CHAPTER 6.2

2.4K 78 6
                                    

CHAPTER 6.2: Under The Same Roof

THIRD PERSON'S POV

Sa tagal ng byahe nila ay hindi namamalayan ni Chrissy na unti-unti ng bumababa ang talukap niya dahil na rin sa antok at pagka-bored.

*But if you like causing trouble up in hotel rooms

And if you like having secret little rendezvous

If you like to do the things you know that we shouldn't do

Then baby, I'm perfect

Baby, I'm perfect for you*

Biglang napabalikwas ng upo si Chrissy dahil naririnig niyang tumutunog ang kaniyang cellphone. Tinignan niya kung sino ang walanghiyang nang-istorbo ng tulog niya, at nagulat siya ng makita ang pangalan ng ama niya sa screen ng cellphone niya.

"Hello Dad." Malamig na sabi niya.

"Christine, anak. Where are you now?" Napairap siya ng tawagin siya nitong 'anak'

"We're on our way." She coldly said. "Why did you call anyway?

" I'm sorry, my princess kung hindi ako ang mismong naghatid sa'yo. Kailangan na kasi ako dito sa Singapore. I'll make it up to you. Anyways, tumawag ako para paalalahanan ka sa bago mo ng titirahan." Her dad said. Chrissy remain silent and she let her dad to continue. "As I was saying, I called to remind you na si Roan Corpuz na ang bahala sa'yo. From now on, siya ang lagi mong kasama sa LAHAT ng pupuntahan mo. Even in your school." Nagulat siya sa sinabi ng ama. Nalilito siya kung bakit pati sa skwelahan niya ay bubuntot ang ladybug na iyon?

"W-what do you mean dad?" She nervously sked her dad. Alam niya sa sarili niyang imposible ang gustong mangyari ng kaniyang ama, dahil hindi ina-allow ng school nila na pumasok sa loob ng skwelahan ang mga bodyguards ng students.

"Sa Brentwood University din siya mag-aaral. Hanggang sa makatapos kayo ng pag-aaral. Understood?" Her dad said. Napatulala naman si Chrissy sa nalaman. Lalo siyang nainis sa sinabi ng kaniyang Ama. Gusto ata ng kaniyang ama na sa bawat gagawin niya ay kasama ang ladybug na iyon. How about her friends? Baka mailang sa kaniya yun kapag may bodyguard siyang kasama. She cannot afford losing her friends, bukod kasi kay Manang Cecil sila na lang ang nakakaintindi sa kaniya.

Napabuntong hininga na lamang siya sa inis. "Yes dad." Wala rin naman siyang magagawa sa gusto ng kaniyang ama. Dahil 'pag sinabi nito, ay dapat niyang sundin.

"Good iha." Her dad said. "Oh, one more thing iha. I want you to behave. Dahil isang pulis ang bodyguard mo. I need to go princess, I have a lot of works to do. I love you my princess. Please understand us, we just want you to be safe."

Napabuntong hininga na lamang siya at nagpaalam na sa kaniyang ama. Napapaisip pa rin siya, isa palang pulis ang ladybug na iyon.

Let's see what you can do, ladybug. I'm Christine Lee and I'm a cold hearted btch. I know someday susuko ka sa'kin at mag reresign ka. Sa isip isip ni Chrissy. Yes, that's her plan. Ang pahirapan ang bodyguard niya hanggang sa sumuko ito at mag-resign ng sa gayon ay mawalan siya ng bodyguard at magiging malaya na ulit siya.

———

ROAN's POV

Grabe ang init! Pawis na pawis ako dahil kakatapos ko lang mag-ayos ng unit ko. Hindi naman sa makalat ang unit ko o ano. Hindi ko rin alam kung bakit gusto kong maayos ang unit ko 'pag dumating ang trobol na iyon.

Siyempre siya ang misyon moSabagay, siya nga pala ang source ng pera ko ngayon hahaha.

Naligo muna ako at nag-ayos ng sarili.  Magluluto na nga muna ako ng Lunch para pagdumating naman yung misyon ko e walang masabi dahil may pagkain ako dito sa bahay.

Nagluto ako ng Caldereta at nagsaing na rin. Marunong akong magluto no, hindi naman porke't pulis ako e hindi ako marunong ng mga gawaing bahay. Bata pa lamang ako, independent na ako. Dahil simula pa nung bata pa ako ay wala na akong pamilya.

Tapos na akong magluto, mamaya na lang siguro ako kakain 'pag dumating na 'yung misyon ko para sabay na kami. Pumunta muna ako sa sala at nanuod ng anime.

*ding dong* *ding dong* *ding dong* dantes?! Ay de joke lang. Okay, back to story hehe.

Ay leche! Sino ba yan? Kung maka-doorbell e beastmode. Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Binuksan ko iyon at....

Wow anghel....

"Can I come in? Kanina pa ako nandito sa labas ang bagal bagal mo kasing buksan 'yang pinto mo. Ang init init kaya dito duh!"

Bumalik ako sa realidad ng ratratin niya ako, sht demonyita. "T-teka? Sino ka ba miss?" Tanong ko sa kaniya. Inis na inis na ang itsura niya ngayon, dahil nakapamewang siya at nakakunot na ang noo. Wow she's hot. Ano ka ba naman Roan? Para kang timang.

"Isn't it obvious? You're my bodyguard, you should know who I am bla bla bla.."

Siya pala ang bagong misyon ko. Tama nga ang naramdaman ko sa litrato na nakita ko, maganda siya. Pero ang maldita ng ugali. Tsk.

"Okay miss. Pumasok ka na. Ang dami mo pang satsat." Pikang sabi ko at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Mukhang dito masusubukan ang pasensya ko ha. Ikaw na bahala sa'kin, Lord. De joke lang hehe.

——

I'm Her Personal Bodyguard (GxG) ON HOLDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora