Chapter 6

9 0 0
                                    

[Matthius POV]

Linggo na noon. Alas-9 na ng umaga. Nakangiti akong bumangon at nag unat unat. Ngayon ko lang ulit nadama na magising na may ngiti sa aking mga labi. Agad akong nagtungo sa shower at nagbuhos ng mainit na tubig para maghandang pumunta sa gym sa 35th floor ng condominium. Sa init ng tubig na sumalubong sa katawan ko, Biglang nagising ang tulog kong diwa... Nanlaki mata ko. Dali akong lumabas sa shower at tiningnan ang Iphone ko.

Mas lalo akong napangiti ng makita kong na-accept na ni Steven ang chat ko sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ko ang reply niya sa akin...

"You are so creepy that I almost dropped my phone. Exhaugerated? Hahaha. You can add me. No worries. I would love that."

Mas nabigyan ng mata ko ang "I would love that.". Tila ba may kuryenteng umagos sa buong katawan ko. Sasabog ako sa tuwa. Oo inaamin ko. Kinikilig din ako.

"YES!" sigaw ko.

"Ma...Matthius?" narinig ko. Pamilyar ang boses.

Nakita ko si mommy na nakatayo sa pintuan. Di ko namalayan na kakapasok lang niya dahil may susi siya ng unit ko.

"Mom?" sagot ko. Di siya umimik kundi nakita ko mga mata niya na gulat at tinitingnan ng bahagya ang baba. At napansin kong malamig ang buong katawan ko.

Shit! Hubo't hubad pala ako!

"Mom! Get out!" sigaw ko sa mommy ko.

"Hay nako anak." Tawa nito. "You don't need to hide things from me. I've seen them a long time ago." Biro nito.

Dagli akong bumalik sa shower naiwan ko ang phone ko sa kama. Naririnig ko parin mula sa labas ang halakhak ng pinakamamahal kong ina at tsaka ito natigil bigla. Lumabas ako ng shower na may ngiti sa aking labi.

"Sorry mom. Got in a situation right there." Sabi ko kay Mommy.

"I see." Simpleng tugon sa akin.

"Any problem mom?" tanong ko dahil parang di nakangiti ang mommy ko which she usually does.

"Nothing Matthius. Have you eaten your breakfast na?" tanong nito at sa wakas nakangiti na.

"Not yet mom. Let's eat outside?" alok ko.

"Sure."

Lumabas muna si mommy para bayaran ang condominium dues sa reception at ako nagbihis na para kumain kami sa labas. Hinanap ko ang Iphone ko na nilapag ko sa kama para ituloy ang naudlot na reply ko kay Steven. Nakita ko sa couch ang Iphone ko at baka siguro naihagis ko doon nang makita ko si mommy. Binuksan ko ito at dahil may consent na ako para i-add siya, I hesitately clicked the "Add as Friend" button and wait for the acceptance.

"Hi Steven, I already added you as per your consent. Let's have some coffee sometimes?" message ko sa kanya.

Maya maya pa ay ni-lock ko na ang unit. Bababa na ako papunta sa lobby para salubungin si mommy. Pagpasok ko ng elevator, Pinindot ko ang "L" or Lobby pero parang may nagtutulak sa daliri ko na pindutin ang 36. In fact, I did.

Paglabas ko ng 36th, Agad kong hinanap ang Unit 36 S. Doon ang unit ni Steven.

*knock*

*knock*

Walang sumasagot. Siguro walang tao. I thought that I've been aloofing myself from reality that mom is waiting for me in the lobby so I decided to head back to the elevator to proceed to the lobby.

Pagbukas ng elevator sa 24th, May natanaw akong isang lalaking pamilyar ang itsura. Lalabas dapat ako dahil feeling ko kilala ko siya pero I decided not to. Namamalikmata lang siguro ako. Probably, I've met him in the 45th Sky Restaurant or in the pool area or in the lobby I presume? I grabbed my face and rubbed my eyes.

My FOREVER nga ba? (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon