2nd

192K 3.4K 85
                                    

Zoe Kaila Esteban

Sa kabila ng matinding pagod, maaga naman akong nagising dahil maghahanda pa ako ng pagkain at baon ng mga kapatid ko para sa eskwelahan.

May pasok din ako sa trabaho ko ngayon, kailangang mag-sipag. Hindi ko naman alam kung nasaan ang mga magulang namin kaya iiwan ko nalang 'yong susi sa katabi naming bahay. Matapos kong mag-luto at mag-hain ay nagpunta na ako sa kwarto ni Melanie at Joshua para gisingin sila.

"Melanie, gising na para kumain at maligo." bahagya ko naman siyang inuga upang gisingin. Nag-unat naman ito at humikab bago marahang tumayo mula sa kanyang pagkakahiga.

"Sunod na ako, Ate. Gigisingin ko lang si Kuya Joshua." tumango naman ako at lumabas na sa kwarto niya. Pumasok naman ako sa kwarto ko muli para gisingin ang bunso naming kapatid.

Sabay-sabay naman kaming kumain ng almusal. Matapos kumain at pinaligo ko na sila habang ako naman ay naghu-hugas ng mga ginamit naming plato at kubyertos. Matapos mag-hugas ng mga pinagkainan ay dumiretso ako sa kwarto para plantsahin ang mga uniporme nila.

Pagtapos nilang maligo ay isa-isa ko namang ibinigay ang kanilang mga plantsadong uniporme. Nag-tungo naman kami ni Jeric sa kwarto ko para tulungan siya sa pag-butones ng kanyang pangitaas.

Mabilisan ko namang sinintas ang sapatos ni Jeric bago nagmamadaling pumasok sa banyo para maligo. Saglitang pag-ligo lang ang ginawa ko at nagtapos na ako ng towel, mumuntikan pa akong madulas kakamadali dahil baka ma-late sila sa eskuwelahan.

"Ate! Nasaan na 'yong mga baon namin? Ako nalang ang maghahanda" tanong ni Joshua habang papalabas ng kanilang kwarto.

"Nasa lamesa lang, Joshua! Iyong tubig niyo nasa ref pa." sagot ko sa kanya at pumasok na sa kwarto. Sinuot ko na ang plantsado kong uniporme at manilis na nag-sapatos habang nagsusuklay ng basa kong buhok.

Kinuha at inayos ko naman ang bag ko. Nag-lagay ako ng iilang mga importanteng gamit sa loob nito at kumuha ng tatlong bente sa mumurahin kong pitaka para sa pang-baon ng mga kapatid ko. Lumabas naman na ako ng kwarto at tinulungan na silang tatlo mag-handa.

Bahagya akong nagulat sa padabog na pag-bukas ng pintuan. Si Papa, na kagigising lamang. May hawak kaagad itong bote na laman ay alak.

"Bilisan niyo na para maka-alis na tayo." sabi ko at kinuha na ang bag nilang tatlo bago isinukbit ito sa aking mga balikat.

"Hoy Zoe! Maghanda ka ng makakain ko." lasing na bulyaw ni Papa. Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy sa pag-aasikaso sa mga kapatid ko.

"Zoe!" binato niya ang bote pero hindi naman ito tumama sa akin. Dagdag pa 'to sa trabaho. Mabilisan ko namang kinuha ang walis at dust pan para linisin ang nabasag na bote.

"Ate ako na po diyan." ani Melanie.

"Hindi na, Melanie. Mag-handa na lang kayo ng mga gamit niyo diyan para maka-alis na tayo." tumango naman siya at nagpa-tuloy sa pag-aayos ng gamit sa loob ng kanyang bag.

"Aba't bastos kang bata ka ah! Hindi ka nakikinig sa'kin?"

"May lutong ulam dito. Nandon ang kanin sa kaldero. Hindi mo ba kayang kumain mag-isa?" Sagot ko nang hindi pa rin siya tinitignan. Bahagya naman itong nagdabog at nagmura bago pumasok muli sa kwarto at padabog na isinara ang pintuan.

Napailing na lamang ako at napabuntong hininga.

Matapos kong walisin ang kalat ay umalis na kaming magkakapatid.

Hinatid ko muna sila sa school nila bago ako pumasok sa trabaho. Mahirap na kapag iwanan ko silang tatlo at baka may mangyaring hindi maganda pa sa kanila.

Guns and Obsession (Guns Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon