[FINALE] Epilogue ~ ♥

1.9K 38 13
                                    

"Friendship... is not something you learn in school. But if you haven't learned the meaning of Friendship, you really haven't learned anything."

 - Muhammad Ali.

---

10:00 am

Nagpasya ang mag totropa na magtigil sa dorm nina Jayle. Kinabukasan kasi ay Graduation na nila. Masyadong mabilis ang school na ito para sa kanila. Parang dati lang naman ay first day ng school at ni hindi pa nga nila kilala sina Ken noon.

Pero ngayon, sa sobrang bilis ng panahon. Gagraduate na sila. At lalong maganda pa ang pakikitungo nila sa mga lalaki. Ang dalawa pa nga sa kanila ay nasa ibang bansa at doon namamalagi.

Nanunuod lang sila ngayon ng isang Movie. Namiss daw kasi nila itong gawin magtrotropa lalo na nung mga panahon na kumpleto pa sila.

" Kelan kaya babalik sina Elle? " napatingin ang lahat kay Haycee na biglang nag salita.

Miski siguro ang ibang tropa ay nagtataka kung kelan nga balak mag bakasyon nina Rhanz at Elle dito sa Pinas.

" Kaya nga. Halos gagraduate na tayo't lahat hindi padin sila nadalaw sa atin." pagsang ayon naman sa kanya ni Klyd.

Tumayo si Jayle sa harapan ng TV. Kaya nabaling sa kanya ang atensiyon ng mga kaibigan niya. " Guys, hayaan na muna natin sina Elle. Tatawag naman sila kung babalik diba? Tsaka malay niyo. Masyado silang Busy doon. " w/ matching hand gesture pa.

" Naiintindihan naman namin sila e. Kaya lang namimiss lang talaga namin sila." sabi ni Haycee at tila bang nagtakip siya ng kamay sa muka na para bang naiiyak.

Niyakap naman siya nina Ailee. " Don't worry. Alam ko na namimiss din tayo ni Elle. Tsaka tatawag din yun pag may time sila. " sabi ni Ailee to cheer up Haycee. 

Umayos nadin ng upo sina Haycee.

" Jayle! Tapos ka na ba sa speech mo? Pedeng urong ka onti. Kaso oh? Nanunuod kami."sabi ni Yex kay Jayle at nag sign pa na pinapaurong siya.

Inirapan naman siya ni Jayle. " Opo! 'To naman parang hindi mo namimiss sina Elle."

Umayos nadin si Jayle ng upo at saka pinagpatuloy ang panunuod ng Movie.

FRIENDSHIPWhere stories live. Discover now