Prologue

215 14 12
                                        

Ayesha's POV

Nilibot ko ang aking paningin sa gubat na aming nilalakbay- kadiliman sa bawat punong madaraanan. Kahit malalim na ang gabi, makikita mo pa rin ang kapaligiran dahil sa liwanag na ibinibigay ng buwan at sa suportang ilaw ng lamparang bitbit namin sa paglalakbay.

Ibang-iba ito sa aking pinanggalingan. Ang mga puno ay hindi pang ordinaryo ang taas. Masasabi kong kasing taas ito ng mga gusali sa aming lugar. Napabuntonghininga ako sa aming paglalakbay. Ilang oras na din kaming naglalakad nang walang pahinga. Gusto kong yayain si Sofhia at Lionell na magpahinga kahit saglit lang. Isa pa nakakatakot ang maglakbay ng matagal at lalo pa sa mundong ito na nagkalat ang mga masasamang nilalang.

Gaya ng gabi sa mundo ng mga tao, katahimikan ang bumabalot dito subali't may nagngingitngitang tunog na maririnig mo sa kapaligiran, hindi mo matukoy kung saan ba ito nagmumula. Tahimik at seryoso ang makikita mo sa mukha ng dalawa, hindi man lang sila kumikibo at naguusap habang naglalakbay sa kagubatang nababalot ng kadiliman.

Patuloy kami sa paglalakad nang bigla kaming may marinig na mga kaluskos sa likod ng mga puno.

*shkshk*

"Sandali." mahinang sambit ni Sofia at tinutok ang kanyang pana sa mga kaluskos sa paligid.

Parepareho kaming napatigil sa paglalakad. Pinagitnaan nila ako, si Lionell ay patingin-tingin sa paligid kung sakaling mang may biglang umatake samin. Nanatili akong hindi gumagalaw habang alerto sila sa mangyayari.

Namuo ang pangamba ko. Paano kung isang malaki at malakas na nilalang ang biglang sumugod sa amin?

Natigil ang pagkaluskos at isang lalaking nakatuxedo, puti ang mata at may nakakakilabot na aura ang bumungad sa amin pero ang mga matang yon, alam ko at ramdam kong  nakatingin lamang sa'kin.

Mayamaya'y pinalibutan niya kami ng napakabilis na naglilikha ng marami niyang imahe.

"Sofhia! Anong gagawin natin? Napapalibutan niya tayo!" takot kong sabi.

"Maghanda ka at gumawa ng sandata!" Sigaw ni Sofia at tinira ng pana ang lalaki subalit nabigo nyang tamaan ito dahil mabilis ang kanyang mga galaw.

Dali-dali din akong gumawa ng punyal sa pamamagitan ng qi na naipon ko sa kamay ko at naghugis punyal iyon. Ang ginawa kong punyal ay mas matulis at talagang nakakasugat kapag madikitan ka lamang kaysa sa karaniwan at ordinaryong punyal.

Subalit, habang abala ako sa pag-iipon ng qi sa aking kamay biglang nawala si Sofhia. Nagulat ako nang makitang hawak na pala ito ng lalaki sa kanyang leeg. Hindi sya makalaban sapagkat masyado itong malakas.

Hinanap ng mata ko si Lionell, wala ng buhay at nakita kong hiwalay na ang ulo nito sa kanyang katawan. Nagulat akong nanlulumo sa nakita ko. Hindi na ako makahinga ng maayos sa mga pangyayari. Hindi pa ako nakakabawi sa takot at pagkagulat pero sinubukan kong lumapit sa lalaki. Mabilis ko syang tinungo upang agad na matulungan si Sofhia ngunit...

Ngunit huli na ako. Ginilitan niya sa leeg si Sofia. Napaluhod ako habang nagsipagbagsakan ang mga luha kong hindi na mapigil. Ang tanga tanga ko! Wala akong nagawa. Hindi maaari! Gaganti ako!

Humarap sakin ang lalaking walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. Habang ako, nakatulala at wala ng tigil na bumubuhos ang mga luha sa aking mga mata. Puno ng galit at paghihinagpis ang nararamdaman ko. Wala akong nagawa.
Tumayo ako ng may lakas ng loob at mabilis na kinuha ang punyal mula sa lupa.

Tumakbo ako papunta sa lalaki pero bago pa ako makalapit sa kanya naramdaman ko ang sakit sa aking braso. Ginamitan niya ako ng puwersa upang hindi makalapit sa kanya. Muli akong tumayo.

Tinitigan ko sya ng mariin "Pinatay mo sila! Humanda ka dahil ikaw na ang isu--" galit na sigaw ko. Ngunit hindi sya natinag, sa halip ay ngumiti pa ito ng nakakaloko.

"Hindi ako ang pumatay sa kanila, Ayesha. "
Napalitan ng pagtataka ang isip ko sa kanyang sinabi. Ngunit mas lalo akong naguluhan sa sumunod niya pang sinabi.

" ikaw" kaswal niyang tugon sakin samantalang hindi nagbabago ang ekspresyon sa kanyang mukha. Nanigas at napatulala ako sa sagot niya.

 Hindi ko namalayang nasa tabi ko na siya at nakalapit ang bibig niya sa tainga ko saka winika ang mga salitang nakapagpamiserable sa'kin "Ikaw ang pumatay sa kanila." bulong niyang may halong pang-uuyam. Nanigas ako saking kinatatayuan.

"Tignan mo ang sarili mong mga kamay." hinawakan at itinaas niya ang kamay ko.

Napagmasdan ko ito dahil sa ginawa niya at nanlumo ako. Punong-puno ng dugo ang aking kamay  pati na ang punyal na hawak ko.

"Anong nangyayari? Hindi! Imposible!"

naiiyak kong sabi at ninakawan ng lingon ang lalaki.

Ngunit wala na roon ang lalaki na kanina lang ay nasa tabi ko.

At--

Orbis ExemiumWhere stories live. Discover now