"Aldwin. I wanna go somewhere else. Please?" Tumango sya at tinahak namin ang daan palabas.

"Are you okay?" Tumango ako. Oina tunog nya ang kotse nya tsaka ako dire diretsong pumasok. Nasa loob na kami ng kanyang kotse. Ayoko namang pag alahanin sya pero ayoko ring sabihin ang nakita ko kanina. He might think that I'm such a loser for being affected with my ex.

"Where do you want to go?" Napakurap ako. Ano raw?

"Meg?" Napanganga ako. May sinabi ba sya?

"Uh..huh?" Tinitigan nya ako. Na para bang sinasaulo nya lahat ng features sa mukha ko. Bigla akong na concious.

"What's bothering you? Not feeling well?" Mabilis akong umiling.

"Uh..no," marahan siyang tumango pero hindi parin inaalis ang titig sakin.

"Anyways, I'm asking you kung saan mo gusto pumunta?" Ah! Kaya pala. Spacing out again, huh?

Pina andar nya ang kanyang sasakyan. Saan ko nga ba gustong pumunta? Actually, I'm alright with the mall. Kung hindi lang sana sya umekstra.

"Terrace!" Suminghap ako. Did I really... said that?

"Huh? What terrace are you talking about?" Mahina kong nasapo ang noo ko. What the hell?

"Uhm. Yung ano.. that terrace on the mountain," mahina akong napa mura. Terrace on the mountain huh? I'm such a fool.

"Oh. That? I haven't been there before though," tumango tango sya.

"Talaga? I-It's nice there," pilit akong ngumiti. Humarap ako sa bintana tsaka minura ang sarili ko. What the fuck Klare? Really? Ha!

"Hmm. Really?" Sa boses nya ay parang interesado sya. Oh god. Please.
Pinagsaklop ko ang kamay ko at nilagay ito banda sa baba ko. Pumikit ako. Please. Wag kang pumayag. Wag kang pumayag. Wag kang pumayag. Wag kang pumayag. Wag kang pumay---

"Okay then. Let's go up there," bumagsak ang balikat ko. Bakit ko ba naisipan na sabihin yon? Langya naman.

Sumagi sa isipan ko yung nakita ko kanina. Bakit sila andoon? Pwede silang sundan ng mga paparazzi. I frowned. Bakit ko pa ba iniisip yon. Tsk.

"So, nakapunta ka na pala doon?" Napalingon ako sakanya. Kahit wala syang binanggit na lugar ay alam ko na yung terrace ang tinutukoy nya.

"Uhm. Oo. Isang beses," Tumango sya at ngumisi.

"Really? Sino naman ang kasama mo? Alone?" That was the last time na nakasama ko si Dan, I remember. I sighed.

"It's not important," mahinang saad ko. Sinulyapan nya ako at mabilis na binalik ang pansin sa daan.

"I see,"

***

"Wake up, Megan. We're here," kinusot ko ang mata ko. Nakatulog pala ako. Sumulyap ako sa labas ng bintana. It's almost dark.

"How long did I sleep, Aldwin?" He chuckled and unclasp my seatbelt.

"2 hours and a half?" Natatawang saad nya.

"That long?"

"Uh huh," Tumango ako at lumabas na. Pinatunog nya ang kanyang sasakyan tsaka sumabay sakin sa pag akyat ng hagdan.

"It's nice here really. Lalo na pag gabi. You know, city lights are amazing," tumawa sya at inalalayan ako nang medyo malapit na kami sa tuktok.

"Really? I'm sure it's cold up there," napanguso ako ng marealize ko na wala akong jacket o kahit anong damit na pwede kong ipantakip sa labas kong mga braso.

"Uh.. yeah,"

Suminghap ako nang makarating kami sa tuktok. Kami lang ang nandito. These mountain is very famous. Ngunit sadyang dinarayo lang talaga ito pag summer o kaya Valentines day.

"Wow," saad ko nang maaninag ko ang city lights. Kahit na nasilayan ko na ito noon, hindi ko parin maiwasang mamangha.

"Yeah. Wow," ngumiti ako at sinulyapan sya. Nakangisi sya habang nakatuon ang pansin sa mga ilaw. Ang gwapo nyang tingnan.

"Baka naman, matunaw ako nyan?" Binalingan nya ako at binigyan ako ng nakakalokong ngisi. Napanganga ako at umiwas ng tingin. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na ngumuso sya, nagpipigil ng tawa.

"H-hindi kita tinitingnan 'no! W-wag ka ngang feeler," Nilayo nya ang mukha nya sakin at binalingan muli ang city lights.

Eh?

"Bakit? May sinabi ba akong tinititigan mo ako?" Tumawa sya.

"Wag ka ngang masyadong guilty, napapaghalataan eh," literal na napanganga ako. Hindi ko akalain na may ganito syang side.

"Aba't! Aish," inis kong sabi at siniko sya. Imbes na umaray ay tumawa pa sya. Grabe ang energy nyang asarin ako ngayon ah. But, honestly.

I really like this side of him.

"Gusto ko yung ganitong side mo, dapat ganito ka na lang palagi," lumingon sya sakin.

"Talaga? Bakit? Masyado na ba akong seryoso? Hm?" Napanguso ako at hinarap sya.

"Oo! Ganto ka na nga oh!" Mas pina singkit ko pa ang mata ko. Narinig ko syang tumawa.

"Okay then. I'll be like this always," tumango at napangiti.

"Really? Good then," hinarap nya rin ako.

"Megan. Kung may ayaw ka sakin, tell me okay? Babaguhin ko man kung ano yon. Right away. Just, tell me. Gagawin ko lahat Meg. I have waited enough, I think?" Tumawa ako at tumango. Hinawi nya ang mga nagtakas na ilang piraso ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko.

"I'll do everything to make you mine, and mine alone. Sisiguraduhin ko yan. Aalisin ko lahat ng sakit Megan, at papalitan ko yon ng pagmamahal ko. I promise. I'm all for you Meg. You own me," maingat nyang hinawakan ang baba ko at hinarap ako sa kanya.

"Own me,"

The Jerk's Possesion (Jerk's Series #1)Where stories live. Discover now