Chapter 19 - Red Wine (July 28, 2018)

Magsimula sa umpisa
                                    

Maybe it's time.

Lord, I need a sign. I need a sign. Dapat ko na po ba siyang kausapin?

Naiisip niya na tanging comet na babagsak na lang sa kanya ang pwedeng magsalba. Pero biglang nagring ang cellphone niya. 

She took this as an opportunity to escape.

"Hello m-ma." 

Isang salita lang, napalayo na si Lenard. Hanggang ngayon, may epekto pa rin ang pag-ma ni Miala kay Lenard the same way na kailangan nitong magtago dito kapag nabanggit niya ito dati noong sikreto pa ang relasyon nila.

Some things never change.

For 5 years, naging repulsive na si Lenard sa nanay ni Miala na kahit ngayong wala na sila, it felt like an impulse to move away.

("Anong ma? Ma ka diyan?") Nagsalita ang nasa kabilang linya. It's actually Franchette at hindi ang nanay niya. ("Bakit? Hina-harass ka ba ng ex mo?")

Nagulat si Miala. Gusto pa sana niyang sabihin na savior ang pagtawag nito dahil may tao siyang iniiwasan, pero naunahan siya nito. Franchette really knows her.

"Paano mo nalaman?" Pero deep inside parang alam niya kung paano nakarating dito ang balita tungkol kay Lenard kahit hindi pa siya nagkukwento. "Si Riley no?"

("Oo teh. Nagtataka nga ako bakit 'di ka tumatawag sa'kin. Ano ba? Nagtatanong 'yung tao dito noong isang araw, nagpunta pa dito para itanong kung napano ka daw. Nagtatampo pa na hindi niya alam na may ex ka. Tinatanong sa'kin kung anong nangyari sa inyo ng ex mo. Siyempre hindi ko na chinuchu agad agad sa'yo.")

"Sinabi mo sa kanya?!"

("Siyempre hindi.)

"Hay..."

("Pero bakit ngayon, araw na ng kasal, wala ka man lang chicka sa'kin? Ako pa 'di makakatiis na tumawag? 'Di ko alam kung anong nangyari? Kamusta kayo? So nandiyan nga siya?")

"Eto nandito pa ako."

("Oh my god. I thought I knew you better! Ang hula ko pa naman eh pagkatapos ng business, you'll leave. Anong ginagawa mo diyan?")

"Jusko, Shey! Aalis naman na talaga ako kanina eh. Eh may bagyo. Hindi ako makapagbook!"

("Wala. Pinaglalapit na kayo ng nature.")

"Tulungan mo naman ako Shey, stuck ako sa bagyo with him. Tapos nawawala pa 'yung lola niya. As in kasama niya lang 'yun dito, tapos nawala na lang! Bumabagyo pa naman. Saan kaya nagsuot 'yun?"

("Hah! Deserve niya 'yan! Pakshet siya.")

"Hoy, bad. Kawawa naman 'yung lola."

("Nako, sana ginagago na lang siya 'nung lola niya. 'Yung tipong nagtago tapos pinagtripan at pinagalala lang pala siya. Jusko sana ganoon talaga ang nangyari.")

"Eh. Hayaan mo na 'yung lola. Tulungan mo na lang ako dito."

("Anong tulong?")

"Anong gagawin ko dito? Nakatulog na kasi si Jane eh."

"Gagita, wag mong ipakita na wasak ka. Wag mong ipakita na affected ka pa rin. If he says sorry, try not to blush. 'Yun ang pinakaproblema mo! 'Yang mukha mo na pinagtataksilan ka sa lahat ng oras.")

"Paano pag namula ako?"

("Ano. Ganito. Uminom ka ng alak. Para namumula ka na agad. Red wine siguro para maganda! Para kunwari nakainom lang. Laklakin mo!")

 Laklakin mo!")

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Heart Kuya (Completed, 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon