Chapter 3

14 0 0
                                    


Napamulat ako. Nakita kong nakatingin pala lahat ng tao sa'amin. Madami ang nagulat. Nakaposisyon parin kami na nakahawak siya sa likod ko at nakahawak sa kamay ko. Bigla siyang napatungo at dahan dahan akong tinayo at iniwan ako sa gitna. Nakita ko kung paano siya umalis sa ice skating rink. Nagmamadali.

"Ku...Kuya? O..Ok ka lang?" tanong sakin ni John na nasa likod ko. Nakatingin pa sa'amin ang mga tao. Bulungan sila ng bulungan. Yung iba mukhang masama ang perception at yung iba may ngiti sa kanilang mga labi. Nahihiya ako.

"Ah eh. Ok lang ako." Nasabi ko sa kanya. Humarap ako at inaya na siyang umalis.

"John, Tara na. Hinahanap na ata tayo nina Mama." Nasa gitna parin kami. Lumabas kami ng ice skating rink at would'nt you know it? Pati yung mga nasa waiting area sinalubong kami ng titig. Ano bang meron? Agad kong hinubad ang snow shoes ko at mamula mula akong pumunta ng comfort room at inayos ang sarili ko.

"Steve. Anong problema mo." Sigaw ko sa salamin ng comfort room. Sinabunutan ko sarili ko sa inis. Ayokong ma-fall. Oo, Sana di umubra ang pagiging fragile ko. Dahil kung mangyari yun, Mag-aassume na naman ako at masasaktan. And once and for all, Napakasama ng ugali niya at I vowed na hindi ako magkakagusto sa kanya. Ayoko.

"Argggghhh!" sinuntok ko sarili ko sa braso at sabay may pumasok na lalaki sa loob ng comfort room at tiningnan ako na para akong nasisiraan ng bait. Sorry naman kuya ha! Ganto ako eh! Madaling magdamdam at medaling mahulog! Lumabas ako ng comfort room pabalik sa waiting area. Habang naglalakad ako dun, May nakakasalubong akong mga babae na napapatingin sakin at pagkalagpas sakin ay pag tsitsismisan ako tungkol sa nangyari kanina sa rink. Nagmadali ako. Nakita ko si John na ready nang umalis at hinila ko na siya palabas ng waiting area.

Agad kaming bumaba nung makalabas kami sa Ice Skate place na yun. Hawak hawak ko parin si John sa braso.

"Ku...Kuya. Saglit lang. Bakit ba?" tanong nito sakin.

"Basta sumunod ka na sakin." Sagot ko na tila nagmamadali pa ako sa paglalakad. Wala akong pakeelam kung nakakaladkad ko na si John. Hanggat makarating kami sa 4th floor. Naupo kami sa bench at naghabol ng hininga.

"Ku...Kuya. May problema ba?" tanong nito.

"Ano ba sa tingin mo?" sagot ko na pabalang. Nangiti si John.

"Bagay kaya kayo." Tsaka tawa na parang walang nangyari.

"Anong nakakatawa?" sabi ko. "Nakakahiya!" tsaka cover up ng mukha ko. Gusto kong umiyak pero ayoko.

"Kuya. Sorry na oh. Mukha naman siyang mabait eh. Ok siya sakin kuya para 'sayo!" pang aasar pa ni John. Naramdaman niyang di na ako sumagot tsaka siya nag sorry sakin.

[John's POV]

Ramdam ko kung ano nangyayari sa kuya ko. Kilala ko yan. At alam ko din kung bakit ganto ang reaction niya sa nangyari kanina sa ice skating rink. Takot siya.

"Diba kapatid mo yun?" tanong sakin ng isang lalaking mukhang pamilyar kanina sa skating rink.

"Opo. Siya nga po." Sagot ko. Hindi ako nakita ni kuya na may kausap kasi focus na focus siya sa paghawak sa handrails at pagbabalance nya sa paa niya. "Bakit po?" dagdag ko.

"Di ata siya makabalanse ah?" tanong nito sakin.

"Ah. Oo. Alalay ko lang yan sa practice. Hahaha." Pagmamayabang ko sa kanya.

"Anong pangalan niya?" tanong nito.

"OYYYY JOHHHNNN!" isang malakas na sigaw na tumatawag sa pangalan ko. Napatalikod ako at nakita ko si kuya na nawawalan na ng balanse. Bigla ring nawala yung lalaking nagtatanong sakin.

My FOREVER nga ba? (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon