[Frndshp] #36

1.4K 23 1
                                    

Klyd's POV

" Klyd where are you going? " tanong ni Elle sa akin. Dba nga Wednesday wala kaming pasok. So eto ako ngayon makikipag kita sa 'so called' Friend ko daw.

" Jaan lang " sabi ko nalang kay ng hindi natingin sa kanya. Binuksan ko na yung pintuan ng makita ko si Ailee at Haycee.

Tila nanlaki naman yung mga mata ko.

" Bihis na bihis. San ang lakad natin Klydelle? " tanong ni Ailee habang naka taas yung isa nyang kilay.

" Jaan lang. " sabi ko at binangga ko na sila para makadaan ko. Masama na ba ako at ginagawa ko to?

Well no! Dahil buhay ko 'to. Pero kinakabahan din ako baka kasi tama yung sinabi ni Ailee na Modus Operandi lang ito.

Wala na ako magawa nandito na ako sa loob ng tricycle e. Wala pa kaming kotse hindi namin afford no. Hahaha.

Tinignan ko muna yung cellphone ko, nakita ko na natext sa akin sina Ailee.

From: Aileeng Alien

Sabi na nga ba makikipag kita ka sa Modus Operandi na tao na yan. Sige ingat ka nalang. :*

From: HillaryCeeng.

San ka punta? :/

From: Jayle

Kausap lang kita kanina bigla ka nalang pala umalis. Nako Klydelle! XD

From: Kabigan 'ko Daw :/

Saan ka na? I'm on my way. Can't wait to see you.

Puro ito 'I can't wait to see you' nalang ba lagi ang dialog ni Kaibigan 'ko Daw? Nakakasawa ng basahin e.

Sa lahat ng ng text sa akin siya lang yung nireplyan ko. Wala lang trip ko lang. Hoho. Tsaka kailangan ko din malaman kung nasaan na siya.

To: Kaibigan 'ko Daw :/

Ya. Im on my way na rin. Kita nalang sa Starbucks.

I feel so excited yet nervous. Baka naman yung mga taong papansin lang to. Pero who knows naman baka naman kaibigan ko talaga to.

From: Kaibigan 'ko Daw :/

Andito ako sa may labas ng Starbucks nasaan ka na ba? Tagal.

Grabe naman 'tong kung sino man ito. Siya na nga yung gustong makipag kita sa akin siya pa yung nagmamadali.

To: Kaibigan 'ko Daw :/

Pababa na kaya mag antay ka jaan!

Bumaba na ako ng tricycle at hinanap yung lalaki na naka white tas naka jacket. Mukang timang. Napaka init nag jajacket -___-

Tapos may nakita akong lalaki na kumakaway kaya napatingin ako doon. Palapit na ako sa kanya hindi ko kasi makita yung muka e,

" KLydelle! " bigla niya nalang akong niyakap.

" Enson? "

Je's POV

" Ano na ba ang plano mo? " tanong ni Yex sa akin. Andito kami sa Starbucks na malapit kina Klyd.

Gusto ko kasi ni Yex na mag kasama sama kami. Pero ang fefeel ko e gusto lang nila akong pag usapan tungkol doon sa nararamdaman ko kay Klyd.

" Wala. Aasa. Nganganga " sabi ko sabay inom ng Shake. Ayoko mag kape kaya Shake nalang muna.

" Nganganga? Anong mapapala mo? Baka pasukan ka pa ng langaw nyan! Nako pare. " sabi naman ni Ken. Kahit kelan talaga 'to hindi nakakatulong -____-

Bigla naman siyang pinaltukan ni Nathan " Gago ka din pare! Kita mo ng namomroblema yung tao e gaganunin mo pa " buti nalang si Nathan nakakaramdam.

" Alam mo pare hindi pede yang iniisip mo " sabi ni Nathan.

" Bakit naamn? ako naman may gusto nito e. Buhay ko 'to pare ! " sigaw ko sa knya. Naramdaman ko naman na pinapakalma ako ni Rhanz.

" Tama si Athan. Kung nganganga ka nalang talagang wala kang mapapala. Kung aasa ka naman lalo ka lang masasaktan. At kung wala ka naman gagawin edi mawawala talaga sayo si Klyd. Gusto mo ba non? " sabi ni Rhanz. Nagulat nalang ako sa sinabi niya. Halata din naman sa iba.

" Eh wala akong karapatan. Kasi hindi ko pa naman girlfriend si Klyd " sabi ko sa knila. Gusto ko sanang gawin yung sinabi ni Rhanz pero wala akong karapatan.

" Bakit? Kaya mo nga gagawin yun para makuha ulit siya, Diba? " sabi sa akin ni Yexel. Tumungo nalang ako.

" Tsaka paano mo naman nasabi na wala kang karapatan? Mahal mo ba si Klyd? " tanong sa akin ni Ken. Tinignan ko lang siya at tumango sa kanya.

" Oo. Mahal ko siya "

" Yun naman pala! Edi may karapatan ka. " sabi nalang ni Ken sabay sandal sa upuan, na parang tapos na ang usapan ang nasulushunan na.

" Paano mo naman nasabi yan? " tanong ko sa knila.

" Kasi kapag mahal mo ang isang tao nag kakaroon ka na ng karapatan. MAHAL MO E. HINDI NAMAN PEDE NA MAHAL MO NGA YUNG TAO PERO NGANGA AT WALA KANG GAGAWIN JAAN " sabi ni Nathan sa akin.

Sa mga sinasabi nila nalakasan ako ng loob na ipaglaban ang dapat na nasa akin ngayon. Hindi ko din inaasahan na yung mga taong kasabayan ko sa kalokohan sila yung mag bibigay buhay sa akin ngayon.

Ngumiti nalang ako sa kanila. At napansin ko yung isang lalaki na nasa labas ng starbucks. Doon sya nakaupo e. Parang may inaantay. Napangiti nalang ako.

Siguro may kadate siya. Gusto ko din ng ganon. Yung inaantay ko din si KLyd na makipag date sa akin.

Tumingin ulit ako sa mga kaibigan 'ko at uminom ng Shake. Tumingin ulit ako don sa lalaki. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Ba't ganon? Galit ba sa akin ang Diyos? Ano itong ginagawa nya sa akin. Tila napaka bilis ng pangyayari kanina lang siya yung lalaking gusto kong gayahin.

Pero ngayon ...

Siya na yung lalaking pinag seselosan ko. -_______-

Niyukom ko yung kamao ko. Parang pag nakita ko talaga yung muka ng babae na kahawig ni Klyd at siya nga yun baka masuntok ko yung lalaking yun.

" OH? anyari naman sayo Je? " tanong sa akin ni Ken. Hindi ko siya kinakausap kundi sinamaan ko yung tingin ko doon sa lalaki na nakikita ko na ayaw pa kumalas sa yakap nila.

" Ah. Si Klyd ba. Ayun oh! " kumaway naman si Yex. Nakatingin kasi si KLyd e. Nakita ko na nanlaki yung mata ni Klyd at biglang umalis sa yakap.

" Si Klyd Je! HAHAHA. Ay Si Klyd. Nako! Je! Si Klyd. May kasamang lalaki " agad namang binatukan ni Rhanz si Yex. Mukang tanga na e.

" Alam mo. Hanggang ngayon hindi ko padin alam kung anong nagustuhan sayo ni Haycee. " sabi sarkatisko ni Nathan sabay iling.

" Je! "

" Pare! Saan ka pupunta! "

" HOY! "

" AnakkangpatingJe! "

Tumayo na lang ako habang nakayukom yung kamao. Lalabasin ko na sila. Tulad nga ng mga sinabi ng mga kaibigan 'ko may karapatan ako.

Lalabas na sana ako ng may humawak sa kamay ko. Isang babae. O.o

FRIENDSHIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon