako dito" yan ang mga sinasabi ng dalaga sa kayang isipan. Eh sino ba naman ang hindi maiinis kapag ang isang lalaking misteryoso at halos naka-cover na ang buong mukha ang nakatingin sayo? (Base in chapter 1)

"Hurry"

"H-huh?" Agad namang tanong ng dalaga sa lalaki na sa ngayon ay nakalagay ang mga kamay sa sides ng upuang inuupuan ng dalaga.

Ngunit hindi nagsalita ang lalaki at patuloy parin ang pagtitig sa dalaga...

Medyo naiiling na nga ang babae eh...

Behind This Door [On-Hold]Where stories live. Discover now