To Infinity and Beyond 9

48 3 0
                                    

JERIC'S POV

Ewan ko ba kung anu-ano pinagbubulong ng kapatid ko kay Carrie at nagtawanan nalang sila bigla. Nakakatuwa lang kasi sa lahat ng naging girlfriend ko, mukhang si Carrie ang kasundo ng kapatid ko. Ay! Ang OA ko lang, hindi ko pa pala girlfriend si Carrie, magiging girlfriend pa lang.

Ako, kuntento nalang akong nakatingin kay Carrie. Ang ganda niya talaga lalo na kapag ngumigiti at tumatawa. Tsaka masaya din ako kasi nag-eenjoy ang kapatid ko. Tama siya, palagi nalang kaming busy nila mommy at daddy kaya palagi nalang siyang naiiwan sa bahay kasama yung mga maids namin.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko agad kung sino yung nagtext.

From: George (PA)

Sir, na saan na po kayo? Kasama daw po ba ninyo si Ma'am Rein? Hinahanap na po kasi kayo sa akin ng mommy ninyo.

Oo nga pala, nakalimutan kong magpaalam kay George. Si mommy naman hindi ako palaging tinitext nun kasi dati napag-awayan na namin yung palagi niyang pag-check sa akin kung kumain na daw ba ako, na saan na ako o kung sino yung mga kasama ko. Alam ko normal naman mag-alala ang isang nanay kaso itong si mommy kasi napaka-over protective at kung i-trato niya pa rin ako parang baby kaya minsan nakakainis lang. Pero other than that, I really love my mom.

Yes George, kasama ko si Rein. Pauwi na rin kami. Pasabi nalang kay mommy huwag na siyang mag-alala. [Sent to: George (PA)]

"Excuse girls. Rein, I guess kailangan na nating umuwi. Hinahanap na tayo ni mommy." pagsingit ko sa usapan nung dalawa na parang close na agad sa isa't-isa.

"Hay si mommy talaga!" medyo nagrereklamong sabi ng kapatid ko. "Ate, we need to go home na. Hinahanap na kami ni mommy."

"No problem, thank you! I really enjoy talking to you." nakangiting sabi sa kanya ni Carrie.

Tumayo na kaming dalawa ni Rein at nakipagbeso-beso agad yung kapatid ko sa kanya.

"Ate, bonding ulit tayo sa susunod ha?" pahabol na tanong ng kapatid ko.

"Of course, we will." agad namang sagot ni Carrie sa kapatid ko.

"Nga pala ate, could I get your number? Para naman makapagtext-text tayo."

"Sure." at inabot ng kapatid ko yung cellphone niya. "Thank you ate! We'll see each other soon ok?"

Nakangiti na namang tumango sa kanya si Carrie. Tapos bigla siyang napatingin sa akin at nahihiyang ngumiti. Hay Carrie, ang ganda mo talaga! Napakamot ako saglit sa ulo ko at ngumiti sa kanya. "It's nice meeting you again, Carrie." at nilahad ko yung kamay ko sa kanya.

"Same here, Jeric." at nakipagshake-hands siya sa akin. Grabe! Parang may kung anong kuryente na dumaloy sa akin nung makipagkamay siya. Tsaka bakit ganoon, the way she says my name.. It's pleasing to my ears.

To Infinity and Beyond (Book 1)Where stories live. Discover now