Ch. 7: A White Crow and A Flying Pig (Edited 05/28/16)

252 14 0
                                    

Chapter 7 (Edited 05/28/16)



Kean's POV



Kapag naaalala ko ang ginawa ni Miyuki sa akin kahapon, gusto ko syang sabunutan. Hello! Muntik na akong mamatay sa ginawa niya kahapon no!



"Kean, nasaan si Ayen?" Tanong bigla ni Xandra sa akin.



Speaking of the angel na nagbabalat-kayong Devil, I didn't see her nga. Kahapon pa.



"Uh, hindi ba nagtetext sayo? Hindi sya nagtetext or tumatawag sakin eh." sabi ko.



Ano kayang nangyari sa babaeng yun? Di naman nagkakasakit yun dahil mas malusog pa yun sa baboy. Imposibleng mamatay na din sya. Masamang damo yun.



So ano ngang nangyari sa kanya?



"Yo!" Bati ni Kevin na kadadating lang.



Tinaasan ko lang sya ng kilay.



"Chill, woman! Ang aga, nagsusungit ka na naman. Did you eat your breakfast?"



Inirapan ko lang sya.



"Btw, I saw your bestfriend kahapon sa mall." aniya at umupo sa upuan nya.



"What!? Kelan!?"



"Kahapon nga diba?" sarkastiko nyang sabi.



Inirapan ko lang ulit sya.



"Anong ginagawa nya dun kahapon?" tanong ko.



"Maybe, shopping?" Sarakastiko nitong sabi. "I don't know. I'm not an investigator." kibit nyang sagot.



Ang tino naman nito kausap. Patayin ko to eh.



"Tss. Here." sabi ko sa kanya at nag abot ng piso.



"I didn't ask you for a coin."



"Bumili ka ng kausap mo." sabi ko at tumalikod sa kanya.



"Rude. Kasing ugali mo si Tristan eh no? Ang sungit niyo pareho. Para kayong pinaglihi sa sama ng loob. Laging nakakunot ang noo." sambit niya.



"Kung maayos ka lang kaseng kausap, hindi kita tatarayan. At isa pa. Masyado kang maingay. Dinaig mo pa ang teacher sa lakas ng boses mo. Pareho kayo ni Ayen." masungit kong sabi sa kanya.



"Then naiirita ka din sa kanya? Kase maingay din sya?"



"You and Ayen are in a different situation. Ikaw, stranger. Sya, bestfriend ko. Kahit minsan ang sarap niyang i-donate sa mental at ipadala sa Timbuktu, bestfriend ko pa din sya. Ikaw, tutuluyan kitang i-donate sa mental kapag nag ingay ka pa ulit. Or ipapadala na lang kita sa Timbuktu para naman hindi ka na makabalik." litanya ko na pinalakpakan niya lang.



-.-



Pigilan niyo ko! Papatayin ko to!



"Kevin, stop it." saway ni Tristan sa kararating lang.



"Masyadong mainit ang ulo nitong crush mo, Tris." pang aasar ni Kevin na pinamulahan ko.

Seriously!?

Nanlaki ang mata kong nilingon sya at tinapunan naman sya ng masamang tingin ni Tristan.

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon