Kumunot ang noo nya pero humalakhak rin pagkaraan ng ilang minuto.

Bipolar!

"Grabe Megan, napaka assuming mo pero bakit parang gustong gusto ko?" napanganga ako. Ako? Assuming?

Kaming dalawa lang ang tao rito! Malamang ako ang kinakausap nya, hindi ba? Maliban nalang kung tanga sya at...

Teka, hindi kaya?

"Look, Megan. I was talking to myself, not you. I didn't know you're here. If you want my attention, just ask for it. I'm willing to give you that," natatawang saad nya. Napanganga ako. Hindi ako ang assuming! Sya ang assuming! Letche!

Nanlaki ang mata ko sa slurpee na hawak nya. Hindi ako makapaniwala!
Inismiran ko sya. "Whatever,"

Tymayo ako at tinapon ang slurpee sa trash bin na nasa gilid ko. Nawalan ako bigla ng gana.

Dirediretso akong naglakad palabas ng 7/11. Malakas na buhos ng ulan ang sumalubong sakin. Napahalukipkip ako. I almost forgot!

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Napairap ako. Napaka yabang nya.

Napataas ako ng kilay ng may tumigil na kotse sa harapan ko. Base sa pagkakaalala ko ay, BMW ito. Kulay puti at makintab. Parang bagong bili.

Pinilig ko ang ulo ko. It's not the time to think about nonsense! Kailangan kong makahanap ng tricycle o kung anong pwedeng masakyan. Pero sana ay tricycle nalang dahil malapit lang naman ang bahay namin.

Bumaba ang salamin nung sasakyan na nasa harap ko. Napanganga ako.

"Wanna take a ride?" Nakangising tanong nya. Hindi sya makatingin sakin.

I frowned. Muntikan na akong masuka dahil sa ngisi nya.

"No thanks, malapit lang naman ang bahay ko," masungit kong sagot sakanya. Dinerekta na nya ang mata nya sakin.

Suminghap ako.

"Sinong kausap mo?" Seryoso nyang tanong sakin. Hindi makapaniwalang tinitigan ko sya. Is he out of his mind?!

"Kyle? Hi! Uh..sure!" Mas lalong napakunot ang noo ko. Lumingon ako sa likod ko.

Nakita ko ang isang babaeng mahaba ang kulay brown na buhok pero may natitirang mga kukay itim na buhok at kulot pagdating sa dulo. Naka pantalon sya at isang jacket. I know her. Secind year ang isang 'to. Napanganga ako nang binuksan ni Kyle ang front seat ng kanyang BMW.

Dumeretso doon ang babae. Napaismid ako.

"May nakikita ka bang hindi namin nakikita?" Halakhak nya. Sinamaan ko sya ng tingin.

Asshole!

"Or else," tinagilid nya ang ulo nya. "Gusto mong sumabay sakin, pupwede naman iyon. All you need to is ask, Megan," dagdag nya.

"Hindi ako tulad ng mga babae mo! Umalis ka na nga!"

Nginisian nya ako, "A'right,"

Walang pasabing pinaharurot nya ang kanyang sasakyan dahilan kung bakit punong puno ang damit ko ng putik ngayon!

Natapos na ako sa pag aayos. Napilitan akong maligo kahit na malamig ang tubig. Lagot talaga sakin ang lalaking yon!

Napadapo ang tingin ko sa canvas. Tinitigan ko iyong mabuti. Kaylangan ko nang matapos ito. Tuesday na bukas at sa Saturday ang susunod naming pagpipinta para sa susunod at huli namibg topic.

Moving Forward....

Napasinghap ako. Ano bang naisipan nila Mazzy at isa ito sa napili nilang topic? Napaka walang kwenta! Ugh!

Nilapitan ko ang mga brush at ang paint. Napasinghap ako. Bahala na. Basta ay gagawin ko nalang ang best ko!

Huminga ulit ako ng malalim at simulan ng ipahid ang paint brush sa canvas.

Naalimpungatan ako dahil sa maingay kong alarm clock. Sinulyapan ko iyon. It's almost 5:00 in the morning.

Nahagip ng mata ko ang canvas na nasa stand. I smiled. Natapos ko! I can't believe it! Natapos ko talaga!

Pinagmasdan ko lang ito. Hindi ko maiwasang mamangha sa sarili kong gawa. Nilapitan ko iyon. Nasa isang isolated road ang setting ng painting. Papaliit ang road habang lumalayo. Sa dulo ng road ay makikita mo ang papalubog na araw. May nakatalikod na lalaki na para bang pinagmamasdan ang isang silhouette ng isang babaeng parang naglalakad palayo. Sa gilid ng daan ay mga puno. I smiled.

Tumayo na ako para makapag ayos. Niyaya kasi akong magsimba at kumain sa labas ni Dave.

Napasimangot ako ng maalala ko ang nangyari sakin kagabi. Malalagot sakin ang Kyle na yon! Tss.

Nang matapos ako sa pag aayos ay bumaba na ako. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Dave na nakaupo sa couch.

"Dave," mabilis syang lumingon sakin saka ako nilapitan.

"Uh, hi. Good morning," tinanguan ko sya at pinanliitan ng mata.

"Why are you doing here? Akaka ko sa simbahan na tayo magkikita?" Nginisian nya lang ako at nagkibit balikat.

"Fetching you. Nah, I change my mind," Sagot nya na para bang napaka normal ng ginagawa nya.

Doon ko naalala na nanliligaw pala sya sakin. Of course, it's normal na sunduin nya ako!

"Uh, yeah. Anyways, breakfast?" Mabilis syang umiling sakin.

"No, I'm okay. I'll just wait you here," tumango nalang ako at iniwan sya doon. Hindi ako makakain ng maayos, thinking na nasa sala lang sya at naghihintay sakin. Nakakailang subo palang ako ay iniwan ko na ang pagkain at dumeretso sa sink para mag tooth brush.

Naabutan ko syang tinitingnan ang mga frame sa gilid ng wall. Tumigil sya sa isang malaking frame, family picture namin yon.

"Dave?" Binalingan nya at alanganing ngumiti.

"Uh, I'm sorry," tinuro nya yung mga frame.

Nginitian ko sya at inilingan, "Wala yon, tara na?"

Tumango sya at nauna na papunta sa kanyang Ranger. Pinagbuksan nya ako ng pinto. Pagkapasok ko ay umikot sya para umupo sa driver's seat.

Napalingom ako sakanya nang tumikhim sya.

"So, uh. Megan, where's your sister? Alyana?" Tanong nya habang ini start ang engine.

Napakunot ang noo ko. Yes, I have a sister. She's two years younger than me. We're not really in good terms because of that asshole Kyle.

"She's on States, Dave. Doon na sya nag aaral. Why did you ask?"

"Wala lang, I'm just," tinitigan ko sya. Sinulyapan nya rin ako.

Nagkibit balikat sya, "Curious,"

The Jerk's Possesion (Jerk's Series #1)Where stories live. Discover now