[Frndshp] #50

1.3K 23 1
                                    

Elle's POV

" Yow. Mukang malungkot ka? " napatingin ako sa gawing kanan ko... Si Rhanz lang pala.

" Namimiss ko lang yung tropa doon. " naramdaman ko na inakbayan niya ako.

" Miski naman ako namimiss ko na sila e. Haha, di bale babalik na din naman tayo sa Pinas this summer e. Magkikita kita na ulit tayo. " he said to cheer me up.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti nalang, kahit medyo pilit. " siguro matutuwa sila sa news natin no? "

" Siguro nga. " saka ako tumingin sa langit at ngumiti.

" Handa ka na ba na sabihin sa kanila yung news natin? " naitanong ko lang sa kanya. Ako? Syempre excited na ako at handa ako na malaman nila Jayle yung news ko no.

" Oo naman! Nakakaproud kaya. " sabay kindat sa akin. Kahit kelan talaga itong lalaking ito. Hahaha.

"... Bakit ikaw ba? Hindi mo pa ba gusto? " napatingin ako kay Rhanz sa tanong niya.

" Hindi lang gusto. Excited pa. " saka naman siya ngumiti ng malaki.

" Sige na. Magluluto na ako. Marami ng customer e. Dito ka muna ha? " tumayo na siya at hinalikan muna ako sa noo baka siya umalis.

Namimiss ko na talaga sila! Kung pede lang sana na pumunta na ako sa Pinas gagawin ko na. Kaso nandito pa kami sa US. Next next month pa kami naka book.

Pumasok ako sa loob ng bahay. Andon si Rhanz sa Restaurant ng mga Mama niya. And soon ay magiging sa kanya na din. Pinamana na kasi e.

Nasa likod lang ng restaurant yung bungalow na bahay namin. Para daw malapit lang sabi nung mama ni Rhanz.

Pagkapasok ko sa bahay nakita ko agad si Lara.. Nakaupo sa sofa. " Andito ka pala? Hindi ko napansin na pumasok ka na ng bahay. " bati ko sa kanya habang naka ngiti.

Ngumiti din naman siya. " Doon ako sa likod dumaan. Nakita ko kasi na nag momoment kayo ni Rhanz. "

Dadaretso na sana ako sa Kusina ng tinawag niya yung buong pangalan ko. "Meana Elle Lym. "

Nilingon ko naman siya. " Talagang buo dapat? Haha, ano iyon? "

Tumayo na siya at lumapit sa akin. " Elle for short. Haha... " hinawakan niya ako sa dalawang balikat ko. " I just want to say na I'm sorry... "

Sorry? " Sorry for what Lara? "

She smiled... a sad one. " Sa mga ginawa ko sayo dati. Sa pang aagaw ko ka Rhanz. I'm sorry. Hindi pa kasi nag sisink in sa utak ko na hindi talaga kami para sa isa't isa... " then she hugged me.

I respond naman. " It's ok Lara. Wala ka namang kasalanan e. Ok lang sa akin yun. " i tapped her back.

Kumalas na siya sa yakap, yet nakahawak padin siya sa balikat ko. " You know what? Rhanz is very lucky, because he have you. Yung babaeng gusto niya tlaga. Take care of him ha? And goodbye. "

Nagtaka naman ako sa sinabi niya sa dulo. Goodbye? Bali, dati pa siya nag sasabi ng Goodbye sa amin ni Rhanz.. Tas pag tinanong namin sasabihin niya trip lang.

FRIENDSHIPWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu