CHAPTER 1 - The Encounter

33.5K 829 21
                                    

A/N:

Before to start, I would like to say thank you for spending your time reading this story of mine.  Ngayon ko lang din narealize na ang daming errors sa story. Hahah! Parang tanga lang, sulat lang ako ng sulat but I never notice na ang daming mali. Kaya po under EDITING po siya ngayon. Kaya expected narin na maraming magbabago but the changes will not affect the plot of the story. Only the typos and grammatical errors.

Thanks for understanding.

PS: All pictures are shown before the chapter. Thankies! Mwah! Mwah!

-janeleeshunsin



-----


CHAPTER 1


JADE'S POV


"Wahh sis! Have you seen my phone?" napakunot-noo ako ng biglang umalingawngaw ang boses ni kuya Clark pagkapasok ko sa kwarto niya.

"Bakit ako ba ang kumuha?" iritadong tanong ko pabalik sa kuya kong pabibo. Kainis, mukha ba akong hanapan ng nawawalang cellphone?

"Pwede rin!" sagot niya.

"Ewan ko sayo kuya, tsk." I just rolled my eyes. Kakainis talaga.

"Ang sungit naman nito.." rinig kong sabi niya pero hindi ko nalang siya pinansin.

Lumabas na ako mula sa kwarto ni kuya. Tinawag lang ako para tanungin lang kung nasaan yung phone niya? Kasalanan ko bang makakalimutin siya?

He is just wasting my time.

I'm going to school now at least mawawala ang init ng ulo ko kapag pumasok na ako. Kung mawawala nga.

Anyway, I'm Ella Jade Santiago. 17 years of age and I have an elder brother named, Jared Clark. Ok, wala na akong iba pang ibibigay na info about myself. Tinatamad ako.

Hindi ko namalayan, I was already in front of my school. Papasok na sana ako ng may tumawag sa pangalan ko kaya nilingon ko ito. She's Venus, my bestfriend. The one and only bestfriend who understands me.

"Good morning my pretty bff!" nakangiting bati niya pero tipid lang na ngiti ang sinagot ko. Ang ingay talaga nito. Sabi ko na nga ba, hindi talaga mawawala ang init ng ulo ko.

"Morning." walang ganang bati ko.

"Ang aga-aga, ang sungit mo na kaagad?" nakasimangot niyang tanong at napamewang sa harapan ko.

"Ewan ko sa'yo." tipid kong sagot at itinuon ko nalang ang atensiyon ko sa school gate kung saan nagtatakbuhan na ang mga estudyante papasok dahil ilang minuto nalang pala ay magsisimula na ang klase.

"Sabagay palagi naman. Hahah!" pahabol pa na sabi ni Venus pero hindi ko na lamang siya pinansin at nauna ng lumakad papasok sa paaralan namin.

After a minute ay nandito na ako sa classroom ko. Kanina pa ako naghahantay ng teacher, I mean, kaming lahat pero 15 minutes na ang lumipas ay wala parin. Tsk, kailangan ba talaga paghantayin pa kami ng matagal? Kami ngang mga estudyante kapag nalelate, pinapagalitan o binibigyan ng punishment tapos kapag ang mga guro naman ang late, walang punishment? Aba, ang unfair ha!

Sumubsob nalang ako sa armchair ko sa sobrang boring at nakakarindi sa tenga ang mga boses ng kaklase ko. They are talking to their close friends with nonsense topic.

Mr. Mayabang meets Ms. Masungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon