Chapter 4

5 0 0
                                    

"Patali ng necktie ko." Sabi ni Matthius. Nawala ang kaba ko. Akala ko kung ano na eh. Tinulak ko siya bahagya pero di ganung malakas. Hinwakan ko agad ang necktie niya at inayos.

"'Kaw talaga. Akala ko na ano eh." Sabi ko habang tinatali ang necktie niya. Nakatingin ako sa necktie niya at siya naman napapansin kong sa buhok ko nakatingin.

"Thank you ha." Biglang sambit nito sakin. Natapos kong ayusin ang necktie nito at napatingin na ako sa mga mata niya. Maamo parin.

"Pasensya na ha. Napahiya kita kanina. Talagang..." di ko na natuloy sinabi ko dahil tinakpan ng daliri niya yung bibig ko.

"No need to say sorry." Sabi nito. "I should be the one to say sorry." Dagdag niya. Nasa labas parin kami ng unit namin. Walang tao. Liwanag lang mula sa mga wall lights ang bukas.

"Come with me." Alok nito. Inabot nito ang kamay niya at naglakad lakad kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Lakad kami sa isang hall, Pasok sa isang hall. Hanggang sa makarating kami sa isang overlooking na veranda. Maganda ang view. Sing-ganda ng view mula sa 45th floor. Mawala ang ulap na kanina pang nagbabantang ulan. Nakita ko ang mga bitwin sa langit na nagniningning. Nakita ko rin ang bilog na buwan.

"Dito tayo." Inalok niya kaming umupo sa may park bench na may magandang view. Naupo kami at madilim ang paligid, Ang liwanag na aming nakikita ay ang liwanag lang ng buwan at mga city lights sa baba.

"Salamat ha. I've never been treated this way." Sabi ko sa kanya. Wala siyang sinagot, Kundi pinatong ang mga braso niya sa park bench direksyon kung saan ako nakaupo.

"No problem. Sorry nga pala." Sabi nito.

"Ha? Saan?" sabi ko.

"Sa lahat ng ginawa at sinabi ko sa'yo." Sagot nito. "Alam kong na-offend ka. Pasensya na. Nadala lang ako sa damdamin ko." Dagdag nito. Nagtataka ako kung ano yung past niya. I don't know ha, We've just met for like one day and madami ng nangyari na di ko ineexpect.

"Ah. Ayos lang. Ano bang pinagdadaanan mo?" tanong ko. Tumingin ako sa mukha niya at nakita ko ang lungkot ng maamo niyang mata. Nakatungo na siya. Di siya sumagot.

"Ayos lang kung ayaw mong sabihin..." sagot ko.

"Ah. Wala. Nasasaktan lang ako."

"Bakit?"

"From my past..." sagot niya. OK, From his past. Gusto kong malaman kung ano yung past niya and I want to help him by giving him advice. Pero hinde eh. Mejo mukhang mas matino at matalino sakin 'to. Di na ata kelangan ng advice. Oh teka, Bakit ko tutulungan 'to e siya nga tong lait ng lait sakin. Anong kelangan nito sakin?

"What's with your past?" tanong ko. Umangat yung ulo niya at tiningnan ang majestic na view ng city lights.

"Mahirap maghintay Steve." Pasimula nito. "Mahirap maghintay sa wala." Dagdag nito. Muli kong napansin na kumunot ang noo nito.

"Kanino ka naghintay?" tanong ko.

[Matthius' POV]

Pinagmasdan ko ang mga ilaw sa baba ng nagkakagulong siyudad. Singgulo ng utak ko. Marami kayang naghihintay sa baba? Marami kaya ngayon sa baba na katulad kong may hihintay pero alam mong di pupunta?

Heto ako ngayon, Kapiling 'tong taong kahapon lang kami nagkita at nilait lait ko. I'm here with the person na patuloy na naniniwala sa FOREVER. Naloko din ata to.

"Naghintay ako sa taong akala kong magpapaligaya sakin. Naghintay ako sa taong akala ko mahal ako dahil lubos ko siyang minahal. Naghintay ako sa lugar na sinasabi niya pero di siya nagpapakita... Naghintay ako Steve..." sagot ko kay Steven.

My FOREVER nga ba? (M2M)Where stories live. Discover now