They left nga diba?

"I don't know."

"Ahh." Tumahimik siya at ilang segundo ang lumipas ay hindi siya kumibo. "Since your friends left you, why not come with me? I'm with my friends. I'm sure they'll like you." Ngumisi siya at tumayo. Umalis si Kelly, at hindi ko na rin makita si Jazz kaya tumango ako. Alangan naman at magiging loner ako all trough out the night?

Wala naman akong magawa, edi sumama nalang ako sa kanya.

Lumapit kami sa isang grupo ng mga ka-edad kong tao na nakaupo sa isang circular seat. Marami sila dito. Mga 8 siguro? May anim na lalaki at dalawang babae.

"Hey!" tawag ni Jayzee sa kanila. Lumingon sila at ngumiti sa kanya.

"Hey Jayze, new playmate?" tanong nung kasama niyang lalaki kaya kumunot ang noo ko. Mukha ba akong naghahanap ng kalaro?

"How rude." I mumbled. Narinig ni Jayzee yun at pinagsabihan ang kaibigan niya,

"Ang gago mo, Kurt. This is my friend, don't be a jerk." aniya. Tinuro niya ang isang space na nasa dulo ng sofa at inalalayan ako. "Kate, umupo ka muna dito."

Hindi ako umangal. Umupo din siya sa vacant seat na nasa harapan ko, katabi ang isang babaeng may straight na buhok at mukhang mataray.

"Hey." tawag sa akin nung katabi ko kaya tinignan ko siya. Tinitigan ko siya kahit madilim. Jet black at nakaside part ang buhok niya, makapal ang kilay kaya nadepina ang malalim niyang mata. Wait, cute guy alert. Forget the first target, abort mission. Found new objective.

"Hey." bati ko sa kanya. Kunwari ay hindi ako excited sa presensya niya. It'll be a turn off if I'll approach him eagerly.

"You must be bored." He stated.

Kumunot ang noo ko at tinignan siya. "Ano?"

"Dinala ka niya dito pero hindi ka man lang niya ine-entertain." Sabi niya at tinuro si Jayzee na busy sa pakikipag-usap sa katabi niyang babae. "Siya siguro ang gago."

"Ah." I shrugged. I don't mind.

"By the way, Ka—uhm... uh... what... should I call you?" tanong niya at umayos ng upo para humarap sa akin. Pinatong naman niya ang siko niya sa sandalan ng couch at nakapatong ang baba niya sa kamay niya. Anong ibig niyang sabihin? Pinakilala ako ni Jayzee na 'Kate' diba?

"Kate." ulit ko at inabot ang kamay ko sa kanya. Pero imbes na makipagkamayan, ngumisi siya.

"No," he scoffed. "There's no need to be formal, we're in a dirty place."

O...kay? That was awkward but on point. Ngumiti na lang ako at tumingin ulit sa mga mata niya. He's also looking at me, it's dark, but I can feel the intensity of his stare. Tuwing natatamaan ng ilaw ang mukha niya, mas nakikita ko ang titig niya. I gulped and kind of felt uncomfortable..

"I'm Ryce." He introduced and smiled. Kahit ang pagngiti niya, tipid. Pero ano daw?

Rice? Rice as in kanin?

"Nice to meet you." ngumiti na lang ako at binawi ang kamay kong hindi niya parin tinanggap.

Anong problema niya? Bakit siya ganyan makatitig? Okay, bakit ba ako kinakabahan? Maganda ako kaya hindi na dapat ako ma-insecure. I should be confident, why am I conscious?

"So..." he trailed. "What's with the agenda?"

My brows furrowed at his question. Agenda? What agenda? May gagawin ba ako ngayon? "What do you mean?"

He half smiled at umayos ng upo. Nag-inat siya ng konti at nilagay ang kamay sa likod ng ulo. "The hatred you have in you, I know it can't be removed." Tumingin siya sa akin. "But you can always forgive."

The Top Teen ModelsМесто, где живут истории. Откройте их для себя