CHAPTER 1

3.9K 109 0
                                    

CHAPTER 1: Roan

ROAN'S POV

"Corpuz!" Tawag sa'kin ng nilalang sa aking likuran. Nilingon ko 'yon at nakita ang kapwa ko pulis na si Cruz. "Pinapatawag ka ni Chief." Dugtong niya nung nilingon ko siya. Napakunot ang noo dahil sa pagtataka kung bakit ako ipinatawag ni Chief.

Tumayo na ako't naglakad papunta sa kaniyang opisina. Kumatok ako at narinig ang boses ni Chief. Binuksan ko ang pinto at nakita si Chief na nakatayo kaya't sumaludo ako sa kaniya. Tinuro niya ang upuan sa tapat ng lamesa niya kaya't naupo ako doon.

"Bakit niyo po ako pinatawag, Chief?" Takang tanong ko.

"May ibibigay akong mission sa'yo." Sabi niya sa'kin ng nakangiti.

Kuminang naman ang aking mga mata at tuwang-tuwang napatingin sa kaniya. Sa wakas! Matapos ang isang buwan, babalik na ulit ako sa bakbakan! Yahoo! Namiss ko rin ang pakikipag-labanan ha? Haha. SA WAKAS!!!

Ngunit naputol ang pagsasaya ko sa isip ko ng biglang nagsalita si Chief. "Pero Corpuz, hindi ito basta basta isang mission. Masiyado itong mabigat, kaya't sa'yo ko naisip na ibigay 'to dahil malaki ang tiwala ko na mababantayan mo siya." Makahulugang sabi ni Chief.

Ha?! Anong mabigat? Anong babantayan? Ano daw? Ang gulo ni chief! Tsk.

"Ano po Chief? Sinong babantayan?" Pagkatanong ko nun ay may inilapag na folder si Chief sa table niya. Iniusog niya sa'kin 'yun at tinanguan ako para ipahiwatig na tignan ko iyon.

Ibinuklat ko ang folder, at nakita ang profile ng isang babae.

Christine Grace Lee, 19 years old, Female, College student of Brentwood University...

Ano 'to? At sino 'to?

"Siya si Christine Grace Lee. She is the daughter of Mr. Ramil Lee. You know him right, Corpuz?" Tumango ako kay Chief. "Siya ang pinakamayaman na negosyante sa bansa natin, at mga nakaraang araw ay nakakatanggap siya ng threats mula sa mga sindikato. And he ask for our help to protect her daughter." Sabi ni Chief. "At si Christine Grace Lee, ang magiging mission mo. Babantayan mo siya, at ikaw ang magsisilbing Personal Bodyguard niya." Seryosong sabi ni Chief.

Tinignan ko ulit ang Profile ng babaeng sinasabi ni Chief na babantayan ko. Tinignan ko ang 1x1 niyang picture dito. Ang ganda niya. At sa hindi ko malamang kadahilanan, nakaramdam ako ng kaba at napasabi ng, "I'm in trouble."

I'm Her Personal Bodyguard (GxG) ON HOLDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن