CHAPTER 4

2.6K 92 1
                                    

CHAPTER 4: Kalbaryong misyon

ROAN'S POV

"Uy, Corpuz! Congrats ha. Balita ko may mission ka ha." Nakangiting sabi sa'kin ng katrabaho kong si Cruz.

"Psh. Oo." Sabi ko at pasalampak na naupo sa swivel chair ko at napahawak sa sentido ko. Haaay.

"Oh? Ba't parang.... Hoy! Diba dapat excited ka?" Gulat na sabi sa'kin ni Cruz. Napatayo pa ang loko.

"Ewan ko rin e. Di ko alam pero basta!" Iritableng sabi ko at pumikit habang minamasahe ang aking sentido.

"Hmm... 'Di mo siguro gusto ang bago mong mission 'no?" Tanong niya sa'kin.

"Ewan ko. Pero pakiramdam ko, hindi maganda 'tong mission na 'to." Saad ko.

"Ano ba 'yang mission mo na 'yan? Magsisilbing 'suicide bomb' ka ba?" Tanong ni Cruz.

Susmiyo, utak talaga nitong lalaking 'to oh. "Hindi gag*." Sabi ko at napangisi.

"E ano?" Naguguluhang tanong niya sa'kin.

"Magiging personal bodyguard ako ng anak ng pinakamayan dito sa pilipinas. Isang teenager." Sabi ko at naalala ang litrato ng babae na iyon. Maganda siya ngumiti. Pero makikita at mararamdaman mong, isa siyang trouble. Psh.

"Oh? E ano naman ngayon? Yakang-yaka mo yan tolits!!" Pampa-lakas na loob na sabi niya sa'kin. Napa-ismid na lang ako at tinaboy ko na siya.

Hay. Sana nga totoo ang sinabi sa'kin ni Cruz, sana nga kayang-kaya ko 'yung mukhang trouble na yun.

--

"So Corpuz, ngayon kayo magkikita ni Ms. Lee. Pero bago 'yun, ipapaliwanag ko sa'yo lahat-lahat ng mga dapat mong gawin." Sabi ni Chief at tumingin sa'kin ng seryoso. Napaupo naman ako ng tuwid. Katakot e.

"Corpuz, malaki ang tiwala ko sa'yo kaya sa'yo ko ito ibinigay. Mabigat na misyon ito pero alam kong kakayanin mo. Ang pamilya Lee ay ang pinakamayaman na pamilya dito sa Pilipinas. At namamayagpag ang pangalan nila kahit sa iba pang mga bansa. Lately, nakakatanggap sila ng threats sa buhay nila. Kinakatakot nina Mr. Lee at Mrs. Lee ang kaligtasan ng kanilang nag-iisang anak na si, Christine Lee. Kaya't nanghingi sila ng tulong sa'tin. Kailangan nila ng proteksiyon para sa anak nila, dahil maiiwan ito dito dahil sina Mr at Mrs Lee ay nasa Singapore. Kailangan mong bantayan si Christine Lee sa mga sindikato na nagbabanta sa buhay nito." Seryosong saad ni Chief sa'kin.

"Dahil nag-aaral sa ngayon si Christine Lee. Kailangan mo ring pumasok sa paaralang pinapasukan niya." Sabi ni Chief.

ANO DAW?!

"Chief! Hindi pwede! Alam mo naman kung gaano ko ka-ayaw ang pag-aaral. Ano ba naman yan Chief!" Reklamo ko kay Chief. Ayoko na mag-aral. Isa itong kalbaryo para sa'kin!

"No buts Corpuz! That's my order!" Saad ni Chief. Wala na akong magawa kundi pumayag na lang. Kailangan dahil parte ng trabaho hay nako.

"So as I was saying, mag-aaral ka rin kasabay ni Christine Lee. Wag kang mag-alala, malapit na namang matapos ang eskwela kaya di ka matatagalan sa eskwelahan na iyon. Parehas kayo ng Schedule kaya't dapat lagi ka niyang kasama." Napahawak na lang ako sa sentido ko at hinimas-himas iyon.

"And one more thing..." Pahabol na sabi ni Chief

"Ano ho iyon?" Sabi ko ng nakayuko

"Sa condo unit mo siya titira." Napa-angat ang ulo ko at nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Cheif.

"SERYOSO KA CHIEF?!" Sigaw ko sa kaniya.

Sa condo ko?! Sa iisang bubong lang kami?! Diyos ko!! Magiging kalbaryo nga ang misyon na ito!

I'm Her Personal Bodyguard (GxG) ON HOLDWhere stories live. Discover now