"Magpaliwanag ka Kaelynn." napalunok ako sa kaba at napaurong sa takot sa mga tingin nila.

Naramdaman kong kumapit si Sir Darenn sa palda ko at nagtago sa likod ko.

Hinawakan ko ang kamay niya pero bigla 'tong inagaw ng kambal at binuhat siya, tinuunan nila ako ng masamang tingin na pinanglambot ko, ewan ko ba kung dahil sa sun set o talagang na mumula ang reflection ng mga mata nila.

"Diba binilinan ka naming wag ilalabas si Darenn?" Tanong ni Sir Daryl na mukhang kakabalik lang galing trabaho, hindi ko na malayan ang oras kaya siguro na pansin n'yang wala kami sa kwarto.

"Ayos ka lang ba Darenn? Wala bang masakit sayo?" chineck ng kambal ang bawat parte ng katawan ng kapatid nila at nilapitan ako ni Danrious.

"Ikaw ang lakas ng loob mong suwayin ang utos ng mansion! Tara dito at tuturuan kita ng leksyon." hinawakan niya ang pulso ko at hinatak pa balik ng mansion pero hindi ako nagpatalo at binawi ang kamay ko.

"Sir teka lang, magpapaliwanag ako wala naman po akong balak na ipahamak si Sir Darenn eh, gusto niya lang lumabas! Hindi niyo ba nakikita na masaya siya?" humahanap ako ng kakampi at tinitigan ang mata ni ate Mila pero iniwas niya ito at tinignan ko naman si Sir Daryl at nakatingin lang sa'kin ito ng walang emosyon.

"Tingin mo anong makukuha mo sa pamamakialam sa tagubulin ng mansion?" Tanong ni Sir Daryl at napayuko ako.

Pero masaya si Sir Darenn kanina at ngayon pinapaiyak na nila ang bata, gusto ba nilang lumaki ng walang tiwala sa ibang tao ang bata at lalo na hindi niya pa na susubukan lumabas ng bahay at magsaya. Ikukulong na lang ba nila ang sarili nilang kapatid at gagawing parang hayop na nakakulong sa hawla nila?

Napayukom ang palad ko sa inis, humarap ako sa kanila at tinignan sila isa-isa, buo na ang desisyon ko papalakihin ko si Sir Darenn na hindi katulad nila.

"Tatanggapin ko po kahit anong parusa ang igawad niyo sa'kin pero ipangako niyo po sa'kin napapayagan niyo kaming lumabas ni Sir Darenn kahit dito lang, kahit sa hardin lang ng mansion." naiiyak na rin ako, mauubos na talaga ang tapang ko sa magkakapatid na 'to, hindi ko alam na ganito kahirap ang trabaho dito.

Nabigla ako ng hawakan ulit ako ni Danrious at hilahin ng marahas pabalik ng mansion.

"Narinig mo iyon kuya Daryl, siya na ang nagpasya," sabi niya sa kuya niya at sumabay samin maglakad si Daniel na parang hindi sangayon sa mga nangyayari.

"Sige intayin niyo ko sa kwarto niya," sabi ni Sir Daryl at iyon na nga inilock nila ako sa kwarto at mga ilang minuto pa unang pumasok ang kambal.

"Awww akala ko tatagal ka pa Kaelynn ayoko pa waah," sabi ni Sir Daniel at niyakap ako ng mahigpit.

Niyakap din ako ni Danrious at bigla akong inihiga, ito ba ang parusa na ibibigay nila sa'kin? Akala ko hindi lang nila ako papalabasin ng kwarto o hindi kaya papakainin pero wag mong sabihin kukunin nila ang dangal ko?

"Sabay tayo Rious." at nagbago na ang expresyon sa mata ni Daniel, nagulat ako ng magbago ang kulay nito at mula sa pagiging malamyang kulay naging pula ito, sing pula ng dugo.

"Sssh— wag kang maingay mabilis lang 'to," sabi niya at biglang bumaba ang pwesto niya, sisigaw sana ako ng takpan ni Danrious ang bibig ko. Dinilaan ni Daniel ang binti ko at tumingin sa'kin ng nakakaloko.

"Ang alat ah, lasang tubig dagat," sabi niya at halos panawan ako ng ulirat ng ibaon niya ang mga pangil niya sa binti ko.

Hindi ako makagalaw, pakiramdam ko may kakaibang sensasyon na inilagay sa katawan ko at hindi ako makaangal sa ginagawa niya, sa isip ko gusto kong sumigaw at pigilan siya pero ayaw ng katawan ko, parang gusto pa nitong ubusin niya ang lahat ng dugong meron ako.

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon