Ikalabing-pitong Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sorry. Sorry, Baek," See? Alam kong wala naman akong karapatan na makaramdam ng selos at iparamdam na mali siya pero siya pa itong nagso-sorry. Ano bang nagawa kong sobrang kabutihan para makilala ko iyong tao na ito? "Kaya hindi kita makausap kanina dahil may pinag-uusapan lang kami ni Jimin. Tapos iyong sa mga babae kanina? Maniwala ka man o sa hindi, babalikan sana kita kaso bigla ka na lang nawala. Bigla kasi nila akong hinila palayo ng room. Hindi ako makaalis kasi ang dami nila masyado. Sorry. Baek, sorry."

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit kasi ang hilig kong bigyan ng ibang meaning ang mga bagay-bagay. Tapos takot din akong makinig sa mga explanations kaya tinatakasan ko na lang. Naiinis ako kasi nagpapalamon ako sa selos. Ako itong nagpa-pabebe na ayaw pang magpaligaw tapos kung umasta ako, para namang boyfriend ko na siya. Ibinaon ko yung mukha ko sa dibdib niya at tinugon ang yakap niya. Nakapagdesisyon na ako. At ayaw kong makita niya iyong mukha kong nangangamatis na. That will embarrass me for the rest of my life.




Park Chanyeol.

"Yeol, payag na ako," halos mabato ako dito sa kinatatayuan namin ngayon. Aaminin ko, nag-eenjoy ako na nakikita kong nagse-selos si Baekhyun, pero ayaw ko naman na maramdaman niyang hindi ako seryoso sa kanya. "P-payag na akong magpaligaw sayo."

Saglit na katahimikan. Nakatulala lang ako sa kawalan. Habang nararamdaman kong mas lalong sinisiksik ni Baekhyun iyong mukha niya sa dibdib ko. Ewan ko, masaya ako pero pwede naman sigurong magulat diba? Kanina kasi noong tinanong ko siya hesitant pa siya. Ayos lang naman talaga sa akin. Totoong kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal. For me, he's always worth it.

"Bakit hindi ka nagsasalita? Ayaw mo na ba agad sa akin?" Dahil nga nakatulala ako, nabigla ako noong kumalas siya sa pagkakayakap ko. Ni hindi ko tuloy siya napigilan. "Umuwi ka na sa Maynila. Hindi na ako babalik doon."

Nang makarecover naman ako sa pagkagulat ay dali-dali ko siyang hinabol. Maliit lang siya pero ang lalaki ng hakbang niya. Matampuhin pala si Baekhyun. Ayos lang kahit na pahirapan niya ako dahil sa ugaling iyon, hindi ako magsasawang amuhin siya. Nang mahabol ko siya, tinulak niya pa ako. Sabi nga nila kung hindi mo madaan sa santong dasalan, daanin mo sa santong paspasan. Napapiyok siya ng mahina nang bigla ko siyang binuhat. Ang kulit kasi. Si Baekhyun ay isang major pabebe kaya dapat talaga dito dinadaan sa dahas. At alam ko namang hindi siya seryoso sa sinabi niyang hindi na siya babalik sa Maynila. Lalaki si Baekhyun pero iyong kilos at damdamin niya pangbabaeng-pangbabae. Nakakatuwa talaga siya.

"Sorry na po, Aegi. Nagulat lang kasi ako sa sinabi mo," bigla naman siyang namula dahilan para itago niya iyong mukha niya sa kili-kili ko. Buti na lang nakapag-deodorant ako kanina baka kasi maturn-off siya kapag nag-amoy baktol yung kili-kili ko.

"A-aegi ka dyan! Ibaba mo nga ako! Kaya kong maglakad!"

"Nah. Simula ngayon prinsesa na kita, Aegi," sinadya ko talagang diinan iyong pagkakasabi ng Aegi. Sorry siya, nag-eenjoy akong asarin siya eh. Handa naman akong amuhin siya kahit abutin pa kami ng siyam-siyam.

-

-

Pagbaba namin ng sasakyan, hinila ko iyong kanang kamay niya at mahigpit na hinawakan iyon. Mabuti naman at hindi na siya nagpumiglas kaya nakapasok kami ng bahay nila nang hindi nagbabangayan at magkahawak-kamay.

"Oh? Napasagot mo na agad?" Tanong ni Auntie pagkakitang-pagkakita niya sa magka-intertwined naming kamay ni Baek. Agad namang namula itong katabi ko dahil sa sinabi ni Auntie. Cute cute talaga ni Baekhyun. Sarap pisilin ng mukha.

"Hindi pa po, Mama. Medyo hard to get po iyong anak niyo, eh. Muntik pa nga—ow! Aray, Baek! Masakit, ha!" Natatawa kaming pinapanood ni Auntie habang pinapalo ako ni Baek. May galit ata sa akin ito kasi malakas iyong pagpalo niya.

"'Wag po kayong maniniwala sa sinasabi ni Chanyeol, Mama! Nagsisinungaling iyan!"

"Sus! Ang Baekhyun ko may lovelife na! Alam niyo bang ang cute niyong dalawa tignan? Lalo na iyong height differences niyo?" This time namula na rin ako. At hindi ko alam na may ipupula pa iyong mukha nitong katabi ko. Parang sasabog na siya sa sobrang pula ng mukha niya kaya tumakbo na siya papunta sa kwarto namin. Samantalang naiwan naman ako mag-isa dito habang binibigyan ako ng makabuluhang ngiti ni Mama.

"Iyong promise mo, ha?"

"O-opo, Mama. Hindi ko po kakalimutan iyon," miski ako namula na ng todo dahil pinaalala na naman sa akin ni Mama iyong promise ko sa kanya na ihaharap kong virgin si Baekhyun sa altar. Akala niya ba hindi ako seryoso doon o nag-eenjoy lang din siyang nakikitang namumula ako everytime na naaalala ko yun? Aysh.

-

-

Naabutan kong nakadapa si Baekhyun sa kama niya pagkapasok ko ng kwarto namin, ni hindi pa nga siya nagbibihis. "Mama, 'wag mo naman akong asarin sa harap ni Yeol! Nakakahiya eh!"

Mahina akong tumawa at naupo sa gilid ng kama niya. Akala niya si Mama ako, kasi nakabaon iyong mukha niya sa unan kaya hindi niya ako nakita. Naramdaman kong nanigas siya nang bigla kong pinulupot iyong braso ko sa bewang niya at ipinatong iyong ulo ko sa likuran niya. Ang tagal kong hinintay na magawa ito sa kanya. Dati naman nakukuntento na ako sa pasulyap-sulyap sa malayo pero habang tumatagal mas tumataas iyong desire ko na mahawakan siya.

"'Wag ka nang mahiya sa akin. Ako nga hindi nahihiya na maging korny sa harap ni Mama eh."

"Eh hindi naman kasi ako sanay sa ganito! Palibhasa marami ka nang naging girlfriend!" Ayan na naman siya. Siya lang naman gumagawa ng ikinakaselos at ikinakagalit niya eh.

"Hindi ah. First kaya kita," diba nga dalawang taon na akong may gusto sa kanya? Noong high school naman hindi ako nagkakagusto sa mga babae. Focus lang ako sa pag-aaral noon. "Hindi naman counted si Krystal kasi hindi ko naman siya minahal. Ikaw pa lang kaya minahal ko ng ganito," pero ano pa nga bang ine-expect ko kay Baekhyun? Kakaiba iyan mag-isip. Iba ang takbo ng utak niya.

"Krystal. Krsytal. Puntahan mo siya sa China! Kakaayos lang natin nagsisimula ka na naman!"

"Bakit ba ang seloso mo?"

"K-kasi! Maraming nagkakagusto sayo! A-ayaw ko ng may kaagaw!"

"Hindi naman ako magpapaagaw sa kanila kahit ipamigay mo pa ako."

"T-talaga?" Tumango ako at umalis sa pagkakayakap sa kanya dahil naramdaman kong i-ikot na siya paharap. Para akong mag-aalaga ng baby dahil kay Baekhyun. Isa siyang malaking baby na seloso at matampuhin.

"Kaya wag ka ng seloso, ha? Sayong-sayo lang ako, Aegi!" Pinisil ko yung ilong niya kasabay ng pagsara ng mga mata niya. Hindi ako magsasawang sabihin na sobrang cute ni Baekhyun. Lahat ng kinikilos at reaksyon niya sobrang cute sa mata ko kahit na minsan nakakainis at paulit-ulit siya. Hindi siya nakakasawang i-tolerate dahil ang cute cute niya talaga. Lalo na pag nagiging maamo na siya.

"'Wag mo nga akong tawagin na Aegi!" Namangha na naman ako sa kamay niyang magaganda na nakaharang sa nangangamatis niyang mukha. Pangbabaeng-pangbabae talaga iyong kamay niya. Ang sarap lang titigan.

"Ano gusto mong itawag ko sayo? Jagi? Babe? Mahal ko? Bebe ko? Ano? Gusto ko may tawag ako sayo na kapag narinig mo, ako lang iyong maaalala mo."

"Chanyeol naman, eh!"

"Ano? Bakit namamalo ka na naman? Aray, ha! Masakit na, Baek! Sadista ka!" Nagsisimula na naman siyang maging sadista sa akin.

"P-pwede bang break muna? Masyado ka na kasing nakakakilig eh," hinila ko iyong mukha niya papalapit sa mukha ko. Naramdaman ko pang kinurot niya ako sa tagiliran. Takte. Battered boyfriend ako dito ah.

"Hindi kita iki-kiss kung iyan ang iniisip mo. Gusto ko lang malaman mo na hindi ako magsasawang pakiligin ka, amuhin ka kapag tinotopak ka, patahanin ka kapag umiiyak ka, pasayahin ka kapag malungkot ka, pakainin ka kapag nagugutom ka na, lahat gagawin ko para sayo. 'Wag mo lang akong iiwan."

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon