NERDY-THIRTY-EIGHT

1.3K 46 2
                                    

Unknown's Pov

Kitang kita ng dalawang mata ko ang nangyayari sa dalawa habang ako ay nagtatago sa maraming halamanan.

Hays , ansarap tignan ng dalawa. Tama nga sila , bagay nga silang dalawa.

Hays , kaso ang problema. Pano kung malaman na nilang dalawa , na nagkapalit sila ng sitwasyon ?! Well , alam naman na ni niel , kaso si keyla. Hays , ang hirap naman ng misyon ko. Pano ba naman eh kelangan kong sabihin at ipaalam lahat sakanya.

Kung ako ang nasa sitwasyon ni keyla , mahihirapan din ako. Lalo na kung malalaman kong , ang tinuring kong kapatid at kaibigan , ang gusto pang pumatay saakin.

At lalong mas masakit kung malalaman nyang , si glexary ang tunay na pumatay sa kinilala nyang tunay nyang magulang. Sina laura at roman , isa sa leader ng mafia'ng white dragon.

Third Person's Pov

12 years ago..

Ang White Dragon ay binuo ng anim na natatalik na magkakaibigan.

Sila ay sina Laura , Elizabeth , Carol , Roman , Francis at Victor.

Silang anim ay may kanya kanyang pagibig. Si laura at roman at Francis at Carol ay sabay na ikinasal.

Matapos ang ilang taon ay naunang ipinanganak ni Carol si Glexary kasabay ng pagkasal ni Elizabeth at Victor.

Makalipas ang ilang taon , nagkaroon ng di pagkakaintindihan ang dalawa. Dahil sa kagustuhan ni Carol na solohin ang Mafia , ngunit hindi hinayaang mangyari iyon ni Laura. Dahil una sa lahat , hindi lang sya ang nagmamay ari ng mafia.

Lumalim ang di pag kakaintindihan ng dalawa. Kaya makalipas ang ilang buwan , umalis sa mafia si Carol at Francis.

Akala nila ay titigil na si Carol ngunit hindi ito tumigil hanggang sa bigla na lang syang nawala. Ilang beses nyang pinagtangkaang patayin si laura ngunit hindi iyon hinayaang mangyari ni elizabeth , victor at roman.

Makalipas ang ilang taon na hindi nagparamdam si carol ay ipinanganak na ni elizabeth at laura ang dalawang sanggol na sina Keyla at Neil.

Sa araw ng binyagan ng nga sanggol , ay kasabay ng biglang pagbabalik ni Francis. Puno ito ng galit pati ang kanyang anak na si Glexary.

Inutusan ni Francis ang kanyang anak na patayin si Laura at Roman kaya sinunod naman ito ng anak. Habang nagkakatuwaan sa loob ng simbahan , bigla nalang may nagpaputok ng baril si glexary.

Nagumpisa ng magtakbuhan ang mga tao sa loob kaya pati sina laura , elizabeth , victor at roman ay nagumpisa nadin bumunot ng baril.

Ang dalawang babae ay humiwalay dala ang kanilang mga anak. Habang ang kanilang mga asawa ay nakikipag barilan. Sa kabilang banda , si victor at roman ay nagkahiwalay ng daan.

Habang tunatakbo si Roman ay hindi nya na namalayang may tao pala sa kanyang gilid kaya nabaril sya nito. Pinilit nyang tignan ang babaeng bumaril sakanya , at hindi nga sya nagkamali. Ang anak nga ni francis at carol. Si glexary lazaro.

Maya maya pa ay , nakita nyang kinukunan pala sila ng video. Hanggang sa nakita ni victor na hinang hina na ang kaibigan. Huli na ng marinig nya ang putok ng baril na dahilan upang nawalan na ng tulyan ng buhay si roman.

Napang hinaan ng loob si Victor dahil sa nakita nya. Wala man lang syang nagawa , hindi man lang nya natulungan ang kaibigan. Pakiramdam nya , ay sinisisi nya ang kanyang sarili.

Sa kabilang banda naman ay si Laura at Elizabeth naman ay parehas na may dalang sanggol na tumatakbo . Bigla nilang nakasalubong si waltz kaya agad naman itong tinulungan ni waltz.

The Twelve Arrogant Monster And Me [EDITED] Where stories live. Discover now