To Infinity and Beyond 41

42 1 0
                                    

CARRIE'S POV

Nandito na ako ngayon sa bahay at nakahiga sa aking malambot na kama. Sobrang nakakapagod yung party kanina pero sobrang worth it kasi sobrang naging masaya ang mahal ko.

Nakakatuwa lang din kasi sobrang naging willing sila tito at tita sa plano ko at tinulungan din ako nila daddy at mommy for that party.

Gumugulo pa rin sa isip ko yung sinabi ng producer ni Jeric. Wala naman talaga akong plano na pumasok sa showbiz.

Simula ng naging boyfriend ko si Jeric, sobrang raming bagay na nagbago sa buhay ko. Yung totoo, nakakapagod din minsan at kahit gaano ko gusto magkaroon ng normal at maibalik yung simpleng buhay na meron ako dati, hindi pa rin maiiwasan na mabawasan ang privacy ko at maitago nalang ang relasyon namin ni Jeric.

Kapag iniisip ko lahat ng effort na ginagawa sa akin ni Jeric at sa relasyon namin, nari-realize ko talaga kung gaano ako ka swerte sa kanya.

* * * * * * *

Kinabukasan, nagpunta ako dito sa may garden namin. Dala-dala ko yung laptop ko. Gusto ko ng fresh air at makapagpahinga naman. Inaayos ko yung table habang umiinom ako ng juice.

Pag-open ko ng twitter ko, trending pala yung birthday prod. ni Jeric sa ASAP. Marami ding mga comments. Merong positive at meron ding negative. Hindi na ako masyadong nagpapa-apekto dito kasi sabi nga sa akin ng mahal ko, stress lang ang aabutin ko kapag masyado kong dinibdib yung mga negative comments ng ibang tao and try as we may, we cannot please everybody.

"Good morning, beautiful!" nakangiting bati sa akin ng mahal ko at inabot sa akin yung dala-dala niyang boque ng red roses. Sweet pa rin talaga ng mahal ko hanggang ngayon.

"Hey handsome. Kala ko may work ka?" tsaka ko sinara yung laptop ko.

"Nagleave muna ako. Namiss ko ang mahal ko eh." tsaka siya tumabi sa akin.

"Ang sweet naman ng boyfriend ko." pinatong ko yung ulo ko sa may balikat niya at naka-cuddle na siya sa akin.

"So how's your day, mahal ko?" tanong niya sa akin.

"Kumpleto na, andito ka na eh."

"Bah, kelan ka pa natutong bumanat, mahal ko?" tukso niya sa akin at nagtawanan kami parehas.

"Mahal, will you get angry if I turn down the offer of Mr. Soriano?" tsaka ko inangat yung ulo ko at tinignan siya.

"Of course not. Kahit ano pang maging decision mo mahal, susuportahan kita.. Hmm?" page-encourage niya sa akin.

"Sorry mahal ko ha. Alam mo naman na entering showbiz is not my thing di ba?"

"I know mahal ko. I admire and I respect you for that."

Buti nalang talaga naiintindihan ng mahal ko lahat ng decision ko. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa iba't-ibang bagay tapos nagyaya siyang maglunch kami sa labas.

Habang kumakain kami ng mahal ko, napukaw ang pansin ko dun sa lalaking kakapasok lang sa restaurant. Si Richard, yung boyfriend ng best friend ko na may kasamang ibang babae at sweet na sweet sila. Umupo sila dun sa medyo malayo sa amin.

"Mahal, are you ok?" tanong sa akin ni Jeric at napalingon siya dun sa tinitignan ko.

"Why mahal? Do you know them?" tanong niyang muli sa akin.

To Infinity and Beyond (Book 1)Where stories live. Discover now