Chapter 8

3 0 0
                                    


Sumapit ang Lunes. Final exams na namin and so is Steven's (I knew because magka-text lang naman kami all night which resorted the both of us na walang laman dahil di nakapag-review). I crammed my notes as early as four in the morning and red Medtech related books. Nakatulog na si Steven siguro kaya hindi na siya nakapagreply past 1 in the morning. Matapos ang 30 minutes na skimming ay nagtimpla ako ng kape at dumungaw mula sa baba. Wala pang rush hour pero asahan kong mamaya – Rush hour na dahil Monday at a-kinse na at sahuran na ng mga empleyado + 13th month pay. Naka sando at pajama parin ako kahit nilalamig na ako dahil magdamag bukas ang aircon. Habang tinitingnan ang baba ay napapansin ko rin ang kabundukan ng Antipolo sa dakong paroon. At paglagpas lang noon ay nandoon na ang bahay ng isang espesyal na tao sa aking buhay na dumating na lang bigla nang di inaasahan.

*tu-dung*

Narinig ko ang Iphone ko. Lumukso ang puso ko at nagising ako nang makita kong nagtext muli si Steven.

"Hi Matthius. Just woke up. Sorry nakatulog ako. Review muna ako ha J"

Nangiti ako at nagreply

"Steve, Review din ako. Ingat ka mamaya ha. Text mo ko lagi ha."

Nagreply siya ulit.

"Oo naman." At tsaka bumalik ako sa pag rereview ko.

Eight in the morning ang start ng exam ko habang Nine naman sina Steven. Here is my exam schedule for today:

8:00 – 10:00 AM MICRO 403 Microbiology 403

10:00 – 12:00 NN PHILO 102 Christian Philosophy

12:00 – 2:00 PM ANTMY 301 Anatomy 301

Habang ang kay Steven naman is:

9:00 – 11:00 AM TOUR 12 Tourism Research Methods

11:00 – 1:00 PM SOC 4 Basic Economics

1:00 – 3:00 PM TOUR 14 Heritage Tourism

Alas-sais na. Maliligo na ako. I think what I've reviewed is sufficient enough to have a passing mark. After taking my bath, I wore my uniform and proceeded to 2nd floor parking to get my car. Bigla kong nakagat ang dila ko habang nag-dridrive. I recovered after 5 gruesome minutes.

"Hi Steve, Off to school. Ingat!"

Text ko sa kanya at humarurot na ako papuntang school.

7:30AM – Nakarating ako sa school. I parked and got my backpack and went to the examination room. There I saw my classmates. They looked at me like I'm from another planet. I immediately went to my place and sat there.

"Uy pre. Kamusta?" tinabihan ako ni Martin na kanina pa pala nasa classroom.

"Oh pre. Eto okay lang. Masaya. Ikaw ba?" bati ko.

"They never forgot about it man." Bulong nito sa akin. Napatingin ako sa kanya.

"What do you mean?"

"The issue about last Saturday?"

Bigla kong naalala. May nag-upload nga pala ng picture namin ni Steven na nagsasayaw sa 45th Sky Restaurant.

"Bakit ba ang laking issue pare?" tanong ko.

"Pre, Akala nila straight ka kasi. Ako nga rin eh, Nagulat." Sabi ni Martin. Di pa man ako nagsasalita ay lumapit sa akin si Kimuel, isang gay kong classmate. Inakbayan niya ako.

"Hi Matthius! You like us pala." Bati nito. Hindi ko alam kung maiinsulto ako or what pero no one can touch me except Steven. Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin.

My FOREVER nga ba? (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon