#29 - Almost Perfect

157K 1.8K 139
                                    

Chapter Twenty Nine
Almost Perfect

“How’d you know my name po?” I asked Mond.

“Ohh, that? Kierre’s been talking about you lately.” Lumingon naman si Kyle kay Mond at Kierre, na ikinakaba ko rin. Seloso talaga anuu?~! 

“And Kyle, and Codyne, and Len. Your group. You’re the best of friends right?”

“Ahhhh!”

“Yun naman pala papz, kalma.”

“Nako, tara na nga, kaen na tayo.” Pagpuputol ko sa usapang hindi ko na alam kung san patutungo. Saka isa pa, gutom na gutom na talaga ako.

The night went great, after eating with the Spice Up nag sayaw sayaw ulit. (Oo grabe ka-table namin sila feeling peymus tuloy kame nina baks kanina, though I still feel something kay Mond na nakakaewan lang, basta parang may kakaiba, or napapraning lang nanaman ako). Then nagpalaro sila, kahit puro mga naka-stilettos kame pero keri lang naman.

This time, nasa pavilion kaming lahat, open air para mas maginhawa.

“Did you enjoy this night hmm?” nilapat ni Kyle yung noo niya sa noo ko habang nagsasayaw kami.

“Oo naman, ang sarap nung pagkain kaya kanina tapos ang galing pa nung band. Nakakatuwa rin pala sila kausap.”

“Daya naman, ba’t wala ako sa reasons mo?”

“Kase hindi ka lang dahilan, you’re more than that Kyle. You’re more than anything to me.”

“’Wag kang ganyan, kinikilig ako Zes. ‘Pag kinilig pa naman ako, nangangagat ako.” Bastos talaga. Niyakap naman niya ako nang mahigpit ngayon na parang bang gigil na gigil.

“Bakit ba ganito Zes? Bakit?”

“Ha?”

“Bakit ba mahal na mahal kita? I want to marry you right now, this night, at this perfect moment.”

Humiwalay ako sa yakap. “Baliw ka talaga! Kasal agad? Magdadalawang buwan pa lang tayo Kyle!”

“Ano naman kung maiksing panahon pa lang nung naging tayo? Forever naman na ang kasunod nun e. Ayaw mo ba akong maging asawa?” gaya ko, naniniwala rin pala siya sa forever.

“Pero haleer? Junior students pa lang tayo! Padalos dalos ka talaga!”

“Sige na nga but I think it’s not too early for this.” Bigla siyang lumuhod. “Zes, sa ilalim ng buwan at mga bituin, papakasalan kita.” Naglabas siya ng ribbon na kulay white, saka niya itinali sa daliri ko. “Ito muna sa ngayon. Pero kapag 24 years old ka na, magpapakasal tayo.”

Nanlaki ‘yung mata ko sa sinabi ni Kyle. Ngayon lang rin nag-sink in sa’kin ang lahat. “Bakit ikaw nagsasabi kung ilang taon ako magpapakasal? Gusto ko 27 years old. Masyadong bata ang 24. Saka teka, hindi pa ako pumapayag pero sinuotan mo na ako!”

“Bakit? Hindi ba ako ang balak mong pakasalan?”

“Kyle, it’ll always be you. But for now, i-enjoy muna natin ang buhay natin ha?”

“Aray! Sakit.” Haay, kahit siguro sa anong seryosong scenarios, nagiging epic kay Kyle.

“Ikaw naman kasi eh. Baliw!”

“Oo, baliw sayo.”

Ngumiti ako sa kanya. “Sigurado ka na talagang tayo forever ano?” tumango-tango siya.

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon