"Is my job done?" puno ng pag-asang tanong ko.

"Huh. You wish." sagot ni Orange, the hope destroyer. "She'll come back, wait for a few weeks, or days."

"Sayang, hindi ko na-record. It'll go viral for sure." Hindi pa rin maka-move on si Miles. Ang cute niya tumawa, kaya hindi ko siya kukutusan.

I nudge Orange, "Ni-rehearse mo ba 'yon? San mo nahugot ang mga linya mo? Nag-acting lessons ka rin ba? Galing mo umarte e."

Miles chuckles and whispers at me, "Tyler wasn't acting."

"I fucking heard you, Miley Jean." Dinuro ni Orange ang kaibigan niya, "It's a made-up story and it's his fucking idea."

"Buti ka pa prepared, ako impromptu! Sabihan n'yo naman ako minsan!" Ngumiti ako ng sweet at hinaplos ang buhok niyang orange, na hindi ko expect na sobrang lambot pala! "But I did good job right, Tyler my sweet lovely baby?"

"Hindi mo ako anak."

"Sungit nito! Porque baby, anak na agad?"

"Pwede na."

"Tsk, Palagi na lang pwede na. Wala ka bang ibang sagot?"

"Tch."

Sarap niya talagang batukan! Ano bang gusto ng lalaking ito?


We eat lunch peacefully. Nag-bunyi ang mga taste buds ko sa sarap ng mga pagkain. Kinuwento namin—mostly ni Miles—sa lima pang miyembro ng Pyxis ang encounter namin kanina kay Aubree and they congratulated us for our good performance. Hindi sila makapaniwala na napaalis namin si Aubree just after a few lines, natawa rin sila because of the way Miles is telling the story, he's even re-enacting the best parts, lalo na 'yung huling sinabi ni Orange.

Nakakatawa naman talaga, though I kinda feel bad for Aubree. Sinasayang niya ang ganda niya kay Orange.

Pabalik kami sa classroom nang mapaisip ako kung ano bang magandang endearment dito kay Orange. "Ayaw mo ng Orange, pati my sweet lovely baby, anong gusto mong itawag ko sa'yo? Honeybunch? Popcorn? Cupcake?"

"Just call him Ty, Ali. He'll love it." Miles offers, kumindat pa.

"Ty?" I repeat.

"No." mariing tanggi ni Mr. Sungit.

"E ano nga? Wala pa tayong endearment."

"We don't fucking need it, just Tyler's enough." Hinarap niya ako at binigyan ng famous niyang death glare, "And don't call me Ty, we're not close."

Umismid ako. "Alam ko! Just Tyler Sungit!"

I wonder how he's friends with other Pyxis? E sobrang sungit at bugnutin niyang bwisit siya!


Dumaan ang maghapon pero hindi na nagparamdam si Aubree, kahit nang sumunod na araw, wala din siyang paramdam. Napadasal ako na sana magtuloy-tuloy na. Para mapasakin na si Baby. Napupuno na naman ng pag-asa ang puso ko.

Nang mag-dismissal, napatalon ako patayo sa sobrang excited. It's finally Friday! Pupunta akong Langston and I'll see Charlie! Pinayagan ako ni Mama, she knows how much I miss Langston. April pa ang huling punta ko doon, last day of school, na kahit sa hinagap hindi ko naisip na iyon na rin pala ang mga huling sandali ko bilang estudyante doon.

"Sa bus station mo na lang ako ihatid, 'wag sa bahay." sabi ko kay Orange.

Nagsalubong ang magandang kilay niya, "Saan ka pupunta?"

"Secret. 'Di tayo close 'no." Damhin niyang mabuti na hindi kami close!

And he just, "Tch."

Walang salitang bumaba ako ng sasakyan, hindi rin ako nag-thank you. Hindi kami close. And it's his job na ihatid ako! I'm his pretend girlfriend!

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon