#28 - The Meet Up

167K 1.9K 137
                                    

Chapter Twenty Eight
The Meet-Up

Lumipas ang mga araw nang umatake nanaman ang sakit ni ate Eifelle. Nagiging kakaiba ang mga kinikilos niya. Madalas siyang nakatulala, hindi rin siya masyadong nagsasalita, hindi na rin siya nakikipagbiruan at kulitan sa amin ni kuya hindi tulad ng dati. Kapag galing naman siyang eskwela madalas niyang kunin lahat ng mga libro niya at isa-isa itong pupunasan at saka ngingiti. Minsan naman maaabutan ko na lang siyang lumuluha ng hindi ko alam ang dahilan. Napapansin rin namin ni kuya kapag nasa kwarto na kapag nag-aaral si ate ay laging nakahawak sa ulo niya na para bang nananakit o nahihilo. Sa madaling salita, parang wala sa katinuan si ate.

Hindi ko naman magawang matakot sa kanya dahil syempre, ate ko siya. Pero hindi ko maiwasang hindi mabigla at kilabutan dahil sa pagtataka at pag-aalala kung ano na nga bang nangyayari sa kanya. Nilalapitan naman namin siya ni kuya Yuki pero pag kakausapin namin o susubukang biruin, tumitingin lang ito sa amin at ngingiti, pero hindi ngiting masaya... kundi ngiting nakakataas ng balahibo. Ano kaya ang problema ng ate ko?

Sa tuwing tatanungin naman namin siya kung ano ang problema niya, magwawala na lang siya bigla at magtatapon ng kung anu-anong bagay. Muntik na nga niya akong masaktan buti na lang at nandyan si kuya para protektahan ako. Grabe, lahat kami ay nababahala na sa kalagayan ni ate. 

Dahil sa mga kilos niyang ‘yan, ipinatingin na namin siya sa psychiatrist. Sinabi nga ng doktor na hindi na normal si ate. Ano ang dahilan? Emotional breakdown daw, depression, takot, at problema. At kung ano ang mga problema niyang pasan? Yun ang hindi pa rin namin alam. Nanatili siya sa ospital ng isang linggo para gamutin. Hindi na namin inalintana kung magkano ang gagastusin dahil kasya pa naman ang ipon nila mama. Tutulong pa nga sana sina Kyle sa amin pero tinanggihan naman nila papa, ayaw na ayaw kasi ni papa na inaabala at dinadamay pa namin ang ibang tao sa aming mga suliranin, hangga’t kaya namin, sisikapin naming gawin ang lahat ng aming makakaya, kaya sa pagkakataong ito, hindi na rin nagpumilit sina Kyle.

Pagkatapos ng isang linggo ay bumalik na si ate sa bahay. Masaya. Maaliwalas. At nakikita ko namang balik na nga siya sa normal – sana nga lang ay huwag nang bumalik pa ang sakit ni ate. Sabi ng doktor, iiwas lang namin siya sa matinding pag-iisip at pagkapagod. Sa ngayon, halos mag-iisang linggo na rin mula nung bumalik si ate, para namang ayos na nga ang lahat – well, sana talaga. 

***

 February 14. Happy Valentines! 

Dugdug. Shocks. Hinga lang Zes, wag kang kabahan. Prom lang yan! Pero... gaaaaah di ko talaga maiwasan. First time ko kasi sa prom, well malamang kase first prom ng batch namin ‘to.

“Franz, huy! Relax ka lang. Baka pumangit ka jan, sure pa naman akong maraming magyayaya sayo kaya kailangan magpacute ka! Itaas mo ang bandera nating mga Amberluke!” sabi ni kuya habang nakasakay kami ngayon sa tricycle papauntang school. Ah eh.. hehe. Oo naka-tricycle lang kami. Sabi kasi nina baks Len, maghiwa-hiwalay daw kami para surpresa kung anong mga ichura namin.

“Kuya talaga! Sira! Pwede bang sumama ka na lang doon?”

“Waw! Yung ibang mga dalaga nga ayaw ng chaperone tapos ikaw gusto mo kasama pa ako? Pano ka mag-eenjoy dun kung nakabantay ako? Bunso talaga!”

“Eh okay lang naman sakin eh pero sige na nga, baka ma-bore ka lan—“

“Depende pala kung maraming chix dun sige pala sasama na a—“ hinampas ko si kuya. -.-

“Kuya naman! Susumbong kita kay ate Deena! Ikaw may girlfriend ka na tapos lumalandi ka pa jan!”

“Laaah! Joke lang naman eh.” Hahaha! Takot si kuya. Teka teka.. omaygash! Andito na kami! 

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon