NERDY - TWO

3.6K 101 2
                                    

Keyla's Pov .

Andito ako ngayon sa Bistro , hinahanda ko ang sarili ko para sa gagawin kong performance mamaya sa harap ng mga audience .

Ang Bistro ang tawag sa lugar kung saan ako nag tatrabaho . Mini bar lang sya para sa mga minor . Pero kahit na mini bar lang sya , hindi sya katulad ng mga typical bars jan na madalas may nangyayareng gulo . Atleast dito , may disiplina.

At dahil puro minor ang mga costumers namin , hindi masyado nirerequired sa loob ang hard drinks katulad ng mga inuming nakakalasing. Kadalasan pa naman na mga costumers dito ay mga studyante sa LC academy.

Dito sa Bistro , hindi ako kilala bilang keyla . Instead , Kiana ang kilala nila.

Kung sa public place ay nakikita nila ako bilang isang nerd at commoner . Dito , ibang iba .

Masasabi kong maganda ang career ko dito bilang 'Kiana ; mas kilala at iniidolo ng lahat , labas man o loob ng campus.

Hindi katulad ng keyla na laging tahimik ang buhay.

Pero kahit ganun , hindi ko padin gusto ang estado ng buhay ko bilang 'Kiana. Oo , maaaring sikat nga at madaming umiidolo saken dito , hindi padin ako sang-ayon dun.

Nasanay kase ako na ako si Keyla. Yung laging tahimik at walang nangingialam sa tahimik kong buhay.

Dito nailalabas ko ang hindi ko napapakita sa madla tuwing ako si Keyla .

Ang paglabas ng aking talento bilang singer na dahilan kung bakit naging kilala ang 'Kiana dito sa bistro.

"Kiana ! 60 seconds left , get ready !" Sigaw ni ate Denisse .

Tumango nalang ako sakanya bago sya umalis.

Humarap ako sa salamin kung saan kitang kita ko ang itsura kong walang suot na salamin at may kakaunting make-up sa mukha.

"Kaya mo to Keyla ! "Sabi ko sa sarili saka huminga ng malalim.

Nag-umpisa na kong pumunta papunta sa entrance ng stage at hinintay matapos sa pagsasalita si Ate Denisse sa harap.

"Ladies and genlemen's ,Lets all give a round of applause ! Ms. Kiana !" Sigaw ni Ate Denisse kasabay nun ang nakakabinging pag-papalakpakan ng mga tao

"Go Kiana ! Idol talaga kita !!"

"Kianaaa ! Idooool !"

"Kyaaaa ! Ate Kiana ! Number one fan mo ko !"

Puno puno ng tilian at sigawan ang mga tao sa Bistro . Kaya nag umpisa na kong mag - salita para medyo bumaba ng konti ang ingay .

"So now , I will dedicate this song for the one who who can't be moved from the past . For the one who always hopeless when it comes to love . But in the end , they will find the person who is destined for them." Pag katapos kong sabihin yun sumunod naman ang sigawan at palakpakan ng mga tao .

Haist . Ang hindi nila alam , ang babaeng inaadolize nila ngayon sa harap nila ay ang babaeng hindi nila kilala sa buong campus.

Hays… people nowadays…

[Now playing : Paano ba ang mag mahal by Sarah G . And Piolo P.]

Sinimulan ko ang kanta kasabay ng pagtahimik ng mga tao .

Ramdam kong lahat ng mga mata nila ay nakatingin saken , hindi ko tuloy maiwasan kabahan . Nakaka-intense kase kapag nakikita mong lahat ng tao ay nakatingin sayo habang nag-peperform , pero as the same time , natutuwa din ako . Atleast kahit sa ganitong paraan nabibigyan ko sila ng kasiyahan.

The Twelve Arrogant Monster And Me [EDITED] Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin