Chapter 1 [The beginning]

169 11 0
                                    

Chapter 1 - the beginning

Someone's POV

"Wake up..."


"Wake up..."


"Wake up, my princess..."



"Hmm?" Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata dahil sa boses ng babaeng bulong ng bulong sa kaliwa kong tainga.


"Wake up..."


Nang na imulat ko na ang aking mga mata ay bigla nalang nawala ang boses ng babaeng bulong ng bulong sa kaliwa kong taenga.

"Pa? Ma? Nasa...an ka...yo?" halos hindi ko masabi ng maayos ang mga sinasabi ko ng mapansin ko kung nasaan ba ako.

Nakaupo ako sa isang upuang gawa sa kahoy na may armchair sa kaliwa at kanan kung saan nakatali ang mga kamay ko. Hindi ko rin medyo makita ang paligid dahil sa dilim. Ang ilaw lang mula sa labas ng napakalaking bintana sa likod ang nagbibigay ilaw sa paligid, nakakurtina kasi yung ibang bintana. At sa pagkakakita ko, nasa isang mansyo ako, eh kasi naman hindi naman ito magiging mansyon kung hindi maganda ang sahig at gawa ito sa granite, ang pader ay elegante ang mga disenyo na nakalagay,
pati na rin ang malaking chandelier sa ceiling ay napakaganda at ang mga frames ay puro paintings. Pero medyo may pag ka weird nga lang kasi ang dilim tapos nakatali pa ang mga kamay ko dito sa upuan at may nakaharap pa na upuan sa akin, yung parang may nakaupo doon sa upuan na hindi nakikita. Brrrr, nakakatakot  \(>^<)/







*Boogggssshhhh!*








Muntik naman akong mapasigaw ng bongga dahil sa kalabog mula doon sa pinaka dulo kung saan napakadilim.

"M-ma-may t-tao b-ba dyan?" Halos manginig na ang buong katawan ko dahil sa takot kaya halos hindi na ako makapagsalita ng maayos.

Pero imbis na may sumagot o mas maganda kung walang sumagot ay may narinig akong footstep ng isang sapatos na palakas ng palakas, so ibig sabihin papalapit... (>^<)

Dahil sa naririnig kong footstep ay sinubukan ko ng makawala sa pag kakatali, hindi naman kasi masyadong mahigpit ang pagkakatali kaya kayo 'to basta maka alis lang ako dito, okay na sa akin.

Sa gitna ng pagtatanggal ko ng tale sa mga kamay ko ay bigla nalang nabuksan lahat ng ilaw kaya nung lumiwanag na ang paligid ay may na pansin akong nakatayo sa di kalayuan.

Figure ng isang lalaki ang nakita ko tapo- teka papunta siya dito! Sh*t! I have a bad feeling about this.

Kaya imbis na tumingin doon sa lalaki ay sa tale na ako nag focus. Buti nalang talaga, tinuruan ako ni papa sa mga ganitong bagay kaya hindi na ako nahirapang tanggalin ang tale at tska hindi naman mahigpit ang pagkakatale sa kamay ko eh.

"Yan! Natanggal ko.......... na" bigla nalang akong napatigil ng makita ko yung lalaki na kanina lang ay ang layo pa sa pwesto ko tapos ngayon, nasa harapan ko na, at ilang inches nalang ang pagitan ng mga mukha namin sa isat-isa, yung dalawa naman niyang kamay ay nakalagay sa gilid kung nasaan ang armchairs.













Patay! Trap na ko...





Halos hindi na talaga ako makagalaw dahil sa presensya niya, yung feeling na gumalaw kalang ng kaunti chugi ka kaagad?
Tapos naka-suot siya ng itim na mask na nakatakip sa kanyang bibig at ilong at eyepatch sa kaliwa niyang mata.









Behind This Door [On-Hold]Where stories live. Discover now