"Gosh Raven, I was dying to hold you like this again..I really missed you"....she said while hugging me so tightly.

Natutuwa man ako na andito sya, mas lamang yung pagka asar ko. I mean, paano nya nalaman kung nasaan ako at bakit sya nagbyahe ng masama ang panahon? Eh kung nadisgrasya sya? Tsk!..

"What are you doing here? Nababaliw ka na ba? Tingnan mo nga yan basang basa ka"..sermon ko matapos ang yakapan moment namin. Basa na rin ako...

"Wow, Raven grabe miss na miss mo din ako.. I knew it! Pa kiss nga.."

Tinampal ko yung noo nya, "magtigil ka. How did you know where I was? I don't remember telling you about my exact location here in Davao"..

"Hello? Who are you talking to right now?? It's Shannon right? Shannon the cute, Shannon the persistent, Shannon the lovable, huggable and kissable so nothing is impossible to me baby"...

"Gosh, halika na. Pumasok na tayo sa loob. Baka hindi lang bagyo ang mangyari sa araw na ito. Baka lahat ng kalamidad magsama sama sa tindi ng arrive mo"..naiiling na sabi ko.

"Ayieeee! Don't tell me tinamaan ka na din sa akin?" Nagawa pa nyang mang asar sa gitna ng malakas na buhos ng ulan at nanginginig naming katawan dahil pareho na kaming basa..

Napailing iling na lang ako at inalalayan sya papasok. Pinakilala ko sya sa mga kasamahan ko. Sinabi ko na lang na volunteer sya from Manila pa. Nagpaalam muna ako na dadalhin sya sa ginagamit kong shack para makapagpalit ng damit.

"Dun yung banyo" turo ko sa kanya ng makarating kami sa kubo..

"Sure kang banyo yan? Paano ako magboborles dyan eh parang anytime liliparin yung mga dahon-dahon na yan" diskumpyadong pahayag ni Shannon matapos makita yung banyo..


"I am. I've been using that for three days now so I am sure that it is a bathroom"..

"That's not what I meant!"

I took a deep breath, "just go inside ok? Malinis naman sa loob nyan so rest assured na hindi ka makaka kuha ng bacteria. Babalik lang ako dun sa kabilang kubo para ikuha ng makakain"...


Hesitant pa rin sya pero pumasok din naman. Nung marinig kong nagbubuhos na sya ng tubig, sign na naliligo na sya, umalis na ulit ako pabalik sa kabilang kubo. Ikinuha ko sya ng pananghalian. I'm sure gutom na gutom na yun. Almost one thirty in the afternoon na din..


Pagbalik ko sa shack na tinutuluyan ko, bihis na sya. She was wearing my clothes..

"Sorry, hindi na ko nakapag paalam. Wala ka kasi so kesa naman manigas na ko sa lamig, nagkusa na lang akong kumuha ng fresh clothes mo. Wala pala akong nadalang damit"

"It's ok. Here, kumain ka muna"..inabot ko sa kanya yung mga dala kong pagkain..

She murmured her thanks and ate in silence. Halos napapangalahati na nya yung food ng umayaw na sya. Busog na daw. Akala ko hindi nya lang nagustuhan yung pagkakaluto pero nung tumingin ako sa mukha nya, napansin kong medyo malamlam yung mga mata nya. Sinalat ko yung noo nya at napa iling na lang ako ng mapagalamang mainit sya.


Gusto ko syang pektusan sa totoo lang. "Look what you've done. Nilagnat ka na. Ano ba kasing naisipan mo at sinuong mo ang kasagsagan ng ulan? Hindi ka nag iisip, pano kung nadisgrasya ka?" Parang inang pangaral ko sa kanya.


"I just missed terribly. That's all"..she said in a small voice..

I took a deep breath again.."Hay Shannon, ano bang gagawin ko sayo?"


"Just hug me. Hug me please?"


I stared at her intently. Medyo namumula na yung mata at pisngi nya. Dala marahil ng init ng singaw ng katawan nya. Parang may sariling isip na kusang tumaas ang kamay ko at hinaplos ang mukha nya..she's really beautiful. No doubt about that.

She close her eyes, hinuli nya yung kamay ko bago dinala sa mga labi nya at hinalikan..her gesture sends shiver to my spine. I felt that a warm hand also touched my heart..

After that, sya na ang nagkusang yumakap sakin. Burying her face in my tummy since she was sitting..

"I miss you so much my queen"....she whispered..



I took a deep breath once again, I hugged her back before saying, "I miss you too, you crazy mess"...








-------------------------



I/N

Finally after a decade natapos ko din tong update ko :) sorry natagalan. Mental block at tinamad lang talaga..hihi.

Dun sa mga hindi ko na rereplyan, sensya na, late notif kasi lagi tong si wp eh saka minsan din wala akong internet access so hindi ko pa talaga sya nakikita but rereplyan ko yan. Hindi snob si immortal ok? Haha..


Thanks for reading everyone! Have an awesome day ahead ;-)

It Started With A LieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora