To Infinity and Beyond 44

44 2 0
                                    

JERIC'S POV

Na extend pa yung meeting namin ngayon, nangako pa naman ako sa aking mahal na susunduin ko siya after her class.

VN Media is planning to extend my popularity in Indonesia kaya naman sobrang busisi at ingat nila sa paggawa ng third album ko.

Traffic pa ngayon at na low-bat na ang cellphone ko, wala din naman akong dalang charger kaya hindi ko matawagan ang aking mahal. Baka sobrang inip na nun mag-intay sa akin.

Pagpunta ko sa school niya, wala na siya. Tinanong ko yung security guard. Sabi niya nakita niya daw na sumama dun sa lalaki. Hindi niya nga lang daw kilala yung lalaking sinamahan ng mahal ko.

Nagmamadali akong pumunta sa mall, syempre in my disguise mode at bumili ako ng bagong battery ng cellphone ko. Pagkatapos noon, agad kong trinack ang mahal ko. Parehas kaming gumagamit ng GPS sa cellphone kaya mabilis kong nalaman kung na saan siya.

Dumiretso ako sa supermarket at namataan ko agad ang mahal ko pero naka-akbay sa kanya si Tyrone.

Hindi ko na napigil ang sarili ko at sinuntok ko agad si Tyrone. Pansin ko naman ang pagkagulat ni Carrie at inaawat niya ako.

"G*g* kang lalaki ka!! Anong karapatan mong akbayan ang girlfriend ko?!" at sinapak ko ulit siya. Wala na akong paki-alam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Ang lakas mong magsalita ng ganyan eh hindi mo naman alam kung ano nararamdaman ng girlfriend mo!" sumugod siya sa akin.

"Tama na Jeric! Ano ba?!" awat muli sa akin ng girlfriend ko.

"Ano tapos siya pa ang kakampihan mo ngayon?! Pumayag ka pang magpa-akbay dyan sa lalaking yan!! Tell me, gaano na kayo katagal ng lalaking yan?!"

Nagulat nalang ako ng bigla akong sinampal ni Carrie. First time kong masampal ng babae. "Ganyan ba kababa ang pagtingin mo sa akin ha?! You know what, walang papatunguhan ang usapan natin na 'to. Tsaka na tayo mag-usap." tapos umalis siya kasama yung Tyrone na yun.



CARRIE'S POV

Halos isang oras na akong nag-iintay dito sa school pero hindi pa rin dumadating ang mahal ko. Ano kayang nangyari dun? Naiinip na ako. Nangako kasi siya sa akin na susunduin niya ako at kakain daw kami sa labas.

"Di ka pa ba uuwi?" tanong sa akin ni Tyrone na pasakay na sa kanyang kotse.

"Hindi pa eh. Inaantay ko pa si Jeric."

"Matagal pa ba siya?"

"Hindi ko alam eh. Hindi pa kasi siya nagtitext sa akin."

"Gusto mo mamili na muna tayo ng ingridients para dun sa dish natin?"

Nag-alangan ako kasi baka dumating na ang mahal ko maya-maya.

"Come on, saglit lang tayo." yaya niya sa akin.

"Saglit lang ha?" paninigurado ko.

Tsaka siya tumango sa akin. Pumayag na din ako para makabili na kami ng mga ingridients at agad namin matapos yung dish namin.

Kinuha ko agad ang cellphone ko at mabilis akong nagtype ng message.

To Infinity and Beyond (Book 1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu