NERDY-FIVE

2.6K 86 1
                                    

Keyla's Pov

"Ang galing mo 'Che ! Wala ka pa ding kupas !" Sabi ko sabay apir .


"Salamat , syempre mana sayo !" Sabi nya . Pinandilatan ko naman agad sya ng mata , ang ingay !



Katatapos lang kase ng cheer dance practice , and as a good bestfriend , chini-cheer up ko sya .



"Tara upo na tayo , maguumpisa na sina Jairus ! "Sabi ni Cherry kaya umupo naman kami sa pinakagitnang pwesto ng bleach para mapanood namin sila ng maayos . " Keyla anjan na sila ! Jairus ! Dito !" Sigaw nya kaya napalingon naman si Jairus . Kinawayan naman nya kami bago sya pumunta sa team nya . Pag punta nya dun nagulat ako ng makita kong nakatingin sa pwesto namin si Glen --- pati si Niel ?! Bigla naman nyang iniwas yung tingin nya kaya binalingan ko ng tingin si Glen na nakangiti . Ugh ! Yung smile nya ! >_<

I smile back to him , saka kumaway samen . Bigla naman akong tinabig ni Cherry .

"Ayieee ~ bestfriend ko kinikilig !" Nang aasar na sabi ni Cherry .



"Huh !? Kinikilig ka jan ! Di ah !" Deny na sabi ko .




"Sus ! Di nga ba ?! Eh sa nakikita ko mukhang ngiting wagi ka eh !" sabi nya, haist . Babaeng to talaga !




"Ewan ko sayo ! Manood ka na nga lang ! Mag uumpisa na eh !" Sabi ko . Okay . Kinilig nga ko ! Kase naman eh ! Kawayan ka banaman ng Crush mo !? Di ka ba kikiligin nun ?!





"Okay ! Sus ! Palibhasa gusto mo ding makita si Glen eh ! Aminin !" Nang aasar na sabi nya




"Cherry ang ingay mo ! Mamaya may makarinig edi patay ako nyan !" Bulong ko . Medyo madami namang tao kaya maingay na .



"Paki ba nila ! Buhay mo naman to eh ! Kaya wag silang mangealam ! Kaya aminin mo na ! Gusto mong panoodin si Glen no !" Haist . Ang kulit !




"Okay okay ! Manahimik ka na pwede ?! Manood ka na !" Sabi ko .



"Yun oh ! Ayieeh ~ " sabi nya . Nanood na din kami ng laro .


Grabe ! Ang galing ng team nina Glen ! Palaging nakakashoot si Glen , pero mas magaling si Niel . Pilitin ko mang hindi mapansin si Niel pero wala eh , agaw pansin lagi sya ! Anlakas kase ng tilian kapag si Niel na nakakashoot pero malakas din naman kay Glen . Si Jairus naman magaling din sya , lagi sya nakaka three-points-shoot .




Sa tuwing nakaka points ang team nina Glen , titingin sya sa pwesto namin saka mag thu-thumbs up sign . Napapangiti naman ako sa tuwing gagawin nya yun . Haist !




Natapos ang laro ng nanalo sina Jairus . Grabe ! Ansarap sa pakiramdam nung manalo ang pambato mo no ! Agad naming nilapitan si Jairus saka niyakap at nakipag apir.


"Galing mo kups ! Pwede na !" Sabi ni Cherry .




"Syempre magaling talaga to !" Sabi naman nya . Tsk . Lumaki nanaman ulo nito !




"Galing mo Jairus ! Next time turuan mo ko nung mga moves mo ah !" Sabi ko





"Oo naman ! Syempre ikaw pa !" Sabi nya .



"Gusto mo ako na lang mag turo sayo ?" Biglang singit ng kung sino na nag mula sa likod ko . Nakita ko naman na biglang napangiti si Cherry . Kaya tumalikod ako para makita ko kung sino , bumilis naman yung heartbeat ko ng makita ko sya . Ang smile nya ! Amp..>_<



"Ah ... Glen ! A-ang galing mo din kanina !" Sabi ko .



"Syempre ginalingan ko talaga para ... sayo !" Sabi nya . Nag init tuloy yung mukha ko . Pakiramdam ko tuloy mukha na kong kamatis >_<



"Oh ! Answeet naman ng lines mo ! Pwede mo bang ipakilala ang bagong friend mo . Keyla ?" Biglang sabi ni Cherry .



"Ah oo nga pala ! Glen , sya si Cherry at si Jairus , bestfriends ko . Cherry , Jairus , sya si Glen . Ahm ... friend ko , natin ." Sabi ko




"Oh Nice to meet you Glen ." Sabi ni Cherry .




"Im glad na mag kakilala na kayo Glen ! Ka-team mate ko sya sa Varscity . Kaye " sabi ni Jairus . Oops . Oo nga pala ! Nakalimutan kong mag kakilala na pala sila .




"Ah .oo nga pala . "Sabi ko then we laught .




"Oh pano ! Sabay sabay na tayo mag lunch ! Total mag la-lunch na din kami eh . "Biglang sabi ni Glen





"Ah ! Sige kayo na lang . Madami pa kase akong gagawin eh ! Sige ----" hindi na ko pinatapos ni Cherry mag salita .




"Wag ka ngang KJ Keyla ! Ayaw mo nun ?! Makakasabay mo cru-- I mean . Iiwan mo kong mag isa dito ?!" Haist . Muntik na yun ! Shete naman kase tong babaeng to ! Ugh.


"Anjan naman si Jairus eh !" Sabi ko sabay fake smile at saka pinandilatan ng mata si Che .




"Sabay ka na Kaye ! Please ~" sabi ni Glen .




Haist . Makakatanggi pa ba ko ? Tsk .



"Osige na nga ! Tara !" Sabi ko . Tinawag naman ni Glen yung iba , grabe ! Andami nila ! 12 lang sila pero wala yung isa , and guest who ? Edi ang ubod ng suplado , Niel ! Amp...


*****



A/N: Hey, yow! Dont forget to FOLLOW, VOTE, COMMENT AND SHARE the story to your wattpader friends! Spread the story and keep love, cupidoo's! LOVELOVE :***

PS: If there's some type errors, wrong grammars, pagpasensyahan nyo na po, mobile user lang. Walang Lappy, still waiting for the new! Keep positive and LOVELOVE :***

FOR MORE INQUIRIES, VISIT MY PROFILE HERE IN WATTPAD AND LOOK FOR MY ACCOUNTS THERE IN MY DESCRIPTION BOX. THANKYOU CUPIDOO'S!

The Twelve Arrogant Monster And Me [EDITED] Where stories live. Discover now