"Maka-him ka naman!" tawa pa niya, "syempre, and you probably know her..." he smirk.

"Hmm, siguro ka umuwi kasi dadalawin mo siya 'no?" Bigla namang nabuhayan si Maine sa usapan nila. "Spill her name, Derrick. Tayong tatlo lang naman nandito eh." Pagpupumilit pa ni Maine.

But instead of spilling the name Derrick's rumor girl, he just smiled.

"Ang daya mo talaga!" halukipkip pa ni Maine.

"Well... gano'n talaga!" tawa pa ni Derrick.

"But I think, she's worth the wait naman diba?" Anja said.

Derrick just shrugged, "maybe or not." Sa sinabi niyang iyon. Natahimik na lang din silang tatlo sa sasakyan hanggat sa marating na nila ang kanilang condominium. Derrick help the two girls to carry their bags to their unit, he refuse to stay to their unit dahil aalis din sila bukas ni Maine and he needs rest as well, nakakapagod din kayang maupo at manood lang sa set.

Pahiga na si Maine sa kanyang kama nang hatakin siya muli ni Anja, kaya naupo na lamang siya.

"Anja, I'm tired." She yawns.

"Alden texted me."

"Oh buti ka pa, tinext." Ngisi pa ni Maine.

Anja rolled her eyes, "gaga, ito nga sabi niya oh 'Hey Anja, where's Maine? Hindi niya kasi sinasagot tawag ko. Magkasama pa ba kayo? Are you home?' ayon, bakit hindi mo naman sinasagot?"

"Hindi naman lifetime ang battery ng phone ko."

"Gash, Maine, anong sasabihin ko?"

Maine grunt, "then reply, we're home, duh!" at tuluyan nang nahiga si Maine sa kanyang kama pero agad ding hinila ni Anja ang paa ni Maine at tuluyan na itong nagising, puno nang pagka-badtrip ang mukha.

"Ano ba kasing meron sa inyo? Bakit parang ayaw mo namang kausapin si Alden?"

"He had his Roshelyn, don't mind me, wala na ako." Irap pa niya.

"Pakyu!"

Nanlaki ang mata ni Maine sa sinabi ni Anja, "anong sabi mo?!" natatawa pang sabi ni Maine. "Gaga ka talaga!"

"Ano nga kasing meron? O baka naman kasi nagseselos ka dahil hindi ikaw ang kasama ni Alden kanina?"

She just sighed. Hindi niya alam kung anong isasagot sa tanong ni Anja.

"And yes, I'm right!" waging ngiti ni Anja, "you were so jealous of her! Hayaan mo na Meng, alam kong ikaw pa rin naman ang pipiliin ni Alden. Just hello?! For about 11 years, naghanapan kayong dalawa tapos ipagpapalit ka lang niya sa babaeng 'yon? Alam mo may ibubuga ka naman talaga eh. Malaki ang hinaharap mo, Malaki ang—"

"Anja, stahp!" hagikgik pa ni Maine. "Just to shut your mouth, oo na, inaamin ko na." then she sighed.

Napangisi at napahalakipkip na lang din naman si Anja, "sabi ko na nga ba eh... wait lang, replayan ko lang si Alden, baka amagin na eh." Lumabas naman saglit si Anja at muli nang bumalik sa pagkakahiga si Maine.

Niyakap niya ang katabing unan at pinikit ang mga mata. Bigla namang bumalik sa kanya ang senaryo kanina nang makitang naka-ibabaw si Roshely kay Alden. Ayaw na ni Maine pumatol dahil ayaw niya nang gulo pero hindi naman niya mapipigilan 'yong sarili niya na magselos lalo na kapag nakikita niyang magkasama si Roshelyn at Alden.

'Sana ako na lang 'yong kasama niya sa indie film, kahit bold star pa 'yon go lang... jk lang.'

--

Maine woke up early para samahan si Derrick sa kung ano mang pupuntahan nito ngayon. Gaya na rin nang napagplanuhan nilang dalawa, this is their day at walang makakagulo sa kanila. They miss each other dahil sa tagal na rin nilang hindi nagkasama, now this is the time para naman ma-enjoy ang company ng bawat isa.

Mayamaya lang din ay may kumatok na sa pinto ng unit nila Maine, dali dali naman siyang tumungo sa pinto at pinagbuksan ito. Bumungad naman sa kanya si Derrick with his white v-neck shirt at blue faded jeans, ang simple ng dating niya pero ang angas niya.

Napangisi na lang din si Maine, "hindi ko talaga alam kung bakit hanggang ngayon wala ka pang girlfriend." Aniya.

Natawa na lang din naman si Derrick at kanyang inayos ang buhok. Napatitig na lang din si Maine sa kanya, ang swabe, ang sarap, chos.

"Ready ka na ba?" he asked.

Maine nodded, "as always, bestfriend." She smile but she notice the way Derrick look away after she said those words. "Tara na, Derrick." Pagbabali pa niya.

"Meng!" palabas na sana siya ng pinto nang makita siya ni Anja na kakagising lang at nang mapansin naman nito ang lalaking kasama, "Derrick?" aniya pa. "Saan kayo pupunta?"

"An-an, may pupuntahan lang kami."

"Wait, saan?!" tanong ni Anja pero biglang sinarado ni Maine ang pinto at tumakbo papunta sa elevator. Hindi na naman sila nahabol ni Anja at hinayaan na lang ang dalawa na mag-enjoy, they miss each other kaya hindi na niya hahayaan na masira pa 'yong bonding moment ng dalawa.

They commute together, syempre para iwas gulo, Maine had her mini disguise, for safety na rin niya 'yon kaya niya ginagawa.

After 1 hour, this guy is heading to their unit with bought flowers and chocolates and coffee for her love, then when he knock those doors, ang una kaagad na bumungad sa kanya ay si Anja.

"Alden?!" gulat pa nang makita ni Anja si Alden, hindi naman niya kasi inaasahan na pupunta si Alden nang wala man lang text or something diba? "Anong ginagawa mo dito? At para saan 'yang mga dala mong bulaklak at chocolate?"

Instead of answering all Anja's question then he asked, "where's Maine?"

Agad namang umiling si Anja, "umalis siya."

"Saan nagpunta?"

Muli siyang umiling.

"Pa'nong di mo alam?" taka pa ni Alden kay Anja.

"Kasama niya kasi si Derri—" and after that, he handed over the flowers and chocolates and even the coffee to Anja at umalis agad agad, "Alden? Saan ka pupunta?"

"Will find them." At sa paglingon niya ay tuluyan na rin siyang pumasok ng elevator.

Sinara na lang ni Anja ang pinto at nilapag ang mga dala dala ni Alden for Maine. Napansin naman nito ang kape dahil wala rin naman ang kaibigan, siya na mismo ang uminom nito.

"Haay nako, Alden at Maine..." aniya habang nakatitig sa bulaklak at chocolates nito. "Alam kong nasa tamang panahon ang lahat, maybe this time wasn't for them, maybe soon... haay, excited na ako maging bridesmaid on their wedding." imagine pa niya.

My Better HalfWhere stories live. Discover now