Chapter 6 [what is happening?!]

97 6 1
                                    

Chapter 6 - what is happening?!

Ayah's POV

Oh gosh! Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon... gusto 'kong sabunutan si rapunzel dahil sa nakikita ko ngayon... Gusto kong itapon sa kumukulong tubig si Elsa dahil sa nakikita ko talaga ngayon!... Gusto kong unahan sa pagpatay si boogeyman dahil sa nakikita ko ngayon!

Argh! My virgin eyes cannot take this! Kaya...

"Ouch! Ow! Ayah!, stop that! Ouch!" Yan sige! Masaktan kayo sa hagupit ng aking kagandahan >:)

"Ayah, what are you doing?" kalmadong tanong sa akin nung Eros...

Wow ha! Sila pa ang nagtanong at nagalit!

"Ouch! Ow!... Ayah!, Stop throwing rocks and branches on us! Ano bang problema?" Iritang tanong sa akin ng lintang nasa harap ko..

"Wow ha! Ang kapal ng mukha mong itanong yan sa akin!..." bago ko tapusin ang sinasabi ko ay lumapit ako sa kanya at piningot ang kanyang tainga " ikaw kasi, nag 16 lang tayo lumalandi kana! Ikaw talagang babae ka! Isusumbong talaga kita kay mama at papa... inunahan mo pa ako sa first kiss ko" sabi ko kay Ai sabay hila palayo sa payatot...

"Bakit, gusto mo rin bang magka-first kiss?...Tsk! Gusto mo ngayon na" Agad naman akong napatingin sa likod ko kung saan nakangisi yung baklang  payatot... bakla siya kasi kung magpapa-highlights na nga lang violet pa... ( -__-) tss!

"Manahimik ka dyan bakla!" Irita kong utos sa baklang payatot...

"Tsk!" Yan lang ang nasabi nung bakla sabay ngisi...

"Halika na nga, Ai... baka may mapatay pa akong baklang payatot dito" inis kong sabi kay Ai sabay hila sa kanya...
.
.
.
.
.

"Ayah.."

"Oh? Bakit?"

"Gusto mo ba si Eros?"

Agad naman akong napatigil sa paglalakad at napatingin kay Ai in a very serious face...

"Bakit mo naman natanong?" Tanong ko sabay taas ng kanan kung kilay...

"Ummmm, w-wala lang, S-Sagutin mo nalang kasi ako, dami pang tanong"

"Ano kung sinabi kong oo? Payag ka?"

"A-a-ah... h-hi-hin-"

"Pfft! Hahahahaha! Para kang natatae! Hahahahahaha! Of course wala akong gusto doon sa baklang payatot! Hahahahahaha! Ano siya siniswerte? Hahahaha! Kung gusto mo siya, e di sayong-sayo na siya! Iba kaya ang type kung lalaki! Hahahahahaha! Yung type ko hindi payatot at bakla no! Asa naman siya doon no!" Sige lang ako sa pagtawa habang sinasabi ko iyon, eh totoo naman, wala talaga akong gusto doon sa baklang iyon, over my sexy gorgeous body!

"Ayah, naman! Kinabahan ako doon ha! Akala ko totoo na!" Grabe naman 'tong babaeng ito, kung maka-react akala mo maaagawan... hindi naman kaagaw-agaw yung lalaking iyon.

"Ayah! Ai! Aliyah! Asan na kayo?!"

"Mga anak!"

Agad kaming napatigil ni Ai nang marinig namin ang boses nila mama at papa, kaya dali-dali kaming tumakbo at hinanap sila...

"Mama! Papa!" Tawag namin sa kanila nang makita namin sila mama na may dala-dalang flashlight... madilim kasi ngayong gabi. Siyempre may dala rin akong flashlight, hinira-este kinuha ko sa bahay nung Eros, eh kasi wala siya doon kanina kaya kinuha ko nalang. Alangan namang hanapin ko pa siya sa madilim na kagubatan, ano siya sineswerte?

Behind This Door [On-Hold]Where stories live. Discover now