Chapter 28 -- Stealing Kisses

Magsimula sa umpisa
                                    

Unti-unting kinalas ni Brylle ang pagkaka yakap sa kanya ni Helaena. "Kausapin mo na lang ako kapag sigurado kana sa nararamdaman at sasabihin mo." Tsaka na siya humakbang palayo.

Napahagulgol muli si Helaena. Nang napatingin siya sa pool sa tabi nila. "Brylle, hindi ako marunong lumangoy." Sigaw nito tsaka siya pumunta sa gilid ng pool.

Napatigil si Brylle sa paglalakad at nilingon si Helaena.

"Mahal kita." Yun lang ang sinabi niya at lumundag na siya sa pool na 7 feet ang lalim.

"Helaena...." Huli na para pigilan niya pa ito. Kaya mabilis siyang pumunta at lumundag din sa pool at sinagip ang nalulunod na si Helaena.


Agad na inihiga ni Brylle ang nawalan ng malay na si Helaena sa sahig. "Helaena, gumising ka. Helaena." Tsaka niya pinakinggan ang tibok ng puso nito sabay CPR at mouth to mouth. "Helaena..." At inulit ulit niyang ginawa ang CPR kahit na hindi niya ito kabisadong gawin basta ang alam lang niya ay iligtas ang nagpakalunod na si Helaena. "Helaena."


At unti-unti ngang iniubo ni Helaena ang tubig na kanyang nainom at unti-unti na din siyang nagmulat.

Biglang nag aliwalas ang mukha ni Brylle nang makitang nagising si Helaena. "Hay.. nababaliw kanaba? Bakit mo ginawa 'yon?" May pagka inis at pag-aalala na sabi nito.

Umupo mula sa pagkakahiga itong si Helaena. "Siguro nga nababaliw na'ko. Nababaliw na'ko dahil hindi ko alam kung pano mo pa'ko paniniwalaan kapag sinabi kong ikaw naman talaga ang mahal ko at hindi si Bryant. Gusto kong patunayan sa'yo na lahat gagawin ko maniwala ka lang sa'kin na mahal kita, kahit pa ikapahamak ko pa ito. At wala din akong paki-alam kahit ano pang gawin sa'kin ng Daddy mo kapag nalaman niyang hindi ko siya sinunod sa gusto niyang iwasan kita."


"Baliw kana nga.".


"Oo baliw na'ko. Baliw sa'yo."


Napangiti tuloy si Brylle sa tinuran ni Helaena.


"Bakit ka nakangiti diyan? Ibig bang sabihin naniniwala kana sa'kin?"

Natawa si Brylle.


"Nakaka insulto kana ah." Sambit ng naiinis na si Helaena.

"Halika nga dito." Tsaka niya kinabig si Helaena at niyakap ng mahigpit na mahigpit at niyakap din siya ni Helaena.

Unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha at naglapat ang kanilang mga labi. Banayad, marahan at puno ng pagmamahal ang halikan nilang dalawa.

Magka hawak kamay pa sina Brylle at Helaena nang nagtungo sa loob ng hotel na kanilang tinutuluyan. Nang makadating sila sa tapat ng kwarto ni Brylle.

"O ano pang hinihintay mo? Pumasok kana sa loob ng kwarto mo at mag bihis. Basang basa kana." Ani Helaena.

Mahigpit pa rin ang pagkaka hawak ni Brylle sa kamay ni Helaena nang hatakin niya din ito papasok sa loob ng kwarto niya.

"Brylle, ano bang ginagawa mo?"


"Gusto pa kitang makasama kaya huwag kang magulo diyan, Miss Sungit."


"Aba! Nag salita ang hindi masungit. Akala mo kung sinong mabait ah."

Nag aasaran lang sila na nag lalambingan din. Ngayon lang ata nakadama ang dalawa ng ganitong kasiyahan.

Nang bigla na namang hinalikan ni Brylle si Helaena sa labi.

"Ikaw ah, nasasanay ka ng halikan ako lagi, Mr. Samaniego." Tukso ni Helaena.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon