#24 - Back for Good

176K 2.1K 75
                                    

Chapter Twenty Four
Back For Good

(Franzes' POV)

Recess Time.

Gaaaah! Nakakawindang na talaga. Ano bang nangyayari? Ano ba kasing meron? May problema ba saken at kanina pa sila tingin ng tingin harap harapan ko pa tapos kung makapagbulungan pa parang may malaki akong scandal eh.

Kanina pa yan, sa classroom, lahat ng kaklase ko nagbubulung-bulungan tapos ngingiti-ngiti. Hala? Mga hibang lang? Si Kyle naman, parang wala lang, dedma. Si Codyne din nakikisali tapos kikindat pa sakin. Si Kierre na katabi ko binubulungan din nung iba kong kaklase tapos magtatawa. Pag tinatanong ko naman kung baket, trip lang daw niya ngumiti. HALA?

Heto ako ngayon, naglalakad sa corridor papunta ng cafeteria. Pero hindi pa rin ako pinalampas ng mga matang mapangsiyasat, mga bibig na mala-bubuyog magbulungan, at mga labing hagot makangiti. WEIRD DAY!

Hanggang sa...

Sila Matt, hinila na ako papasok ng cafeteria at bumungad sakin ang...

Wow. Pinuno ng post-its ang buong cafe. Hindi ko alam kung ano mga nakasulat dun pero waaahhh, effort naman. Ano kayang meron ngayon dito? Wooohh nakaka-curious. Luminga-linga pa ako sa paligid dahil sa pagka-amaze.

"Sige na, kumuha ka na ng isa, tignan mo ano mga nakasulat." Sabi ni Matt. Ehhh?

"Teka, bakit ako?"

"Natural, ikaw bida dito eh. Alangang para saken lahat 'to?" - Matt

"HOY! Bawal yan! Magagalit sayo si bossing! Pinapagalitan mo si Franzes!" Tila sinermonan nila lahat si Matt. Halos lahat ng 3rd year andito. Pati nga yung iba na ring year na kumakain eh napatigil dahil lang saken. Garabi! Ano bang palabas ito at sino namang gagawa nito? Para sa akin daw?

Lumapit ako sa isang wall at pumitas ako ng isang post-it, [I'm so Sorry] Puro ganyan ang nakasulat, hindi ko man mache-check lahat kasi sa sobrang dami ba naman nakapalibot pa sa cafe, pero lahat ng nakita ko at nahagip ng mata ko pare-pareho ang nakasulat.

Pagtingin ko naman ulit sa kanila, nasa gitna sina Codyne at Len, may malaking card na hawak, kay Codyne [Please], kay Len [Forgive].

"Ha? Bakit kayo nagsosorry?"

"Not us Franz, but..."

"ME." Napalingon ako sa nagsalita sa likod.

"K-kyle..." tumambad sa akin si Kyle na may hawak ding malaking card na [ME] naman ang nakasulat. Kung pagkakabit-kabitin... [I'm so sorry. Please forgive me.]

Ibig sabihin... si Kyle lahat ang may gawa nito? A-and... he's saying sorry na?

"Kyle..." sa ikatlong pagkakataon... he placed a flower on my ears.

"Zes, listen to me. I've been an idiot to leave you behind, ang tanga-tanga ko lang. Pero yung pustahan? Hindi totoo ang lahat ng yun. This time totoo na talaga ito Zes, walang halong biro, walang halong kasinungalingan, walang halong pangloloko. I want you back Zes. I want us back. Please forgive me. Zes... saksi silang lahat dito--"

"Oo nga, pag inaway ka ulit niyan, di na namin pasisikatan ng araw si Kyle." - Matt

"Oo tama yun. At pag inaway niyo rin si Zes, kayo naman ang malilintikan sa akin." - Kyle.

"Awwwieee. Magpapatawad na yan." - lahat sila.

Lumingon ako ulit kay Kyle. Sa ngayon, panig niya lang ang gusto kong marinig. Kahit hindi naman siya humingi ng tawad, I already forgiven him. Mahal ko na ata eh.

Take It or Leave ItWhere stories live. Discover now