To Infinity and Beyond 43

46 2 0
                                    

Lumipas na ang dalawang araw at hindi pa rin kami nagkikita ng mahal ko. Medyo ok na yung narrative report namin ni Tyrone. Nga pala, speaking of Tyrone, nalaman ko na hindi naman pala talaga siya tahimik, ang rami niya kayang mga kwento. Talagang tahimik lang pala siya kapag hindi niya gaanong kakilala pa yung tao. Masarap din siyang kasama kasi meron siyang sense of humor.

Nandito kami ngayon sa restaurant ko at gumagawa na kami ng narrative report para dun sa dish na gagawin namin.



JERIC'S POV

Sobrang miss ko na ang aking mahal. Ilang araw na din kaming hindi nagkikita. Hindi ko na din siya natitext at natatawagan kasi sobrang busy ako. Kapag umuwi naman ako sa bahay, nakakatulog naman ako bigla sa sobrang pagod ko.

Ngayon nagkaroon ng emergency meeting yung mga producers ko sa management ng VN Media tapos hindi din nila alam kung anong oras matatapos kaya kinancel na nila yung schedule ko.

Sobrang excited akong nagtungo sa restaurant ng mahal ko. Sabado ngayon kaya sigurado akong nandun siya.

Nandito palang ako sa loob ng kotse ko at napansin ko agad ang aking mahal na mukhang masayang nakikipag-usap sa isang lalaki. Hindi ko alam pero nakakaramdam agad ako ng selos. Di hamak naman na mas gwapo ako dun sa lalaking kausap niya.

Lumabas na ako ng kotse at pumasok na ako sa The Kitchen.

"Mahal!" nakangiting salubong niya sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit. "Miss na miss na kita." sabi niya habang nakayapos pa rin siya sa akin.

"Miss na miss na rin kita, mahal ko." tapos hinalikan ko siya sa noo.

Hinawakan niya yung kamay ko at hinatak ako dun sa may table nung lalaking kausap niya kanina. "Tyrone, si Jeric nga pala, boyfriend ko." pagpapakilala niya sa akin.

Nagtanguan naman kami nung lalaking Tyrone daw ang pangalan.

"Carrie, hindi mo naman sinabi na boyfriend mo pala si Jeric." sabi ni Tyrone. Hindi ko gusto ang tono nitong magsalita ha.

"Hey! Almost everybody knows that his my boyfriend. Napag-iiwanan ka ng balita." parang nang-aasar na sabi ng mahal ko tapos napatawa sa kanya si Tyrone.

Umupo na kami at tumabi ako sa mahal ko. Sa harapan namin yung bwisit na lalaki. Inakbayan ko ang mahal ko habang nag-uusap kami. Naikwento niya sa akin na kaya sila magkasama ni Tyrone kasi may ginagawa silang narrative report para sa final requirement sa course nila.

"Masyado kang busy sa trabaho nuh?" tanong sa akin ng feeling close na si Tyrone.

"Oo" walang interes kong sagot sa kanya. Kanina pa talaga ako naiinis sa kanya. Hindi ko rin gusto na close siya sa mahal ko.

"Kaya pala hindi kita nakikita na sinusundo mo si Carrie sa school." sabi niya na parang alam na alam niya yung nangyayari sa aming dalawa ng mahal ko.

Naramdaman ata ng mahal ko na naiinis ako dun kay Tyrone kaya lalo siyang sumandal sa akin, "Hindi niya lang ako nasusundo ng mga nakaraang araw pero lagi naman siyang may surprise sa akin." sagot ng mahal ko sa kanya. Hay.. Buti nalang nandito ang mahal ko.. Kung hindi, baka kanina pa dumudugo ang nguso nitong lalaking 'to sa akin.

"Ah" sagot nalang ni Tyrone. "Nga pala Carrie, di ba sabi mo sa akin after ng graduation kukuha ka ng course sa New York? Naayos mo na ba yung mga papel mo?" pag-iiba niya ng topic. Pero teka, New York? Bakit hindi pa 'to nakwento sa akin ng mahal ko?



CARRIE'S POV

"Uhm.. naayos ko na" tumango nalang ako kay Tyrone. Naikwento ko kasi sa kanya yung plano kong kuhanin na course sa New York.

Naramdaman kong inalis ng mahal ko yung kamay niya sa balikat ko at parang binigyan niya ako ng you-did-not-told-me-that-look. Sa tagal naming magkasama ng mahal ko, hindi ko pa na kwento yung bagay na yan sa kanya.

Maya-maya pa'y nagpaalam na sa amin si Tyrone. Hinatid ko muna si Tyrone sa labas kasi first time niyang pumunta dito sa restaurant ko at nagpa-iwan nalang ang mahal ko sa may restaurant, napapagod daw siya pero pakiramdam ko naman na nagtatampo yun.

Halos wala na ding tao ng bumalik ako sa restaurant.

"Mahal" malambing na tawag ko sa kanya.

Seryoso naman siyang tumingin sa akin, "You owe me an explanation." sabi niya.

"I know, mahal." tsaka ako tumango sa kanya.

"Tsk.. Bakit kay Tyrone ko pa kailangan unang malaman?" ramdam ko ang inis sa boses niya.

"Aw.. nagtatampo naman agad ang baby ko." sabay pout ko sa kanya.

"It's not funny, Carrie." naiinis niya pa ring sabi. Hala! Mainit talaga ang ulo nitong mahal ko. "Hmmm.. Sorry na." may lambing kong sabi sa kanya. Pero hindi pa rin siya sumasagot. "Mahal, sorry na. Ewan ko ba kung bakit kahit ang tagal na nating magkasama, hindi ko pa na kwento sayo yung plano kong pagpunta ng States. Siguro nga nakakalimutan ko yung mga ganoong bagay kasi ang alam ko lang, masaya ako kapag kasama kita. Sorry na ha?"

Nakita kong medyo naging ok naman ang mood niya, "Sorry din mahal, ang init agad ng ulo ko. Maybe because of that jerk. Hindi ko gusto yung tabas ng dila ng lalaking yun, mahal." pag-amin niya sa akin.

"He's a nice guy naman, mahal. Hindi lang siya marunong mag-control ng mga sasabihin niya."

"Tapos ngayon naman, pinagtatanggol mo pa siya."

"Ito talagang mahal ko oh.." tsaka ako umupo sa may lap niya at hinawakan ko yung balikat niya. "Huwag ka ng magselos, ok? Mahal kita... Mahal na mahal at wala akong balak ipagpalit ka sa iba." at niyakap ko siya ng mahigpit.

Pagkatapos nun, nagkwentuhan pa kami tungkol sa kung anu-anong bagay. Sobrang na miss ko 'tong mahal ko. Sabi ko din sa kanya na pwede ko pa rin naman na hindi na ituloy yung course ko sa New York kung ayaw niya. Pero sabi niya sa akin, it's a good opportunity daw tsaka alam niya na ito talaga yung gusto ko , ayaw nyang siya yung maging hadlang sa pangarap ko kaya kahit hindi siya masyadong sang-ayon, he still supports me.

To Infinity and Beyond (Book 1)Where stories live. Discover now