Chapter 1

43 0 0
                                    

"Miss, Recto. Isa." Sabi ko habang nag-abot ng P15 sa kahera sa LRT. By this time of the day – Halos konti nalang ang nakapila sa kahera. Sari saring tao ang aking nakikita, Meron yung mga may mga Stored Value Card na laging nagmamadali. May mga taong kinakain ng mga magnetic cards at may mga kakababa lang ng tren na halatang galing Divisoria sa dami ng bag na de-zipper. Actually, Hindi naman ako sa Maynila nag-aaral or what. But something is pushing me to travel to weird places. So weird na ang mga classmates ko thought that I'm crazy. Haha. Not about me. Ayan, Nasa platform na ako sa Santolan Station kakatapos lang ng 12:00PM class ko. Ang last class ko today is about Tourism Research (a.k.a. Thesis) at kakatapos lang din i-defense sa harap ng panel. Time to relax. Go!

By the way, I'm Steven Richard Flint Hughen-Salvatiara. Haba ng pangalan ko so my friends and family call me "Steve". I'm 18 years old. And para po sa nagtatanong kung bakit ako pupuntang Recto. The answer is, I don't know. Yes. That's how weird I am. I don't even know why. Basta may parang kulang sakin ee. Well, Only one person who can understand kung bakit ako naggagala kung saan saan. She is my bestfriend. Her name is Karina Jarhea De Rosas. Di ko siya kasama ngayon kasi may date sila ng boyfriend nyang si Robb Martin. Ever since High school, Magbestfriend na kame ni Karina. Ang tawag ko sa kanya si "Diarrhea", "Big-Boobed", "Bitch", or "KJ". Hahaha. Mag bestfriend eh. To the extent na close kame, We've been so many things na. Through good and bad times. I remember nung 1st year college kame, Dahil sinungaling yung jeepney driver na ibababa kame sa sakayan pa-Tanay pero binaba kame sa Simbahan ng Antipolo which is like 20 minute walk. We never bothered na magtricycle because totally drained na kame sa pera dahil sa walang katapusang contribution. As luck would fuck us, Umulan ng malakas which makes us wet as shit. Hahahaha. Anong ginawa namin? We ran!

Everytime I remember that scene, It made me smile. I'm happy for her. Buti siya nahanap na niya yung inaasam asam ng lahat. Ang FOREVER.

Wow. Big word. Forever.

-Flashback-

"Hi baby! Opo. Pauwi na po kame." Sabi ni Karina kay Robb over the phone.

Ako si "ever-supporting" bestfriend na nakikinig sa convo nila. Nakasakay na kame ng jeep pauwi. Taga Morong, Rizal nga pala ako at si Karina ay sa Baras, Rizal which is ako unang bumababa at sa kabilang bababa si Karina

"Oh. Halos mag aalas nuebe na ah? Sinong kasama mo?" sabi ni Robb.

"Si Steve. Siya naman lage eh." Sagot ni Karina.

"Ahh sige. Ingat kayo baby ha. I love you. Viber tayo paguwi mo ha."

"Sige. LOVEYOUTOO baby"

Sinadya nyang ipoint-out ang word na "LOVEYOUTOO" kase iniinggit nya ako. Hahaha.

"Sige na! Kayo na may forever!" sabi ko habang nakakapit sa bar ng jeep.

"Bitter ka na naman!" sabi niya.

"Di ah!" sabay pout ko. I admit na-iinggit ako. Ever since nag open ako sa kanya ng pagiging bisexual ko. I felt I need to express myself naman. I've been hiding inside the closet ever since nagkacrush ako sa isang classmate ko since Kindergarten pa. PBB Teens? Nope Hahaha! Well pinagsisihan ko na hindi siya i-entertain nung panahong siya na yung nag aapproach sakin.

"Pero Steve. It's still too early to conclude." Serious na atake ni Karina na salita.

"Ha? Paano?" tanong ko.

"Siyempre, Masyado pang maaga para mag conclude na forever na kayo. Madami pang pwedeng mangyari. Wag mag-assume. Kaya nasasaktan ka eh!" sabi nya at tawa ang loko.

My FOREVER nga ba? (M2M)Where stories live. Discover now