"Ako ba pinaguusapan niyo?" anya.

"N-Naku hindi, pinaguusapan lang naming yung tumawag saakin kahapon, about our gig in Tagaytay." Kinunutan ako ng noo ni Jel at Rio.

"M-May tumawag sayo?" pangungumpirma saakin ni Jel, kaagad naman ako inibahan ng tingin ni Rio.

"Akala ko ba yan ang pinaguusapan niyo, bakit parang ngayon palang narinig ni Jel yan..." Sabay kami napakamot ng batok ni Jel, panira rin ito ng alibi e.

"Kahapon lang yun, if we are interested lang naman daw. Thay want to invite us this weekend."

"So anong sinagot mo?"

"Sabi ko, i-inform nalang natin sila if we are available, and beside kailangan ko pang mahingi ang approval niyo. Hindi naman pu-pwedeng ako lang magisa doon. Right?"

"Then you should text him now and say that were coming..." singit bigla ni Raiden at tsaka umupo sa upuan niya.

Nagkagulatan pa kami dahil sa biglaang pagsulpot niya. Kung matutuloy man ito, ito ang kauna-unahang mag-pe-perform kami outside of the campus.

"Then how about Sharla? Is she coming too?" tanong ko bigla sakanila.

"Probably!" sagot ni Raiden at tsaka itinuon ulit ang atensyon sa field.

Ilang araw ng ganito si Raiden, kapansin-pansin din ang puyat na halata sa kanyang mga mata. Ano ba ang ginagawa niya sa buhay niya?

Natapos ang araw na iyon ng matiwasay, maagang umalis si Raiden sa school dahil may lalakarin raw ito. Nasa parking area na kami ng bigla ako makaramdam ng text galing kay Tita Bernice.

"Punta daw tayo sa bahay nila Tita Bernice ngayon..." sambit ko kila Rio and Jel.

"Ok..." iyan lamang ang narinig kong tugon nila at nagkanya-kanya na silang pasok sa loob ng kani-kanilang kotse. Psh!

Para kaming nasa car racing kung magpaunahan papunta sa bahay nila Raiden, ngunit ako parin talaga ang nagtagumpay.

Dismayadong bumaba si Rio at Jel sa kanilang sasakyan habang malaki naman ang ngiti ko.

"Huwag ka ng magmayabang, ou alam na naman na hindi ka namin matatalo..." napatango-tango ako sa sinabi ni Jel.

Tinapik ko si Rio sa balikat... "Ikaw wala ka bang sasabihin?"

"Psh!"

Sa gate pa lang ng bahay nila ay nakikita ko na kaagad si Tita habang nakahawak naman sakanya si Bam...

"Long time no see boys, kamusta naman kayo?" pambungad na tanong kaagad saamin ni Tita.

"Ok naman po kami..."

"Kumain na ba kayo? Bakit ko nga ba tinatanong... Sige pasok kayo, may hinanda ako para sainyo..."

Nagtuloy lamang kami sa pagpasok sa loob...

Narinig ko pa si Tita habang kinakausap si Bam...

"Bam, you should go to your room, Mom have a visitor. Just watch a Barbie ha! Ok..."

Feel at home kaming umupo sa hapagkainan nila Raiden habang nag-se-serve naman ang mga maid nila ng mga pagkain saamin. Nakangiting umupo si Tita sa harap namin.

"So guys I heard Nadine already back?"

Natigilan kami sa pagkain at hindi makatingin kay Tita.

"Nagkabalikan ba sila ni Raiden?" kaagad napakunot ang noo namin tatlo dahil sa sinabi niya.

"Hindi po Tita" direktang sagot ni Jel.

"Then bakit palaging madaling araw na umuuwi si Raiden this past few days. Hindi ko nga alam kung natutulog pa ba yung batang yun and then papasok siya ng maaga. I thought nagkabalikan sila ni Nadine."

Nagkatinginan kaming tatlo sa sinabi ni Tita, we have no idea kung ano ang ginagawa ni Raiden sa mga oras na iyon. Wala rin kaming idea kung nasaan siya.

"No Tita hindi po sila nagkabalikan, Raiden already settled it between the two of them." Sagot ni Jel.

Sandaling napaisip si Tita... "Nagaalala na kasi ako sa batang yun, hindi ko na alam kung anong gagawin ko doon."

~*~

Nang makalabas kami ng bahay nila Raiden ay palaisipan talaga saamin kung saan nagpupunta ng ganuong oras si Raiden, malabo namang mag-bar iyon dahil hindi naman mahilig sa inuman yung lalaking yun. Ayaw niya rin sa maiingay na lugar.

"I think alam ko na kung nasaan si Raiden ng mga oras na iyon!" biglang sambit ni Jel at tsaka mabilis na sumakay sa kanyang kotse.

Walang alinlangan namin itong sinundan, medyo lumalalim na rin ang gabe ng maging pamilyar saakin ang tinatahak namin na landas.

Napatawag ako sa cellphone ni Rio.

"Oh!"

"Hindi ba Village nila Sharla itong tinatahak natin?" sambit ko.

"Ou, bakit?" siguradong sambit.

"You mean-' hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang tumigil ang sasakyan ni Jel at mabilis na pinatay ang ilaw. Ganun din ang ginawa ko at ginawa ni Rio.

Dahan-dahan akong bumaba sa driver seat at lumipat sa kotse ni Jel.

"Nakita mo na si Raiden?" tanong ko sakanya. May ininguso siya sa labas. Pagkatingin ko ay si Raiden nga, nakapamulsa ito habang nakatingin sa bahay nila Sharla.

Pinagmasdan ko siya ng ilang minuto pero para siya'ng isang puno na nakatanim doon.

"Is that really Raiden?" tanong ni Rio.

Napatango si Jel. "Hinihintay niya ba si Sharla na lumabas? Tingin niyo?" tanong ko.

"Nope he's not." Seryosong tugon ni Jel.

"Then anong ginagawa niya diyan?" tanong ko ulit.

Napakibit balikat si Jel...

Ilang oras na kaming naghihintay rito sa labas ng bahay nila Sharla pero nanduon parin si Raiden, past 11 na at kanina pa ako nakakaramdam ng antok.

"Raiden is the type of man na kapag nagmahal, gagawin ang lahat para lang maipakita sa taong yun na kaya niyang maghintay kahit walang kasiguraduhan na makikita nito ang love na ibinibgay niya. Ang hirap niyang basahin!" bulalas ni Jel at tsaka na nito-inistart ang engine at tumingin sa direksyon naming ni Rio.

"Uuwe na ako, baka gusto niyo ng umuwi?" aniya

"Pero hindi ba natin hihintayin si Raiden?"

"We just came here para malaman kung ano ang ginagawa niya, hindi natin plano na samahan siya. Pero kung gusto niyo it's up to you."

Sabay kaming napakamot sa ulo ni Rio at lumabas ng kotse niya...

"I really didn't know na kayang gawin ito ni Raiden for Sharla!" sambit ni Rio.

"Me too" napasinghap ako. "Hindi ko parin talaga gaano ka kilala si Raiden, what I see now is a cool person yet in love person."

Ginulo ni Rio ang buhok ko. "You should find a girl that are worthy of your simplest action."

VOTE, COMMENT

Finding YouWhere stories live. Discover now