10: WALA AKONG CHOICE

Start from the beginning
                                    

"By the way, I saw Rhea earlier." Sabi ko at tinanggap ang basong binigay ng bartender. Naalala ko noon yung sinabi ni Jazz na nag-sorry si Rhea sa kanya. "She was with Markhel."

"Markhel?" ulit ni Kelly. "Member rin siya ng Underdogs diba?"

Tumango ako at inalala ang mukha niya. I remembered that moment our eyes locked. I thought I saw a hint of guilt, but I deliberated against the idea. At first because it was absurd, pero nung bumulong siya sa akin para sabihin na hindi siya ang nagtapon nung lata ng piknik, indirectly saying he's sorry, it made me think otherwise.

"Speaking of Underdogs," excited kong simula nang maalala ko ang sinabi ni kuya kanina pero nag-irapan ang dalawa nang marinig ako.

"Ugh," nasapo ni Jazz ang noo niya. "Here she goes again."

"This is going to take long." Komento rin ni Kelly. Kumunot ang noo ko. Ang bastos talaga ng dalawang to.

"Alam niyo, ang OA niyo." Ngumiwi ako at nag-iwas ng tingin. "Sasabihin ko lang naman sana na magkasama pa rin sila ni Neil sa tea—"

"Wag mo akong subukan, Mayka Kate." Natigil ako nang mapansin ko ang matalim na tingin ni Jazz sa akin. Grabe siya, akala ko ba naka-move on na siya? Bakit affected siya nang marinig ang pangalan ng ex niya?

"Why—"

"Pst," sitsit ni Kelly at pinandilatan ako ng mata. Tinikom ko na lang ang bibig ko, baka mas lalong iinit ang ulo ni Jazz. Humarap nalang ako sa kanya.

"Kamusta raw si Hanz, Kell?" tanong ko at tinungga ang baso ko. Nang maubos yun ay binigyan kaagad ako ng bartender ng bagong baso na may martini.

Nagkibit ng balikat ang kaibigan ko habang yung isa ay tahimik lang na nakikinig. "Malay ko."

"Kayo yung nag-usap kanina ah." Jazz said. Tumango si Kelly.

"Point stated." Sagot niya. "He's still a virgin."

Lumabas sa labi ko ang hindi makapaniwalang pagtawa kaya pareho silang tumingin sa akin. "Bakit palagi niyang dinidiin na virgin pa siya? As if hindi pa siya naka-try ng momol."

"My words exactly." She said. "It doesn't bother me anyway."

Humigop ako sa inorder kong martini at sumulyap kay Jazz nang may lumapit na matangkad na lalaki sa kanya at inayang sumayaw. Tumango si Jazz at nagtungo sila sa dance floor.

Uhm, okay? Kakausapin ko sana siya eh.

Since si Kelly nalang ang nandito, siya nalang ang kakausapin ko.

Humarap ako sa katabi kong si Kelly pero nakita kong may kausap na din siyang lalaki. Flirt si Kelly pero hindi naman yan nagse-seryoso sa kanila. Mas seryoso pa siya sa inaalagaan niyang cactus.

Edi ako na loner. Sinong may piso jan? Pambili ko lang ng kausap.

Nagmamasid na lang ako sa paligid since wala naman akong pwedeng gawin. Si Jazz, wild na wild dun sa pagsasayaw. Halatang masaya. May nangyari kaya sa kanya nung hinila siya ng isang lalaki kanina sa school? Napansin ko kasing tahimik siya habang papunta kami dito. Ngayon lang ulit siya nagsalita.

Tumalikod si Jazz sa kasayaw niya habang kumekembot at nakataas pa ang dalawang kamay. Ilang baso na ang kanyang nainom kaya sa palagay ko ay tinatamaan na siya.

Nakita kong hinawakan nung kasayaw niyang lalaki ang bewang niya kaya nanlaki ang mata ko, pero si Jazz, parang wala lang sa kanya yun.

Bahagya akong napatili nang may sumuntok sa lalaking humawak kay Jazz kaya natumba ito. Walang masyadong nakakita kasi madilim, pero ako na nanood lang mula sa malayo... kitang-kita ko kung sino.

The Top Teen ModelsWhere stories live. Discover now