10: WALA AKONG CHOICE

Start from the beginning
                                    

Si Neil.

Nandito siya? Sinundan niya pala kami. Woah, stalker pala ang lalaking to. Deds na deds kay Jazz.

Hindi talaga ako boto sa kanya. He probably won the worst boyfriend of the era. Simula nung kinuwento sa amin ni Jazzella kung paano siya nito sinaktan, nag-iba na ang pananaw ko sa kanya. He's a good guy no more.

At first, hindi ako makapaniwalang ginawa yun ni Neil, malayo naman kasi sa itsura niya ang mag-cheat at mag-two time. Pero bakit naman magsisinungaling si Jazz sa amin? Bakit niya sisiraan si Neil?

Kaya hindi na ako magtataka kung matagal pa bago siya patawarin ni Jazz. Minahal kaya niya ito ng lubusan, paniguradong wasak na wasak ang puso niya. Yung bestfriend niya inahas ang boyfriend niya, and to make things worse, pinatulan pa ng boyfriend. Sinong hindi masasaktan diba? Double dead na ang puso niya. He only made the situation poorer when he dated Suzy, his sister's mortal bully.

Sandali kong sinulyapan si Jazz, sumasayaw parin siya na parang walang nangyari. Binalik ko ang tingin ko kay Neil pero wala na siya doon sa kinatatayuan niya. Ang bilis naman.

Muli kong inilibot ang paningin ko dito sa loob ng bar. Ang wild ng mga tao. Masaya silang lahat. Namiss ko din ang lugar na to. Don't get me wrong, hindi talaga ako nagna-night life noon. Pumapasok lang ako dito tuwing umaga kapag walang tao. Minsan kasi, may pinapaayos si kuya sa akin.

Sa Canada ako natutong mag-bar, inaya kami ng kaklase namin doon. Nagbabar lang ako tuwing stress ako, kung masaya ako, kung inaya nila ako, o kung wala akong magawa. Doon ako nagsimulang uminom, sumayaw, at kung anu-ano pa. Pero hindi ako kalianman nagka-boyfriend. I do flirting and I play around, so I had flings. It's not a serious problem dahil hindi naman ako obsess sa mga lalaki. And I don't do one-night-stands, heck I'm still a virgin.

Kahit kailan, hindi pumasok sa isip ko ang makipag-commit ulit kahit kanino. Tama nang masaktan ng isang beses, kaysa paulit-ulit akong magpapaka-tanga. But on the contrary, I believe in second chances. I still have hopes for us.

Nabigla ako nang may humipo sa legs ko. Actually, hindi niya naman ako hinipo, nagkaroon lang ng contact ang daliri niya sa leg ko nung umupo sa tabi ko, ang ikli pa naman ng suot.

He's also shocked, pero nakatingin siya sa mukha ko.

And I feel like drooling when I saw his face. His tousled hair is perfectly messy. His dark orbs eyeing me. Sharp jawline, broad shoulders. Tapos yung adam's apple niyang tumaas nung lumunok siya habang nakatitig din sa akin.

I shook my head mentally, baka naglalaway na ako ngayon. Pasekreto kong hinawakan ang baba ko at nang masigurong walang tumulo, umupo ako ng maayos para malayo ang katawan ko sa kanya.

Tinaasan ko siya ng kilay nang mapansin kong nakatitig pa rin siya sa akin. Ngumisi siya dahil sa ginawa ko.

"Yes? Can I help you?" tanong ko nung hindi niya pa rin tinanggal ang tingin sa akin pero imbes na sumagot, mas lalo lang lumaki ang ngisi niya, revealing his perfect white teeth. Okay, definitely my target for tonight.

"My name is Jayzee, sweetie." aniya at naglahad ng kamay.

"Kate." I corrected, feeling giddy with his sudden endearment.

Mayka, you're a mess.

"Oh, I know you." He said. Tatanungin ko sana siya kung paano niya ako nakilala nang magsalita ulit siya. "You're by yourself?"

"My friends left me, nakikipaglandian siguro." I rolled my eyes nang hindi ko nakita si Kelly sa tabi ko. Ang bilis nun ah.

"Where are they?"

The Top Teen ModelsWhere stories live. Discover now