Chapter 25: Corniest Group Ever

Start from the beginning
                                    

Naglakad kami ni JJ pauwi. Traffic kasi eh. Tsaka malapit lang naman ng konti. Balik-disguise tuloy siya.

"Bakit madalas ka samin?" Tanong ko sa kanya.

"Namiss ko kayo.."

"Dapat doon ka kina tita nakatira diba? Paano si Chris? Sina Tita, nasaan?" Tinutukoy ko yung family niya. Paano kasi, di man lang inabalang bumista doo. Pero ang alam ko pag may time siya.

"Noona naman, ayaw mo ba kong makasama? Awwts!" Humandusay siya sa simento at nakahawak pa sa dibdib.

"O.A ha.. hahaha. Curious lang.."

Tumayo siya at pinagpag ang likuran. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Lumipat sila sa Pampanga eh. May business kasi si Daddy dun kaya doon muna sila. Ako lang ang nagpaiwan dito. Tsaka nakakabored sa condo namin ni Chris hyung..."

"Yun nga yung last na pinuntahan natin diba? Kung saan tayo nagkaraoke?"

"Yep. Napagdesisyunan namin na magshare kami. Si Lance kasi may sariling condo. Gusto naming makihati sa kanya para sama-sama kami kaso ayaw niya. Hindi nga siya nagpapapasok ng kahit sino eh. Yung tagalinis lang niya yung nakapasok na dun.."

"Talaga? Parang hindi kapani-paniwala.."

"Totoo Noona! Naku kung alam mo lang.."

Mahigpit pala si Lance pagdating sa condo niya. Ano kayang meron sa loob nun?

Pagdating namin sa bahay, sumalubong sa amin ang mga tuta. Lumalaki na sila! Pwera sa isa. Si Capuchii.

Pi-nat namin ang mga ulo nila at pumasok na sa loob. Tamang-tama ang dating namin kaya saktong kumain na kami.

Nagvolunteer si JJ na maghugas ng aming pinagkainan kaso sabi ko ako na lang. Pero mapilit eh. Kaya eto, nanonood sa kanya.

Naisip ko, artista, naghuhugas ng pinggan? Hahaha. Kung pipicturan ko siya, magiging trending siya sa Twitter at usap-usapan sa Fb.

Pero dahil sa mabait akong pinsan, hindi ko na naituloy.

Napaaga kami ni JJ pumasok sa school. Trip yan namin ngayon eh.

"Goodmorning JJ & Rian!"Chris. 

"Morning din!" Masigla naming bati sa kanya.

Two Different Worlds (2DW)Where stories live. Discover now