Sige pa! Matakot ka pa!

"Alam mo bang lahat ng babaeng maids dito ay pinatay na namin ni Daniel." ngumisi ako at inaabangan kung anong sasabihin niya pero tumungo lang siya at hindi pinapakita ang mukha niya samin.

Mukhang iiyak na naman siya.

"Tama siya doon Kaelynn, pero syempre bago sila mamatay pinaparanas muna namin sa kanila ang sandaling kalangitan, hahaha, tapos aalisan na namin sila ng buhay hindi ba Rious." masaya talaga pag may kambal ka hahaha tumawa ako at inakbayan si Niel.

"Tama siya kaya ano gusto mo bang maranasan ang sandaling kalangitan sa piling namin o magpupumiglas ka pang tumakas? Sagot!" Hindi siya umiimik at nakayuko pa rin samin, nagkatinginan kaming kambal at inaantay ang sasabihin niya.

"Oh talaga? Tingin niyo maniniwala ako sa mga kasiran ng ulo n'yong dalawa? Pano sila gumagalaw kung patay na sila?" Hindi namin inaasahan ang sagot niya kaya nagulat kaming pareho.

"Pffft." napatawa ako, tama siya nakalimutan kong ipaliwanag.

"Hahahaha nakalimutan ko Niel ikaw na nga magpaliwanag." naglean pa lalo si Niel sa kaniya at binulong sa tenga niya ang sagot.

"Simple lang, inuubos namin ang dugo nila saka namin sila gagawing alipin habang buhay." napatingala si Runo sa sinabi ni Niel sa kaniya.

Pero na gulat kami ni Niel at tumayo siya sa pagkakaupo saka pinagpagang pants niya.

"Hindi ako maniniwala, takutin niyo ko kung gusto niyo pero hindi ako maniniwala mga siraulo kayo, mamaya iintayin ko si Sir Daryl at isusumbong ko kayong dalawa." Ibinato niya samin 'yung maleta niya kaya na gulat talaga kami sa pinapakita n'yang tapang.

Teka asan na 'yung takot kanina sa mga mata niya? Ba't biglang nawala!

Inaasar talaga ako ng isang ito. Tignan na'tin kung hanggang saan ka tatagal.

"Umalis na kayo sa kwarto ko at mag-aayos pa ko, aalagaan ko ang kapatid niyo at kayo magsiayos na rin kayo kasi papasok pa kayo." tinulak niya kaming dalawa palabas ng pinto at wala kaming nagawa nung pinag saraduhan niya kami ng pinto.

Nagkatinginan kami ni Niel at parang hinahanap kung ano ba ang dapat namin gawin at sabihin, unang pagkakataon namin makakilala ng ganitong babae.

"Rious, pano niya ginawa 'yun?" Tanong niya, alam ko na agad ang ibig sabihin ng kakambal ko.

"Hindi ko rin alam." pareho kaming na tameme habang nakatingin pa rin sa saradong pinto, pano niya nga ba na bago ang takot papunta sa tapang?

❦❦❦

Inayos ni Niel ang necktie ko at ako naman sa kaniya, andito ako sa kwarto ng kambal ko at nakikibihis, mas gusto ko kasing iisa ang kwarto namin kesa sa magkahiwalay kaya madalas andito rin ako sa kwarto niya.

Bata pa lang kami simula ng iwan kami ni mama kay papa at ang isa't isa na lang ang pinagkakatiwalaan namin.

Si Mama kasi ang pangalawang asawa ni Papa, hindi namin kapatid sa ina si kuya Daryl at apat na taon ang agwat namin sa isa't isa, ganoon pa man ginagalang pa rin namin si kuya at mahal namin siya pero ang pinagkakatiwalaan ko lang talaga ay ang kakambal ko.

Kami lang dalawa ang pwedeng maasahan ng isa't isa wala nang iba kaya simula ng mawala si mama at naghanap na naman ng panibagong asawa si Papa wala na kaming pakialam. Basta magkasama kaming dalawa ayos na kami.

"Gising na kaya si Darenn Rious?" nagbikit balikat ako, kanina pa kami hindi makapasok sa kwaro ng kapatid naming bunso dahil sa chimay na 'yun.

Ewan ko ba simula nung itinulak niya kami palabas ng pinto nakaramdam ako ng takot, hindi ko alam pero nagdadalawang isip akong paglaruan siya ngayon siguro mamaya na lang paguwi namin.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now