Chapter 2

8.1K 234 24
                                    


April 2, 2016
(Saturday)

Simula

"Whoa!" Sigaw ni Olly pagkapasok na pagkapasok namin sa bakuran ng bahay nila Arthur. Hinila ko siya sa braso nang akmang itataas niya ang kaliwang kamay sa ere.

"Party people!" Sigaw ni Black habang sinasalubong kami sa may pinto. Pumagitna siya sa amin ni Olly habang naka-akbay sa mga balikat namin.

"You smell sex, Black!" Puna ni Olly kay Black. Yumuko ito at inamoy ang sarili. He undo his arms on my shoulder and scratch Olly's head. "Naka-ilan ka na ba ha?" Asik nito.

"Pangatlo ka kung saka-sakali."

"Ulol!"

Napa-irap nalang ako ng mga mata habang nililibot ng mga mata ko ang kabuuan ng bahay nila Arthur. Asan na ba yon? Habang hinahanap ko si Arthur ay di ko mapigilang hindi mapangiwi sa tuwing may nadaanan akong mag boyfriend-girlfriend na malayang nagme-make out sa public. Poor house.

Lumabas ako ng sala at nagtungo sa may pool area. And there I saw Arthur with his bitches. He waved his hands when he saw me, I waved back. Bumalik na ako sa loob at hinanap si Olly at Black pero hindi ko na sila makita sa loob.

Lumabas ulit ako papuntang pool area at lumapit sa long table kung saan available lahat ng drinks at foods. Kumuha ako ng platito at naglagay ng pizza. Inabot ko iyong nag-iisang baso na may lamang drinks nang biglang braso na ng isang lalaki ang nahawakan ko.

Mabilis na tinanggal ko ang kamay ko at tiningala iyong lalaking umagaw ng drinks ko nang biglang tumalikod na agad ito.

"Thank you ha!" I said mockingly. Pero nagpatuloy lang ito sa paglakad palayo.

I decided na tubig nalang ang kukunin ko nang biglang may humapit sa baywang ko.

"I'm happy you attended my party, baby." It was Arthur.

"Oo naman. Last party mo na 'to sa Pinas kaya dapat andito ako. Bukas na ba alis mo papuntang Japan?" Kinuha ko ang pizza sa platito ko at agad sinunggaban ng kagat iyon.

Arthur just nod his head. I offer him my pizza and he took a bite.

"Bakit parang hindi ka excited?" I asked him. Umiling lang siya sabay agaw ng pizza ko. "Mang aagaw."

"I will miss you, you know." Biglang sabi niya habang nginunguya ang pizza niya.

"Ang oa mo, di bagay sa laki mo." Natatawang sabi ko. "Wala na bang drinks? Di ako na inform na namumulubi na pala ang isang Arthur Santibañez." Agad nag tawag siya ng boy at nag senyas na maglagay ng drinks sa table.

"Nga pala, iyong kambal di ba pupunta? Hindi ko kasi napansin." Blue and Gray never missed Arthur's Party. Mukhang ngayon lang ata.

"Si Gray andito kanina, umuwi agad dahil tinawagan ng kaibigan niya."

"Sus! Kaibigan. Eh si Blue?"

"Alam mo naman ang isang yon, gusto lagi ng attention. He always saves the best for last." Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. "Eh, iyong girlfriend mo?"

The Day April FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon