Chapter 2

6.7K 407 123
                                    

CHAPTER 2: Welcome

Kaiza's Point of View

Yakap-yakap ko ang aking sarili habang naglalakad sa loob. Biruin niyo, nakapasok ako nang hindi hinihimatay sa sobrang takot. Nakakapagtaka nga eh, wala pa akong nakikitang kahit isang student.

Halos mapatili ako sa sobrang gulat nang may biglang tumalon papaharap sa akin. Naglanding siya mismo sa aking harapan. 

"Ikaw si Charity 'diba?" Tanong ni Kuya sa akin. May hawak siyang lubid na may bahid ng dugo.

Ito na ba?! Ito na ba ang papatay sa akin? Itong si Kuyang Gwapo na ba ang magdadala sa akin patungo sa ibaba? Hindi ko man lang nagawa ang gusto ni Ate Azerine para sa akin!

"HOY! I'm asking you! Are you Charity?" Nawala ang iniisip ko dahil sa sigaw nitong kaharap ko ngayon. Infairness, kalalaking tao, ang lakas sumigaw ah.

"Opo. Bakit?" Magalang kong tanong.

"Tsk. Dumiretso ka sa Office." Masungit niyang saad. Tinaas niya ang lubid sa aking harap at pinakita ang dugo. Nandidiri ko namang hinawi 'yon.

"Hindi ko alam kung saan papunta ang Office." Saad ko.

"Okay. I'll be your guide then. I'm Jexst by the way. Jexst Smith." Pagpapakilala niya.  Ngumisi siya bago tinapon ang lubid sa tabi at saka tumalikod. "Tara na. Baka makita pa tayo dito."

Mabilis akong sumunod sa kaniyang likod. Isang yarda ang layo namin sa isa't-isa dahil hindi pa naman kami close. Baka sabihin kapag sumabay ako sa paglakad ay feeling close ako. Nakakahiya.

"Nino naman? Sino 'yung makakakita?"

Saglit siyang natahimik.

"Basta..." Sagot niya at mas binilisan pa ang lakad. Sumimangot ako at mas binilisan pa ang lakad para hindi ako mahuli.

Marami kaming dinaanan bago kami makapunta sa Office ng Phantom High. Hindi ko na din naalala 'yung dinaanan namin dahil maraming paliko. Halos mahilo-hilo na nga ako kasi kakanan kami tapos biglang liliko tapos kakanan nanaman tapos kakanan. Hindi ko na maintindihan. Mahina pa naman din ang utak ko pagdating sa pagkabisado ng daanan.

"You're Charity." Anang babae sa aking harap. Nakakatakot ang ngisi nito habang nakatingin sa akin. Naka black na halter top siyang dress. Kitang-kita sa gilid ng mata ko ang kahabaan ng kaniyang dress. Hindi ko nga malaman kung dress ba o gown kasi may diamond na naka-design sa paligid nito.

Binasa ko ang name stand na nasa harapan niya.

Kiara Mortel
Head Directress

Lumunok ako sa kaba. Head Directress siya. Ibig sabibin, malakas ang kapangyarihan niya dito. Tumango ako.

"Opo. Ako nga po si Charity."

Phantom High (School For Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon