[Frndshp] #47

1.3K 19 2
                                    

Klyd's POV

" Ano gusto mong kainin jaan? " nakatingin kami pareho ni Je sa Menu ng Milk Tea. Parang baliw naman 'to.Milk Tea? Kinakain?

" Baka anong gusto kong inumin. Kelan pa kinakain yung Milk tea? " nabaling naman yung tingin ko sa kanya. Pero nagulat ako nung nakatingin na siya sa akin.

Kanina pa ba siya nakatingin sa akin?

" Yung Pearl ang kakainin. Baka kasi gusto mo ng Nata imbes na Pearl. " saka niya kinurot yung ilong ko. Ang sakit nun ha -_-

Tumingin na siya ulit sa menu kaya ginaya ko nalang siya. " Gusto nung Taro Milk tea! " sabi ko sabay turo doon sa Menu na nasulat ay Taro.

" Miss, isa nga pong Taro Milk Tea with Pearl tsaka Chocolate Milk Tea with Pearl din. " nagpindot pindot na yung babae doon sa monitor na de' touchscreen.

" Sir, That'll will be 300 pesos. " bibigay ko na sana sa kahera yung 150 ko. 150 kasi isa e. Ang mahal no? Pero masarap naman.

Bigla namang hinawakan ni Je yung kamay ko. " NO. I'll pay for this. Date natin to diba? " Srsly? Date? Ang sabi niya lang naman kanina kung gusto ko uminom ng Milk tea. Ang gulo niya no.

" No! Ako na no. Tsaka wala ka naman sinabi na lilibre mo ako e. "nakatingin lang si Je sa akin habang naka taas yung isa niyang kilay. Ang weird niya.

" Ano ka ba? Date nga to no. Tas hindi kita lilibre? Ako na. Sige na. Pumayag ka na. " wala na akong magawa. Nakatingin na yung kahera sa amin kanina pa. Kaya ayun! siya na yung nagbayad.

" Ang cute naman pong couple. Hihi, siguro bago palang kayo no? Kaya nagkakahiyaan pa kayo. " nagsasalita yung babae habang nag pipindot nanaman doon sa monitor na de' touchscreen.

" Nako Ate Cashier. Hindi po kami nitong mokong na to. Hehe. " sabi ko habang nag 'NO' sign gamit ang kamay ko.

Totoo namang hindi kami e? Nanliligaw palang. Yun lang. HAHAHA. Pero sasagutin ko ba? Malay narin. Tignan nalang natin kung hanggang saan ang bangis at effort nitong si John Erol. Hahaha.

" Ok, sabi niyo po maam e. Pero ang swerte mo po sa lalaking ito. Ang gwapo e. " sabi niya habang inaabot na niya ung orders namin, Ang landi lang Ne?

Tumingin naman ako kay Je, naka smirked lang siya habang kinukuha niya yung orders namin na nasa tray. " Mahangin naman. Sige thankyou miss. "

Umupo kami sa isang upuan doon. Katabi lang ng malaking window. Kinuha ko na yung order ko na nasa tray saka ko tinusok ng straw yung platic para mabuksan. Napalakas ata yung pagtusok ko?

Habang umiinom ako napansin ko na nakatingin lang si Je sa akin. Yung tingin na ang gwapo gwapo at tingin na nakakainlove at tingin na malaglag panty?

" B-bakit? May masama ba? " umiling naman siya.

" Eh bakit ka ganyan maka tingin sa akin? " tanong ko sa kanya. Nilagay ko muna yung iniinom ko sa table. Mag tutuos muna kami ni Je.

" Nagseselos ka ba? " halos mailuwa ko yung pearl na nasa bibig ko. Ano daw? Nagseselos daw ako? Bakit naman?

" Hahahahahaha! Alam mo Je, ang -- Hahahaha. Ang galing mo magpatawa. " sabi ko habang pinupunas punasan ko pa yung luha ko. Natawa kasi talaga ako.

FRIENDSHIPHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin