CHAPTER 7

3.9K 135 41
                                    

CHAPTER 7: Know Your Place

CHRISSY's POV

"Lady Christine, nandito na po tayo." Sabi ni Mang Erming sa'kin. Lumabas na ako ng kotse at tinignan ang mataas na building na nasa harapan ko. I think this building has 50 something floors. Hmm... Well I don't care.

Pagkatapos kunin ni Mang Erming ang MGA maleta ko ay, dire-diretso akong pumasok sa loob ng building, this place is quite nice. Dumiretso ako naglakad papunta sa reception area, and asked the receptionist where's the room of my ladybug. No! I mean, that ladybug, she's not mine so... Sht shut up!

Dad texted me the personal info of that lady bug even her picture. So I know her whole name, Rose Ann. Nice name it suits her pretty face. Uhm, I mean... She's not pretty. She's.. Uh cute? Ugh! Whatever. Okay, I admit. She's too pretty to be a Police Woman. But I'm still prettier than her. Duh!

Pagtapos ibigay sa'kin ng receptionist ang room and floor number ng Ladybug na 'yun ay naglakad na kami ni Mang erming papuntang elevator. I pressed the 47th floor and waited.

*ting*

Lumabas na kami at naglakad at hinanap ang room 121. Nandito na kami sa tapat ng room ng ladybug na 'yun at nagpaiwan na akong mag-isa. I know pagod na si Mang Erming kaya pinauwi ko na siya.

I pressed the doorbell and waited impatiently. I pressed it again and again and again. Maiksi lang ang pasensiya ko at mainipin. Lecheng lady bug na iyon! Ang bagal buksan ang pinto!

Bumungad sa'kin ang nakasimangot na mukha ng isang babaeng mistisa. I mean, my bodyguard. Okay, she's more pretty in person. But I'm still prettier!!! Tss.

Nakatulala lang siya sa'kin, kaya lalo akong nainis. Hindi manlang ako papasukin. "Can I come in? Kanina pa ako nandito sa labas ang bagal bagal mo kasing buksan 'yang pinto mo. Ang init init kaya dito duh!"

"T-teka? Sino ka ba miss?" What the F?! Did she asked who am I? Sumimangot ako at pinamewangan siya.

"Isn't it obvious? You're my bodyguard, you should know who I am. Pinapainit mo ang ulo ko, imbes na pinapapasok mo na ako dahil kanina pa ako naghihintay dito at nangangalay na ako, nagawa mo pa talagang tanungin kung sino ako? You're unbelievable!" Hasik ko sa kaniya.

"Okay miss. Pumasok ka na. Ang dami mo pang satsat." Pikang sabi niya at nauna ng pumasok sa loob. Did she just gave me an attitude?!

"Oh ano Miss? Papasok ka ba o ano?" She asked me again. Can I say, she's hot when she's frowning? Ugh! Shut up Chrissy!

"Kunin mo 'tong maleta ko at dalhin mo sa kwarto ko." I said and entered her unit. Hmm, her place is quite peaceful. Ang ganda ng combination ng color ng wall niya, green and white. Naglakad pa ako ng unti at nakita ko ang sala niya na may 50" na LED TV, couch and table.

Narinig ko siyang may binubulong kaya humarap ako sa kaniya at tinanong siya, "May sinasabi ka?"

"Wala." Naka-simangot niyang sabi at hinila na ang MGA maleta ko at naunang naglakad sa'kin. I followed her para rin alam ko kung nasaan ang room ko. Habang nakatalikod siya ay malaya kong napagmamasdan ang likod niya. She's wearing a dark green v-neck t-shirt and a Skinny Jeans that complement her curves and her perfect and long legs. Ugh! What am I thinking?! Stop that sh*t Chrissy!

"Ikaw lang mag-isa dito?" I asked.

"Yep." She answered. "Ah, I see." I said at nagpatuloy sa paglalakad. Huminto siya at binuksan ang kwarto na katabi ng isa pang kwarto. So, there's only two rooms here in her unit.

Pumasok na siya dala-dala ang MGA maleta ko kaya sumunod na rin ako, I roamed my eyes, there's a couch, bed, closet and a door I think that's the comfort room. Not bad. "Ayusin mo na mga gamit mo at lumabas ka na para makakain na tayo." Ayun lang at lumabas na siya.

Dahil sa tinatamad pa akong mag-ayos ng gamit ay naligo na lang ako. Ang init kasi ng panahon ngayon. Maybe because of me, because I'm hot. *wink* Sorry not sorry guys, pati kayo nadadamay pa. Hahaha.

Pagtapos maligo ay nagsuot lang ako ng denim shorts and tank top, pagtapos mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto ko. Naglakad ako at nakita ko siyang nasa kitchen. Naghahain siguro ng kakainin namin.

She looked at me from my head to toe and She smirked. Did she just checked me out? And why do I feel so conscious by the way she looked at me? Ugh! What's happening to me?

"Tapos ka na ba mag-isip?" She said and laughed. Oh God, why do I feel this way? Last time I check I'm straight! "Gutom lang 'yan, tara kain na." Sabi niya at inusog ang isang upuan para maka-upo ako. Gentlewoman.

Siguro nga gutom lang ako kaya naupo na ako at nagsimula na kaming kumain. "Who cooked this?" I asked. Masarap kasi ang pagkakaluto ng Caldereta. And Oh this is my favorite dish.

"I did. Masarap ba?" She asked while smiling.

"Hindi." I lied. Nawala ang pagkakangiti niya at sumimangot. Hahahaha. Ayoko ngang sabihing masarap. Baka lumaki pa ulo niya e.

"Ikaw ang maghugas ng plato ha." She said.

What?! Inuutusan niya ba ako?

"Ano? Inuutusan mo ba ako?" I angrily asked her. Sino siya para utusan ako? Duh! Ako kaya ang amo niya!

"Oo." She simply said.

"At bakit? Sino ka para utusan ako ha?" Nakakapika na 'to ha.

"Last time I checked, AKO ang may-ari ng unit na 'to. So, kung ayaw mong mapalayas. Sumunod ka." Sabi niya at nilagay na ang mga pinagkainan namin sa lababo.

Ugh!!!!

----

a/n: Sorry guys kung natagalan bago ko buhayin ulit 'tong IHPB, I'll try my very best para matapos ko 'to. Hahaha. Please bare with the typos and wrong grammar! Next time ko na ie-edit. Hehe.

Keep reading and voting guys, I really appreciate it. ;)

-NotStr8Genesis

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Her Personal Bodyguard (GxG) ON HOLDWhere stories live. Discover now