Chapter 17 [Einar] - The Grandfather Paradox

22 0 0
                                    

Note: Einar's POV


Tumingin ako sa kinalalagyan ni Law at nakita kong tuloy pa rin itong naglalakad habang biglang bumagsak yung mga leon. Pinataasan ko kay Ian ang dosage ng tranquilizer na ginagamit namin bilang bala. Nawalan kaagad ng malay ang tatlong leon. Success! Pero ilang hakbang pa ay biglang napatigil sa paglakad si Law. Mula sa bukas na pinto ay may lumabas pang apat na leon at tatlong malalaking aso na katulad nung nakuha namin sa scene kung saan nakitang walang malay si Ian. Napaatras ng bahagya si Law at kasunod ng mga hayop ay may lumabas na isang lalaki sa bodega. He must be Jonas.

Tiningnan ko si Lui at tinanguan ko ulit. Ilang hayop ba kasi ang nasa loob ng bodega? Tinitigan ko mabuti ang kalagayan ni Law. I know he's the best when it comes to combat pero hindi ko lang sure if that applies to fighting animals. Biglang tumumba yung apat na leon at yung tatlong malalaking aso. Bullseye na naman ang mga snipers. Nagpalingon-lingon si Jonas sa paligid at tila hinahanap kung saan nanggaling yung mga tira na nagpatumba sa mga alaga n'ya.

Biglang tumakbo at tumalon si Law. Nag-landing naman yung sipa n'ya kay Jonas pero mabilis ding tumayo ito mula sa pagkakatumba at bahagyang umatras. Ginaya n'ya ang ginawa ni Law. Tumalon s'ya at ambang sisipain n'ya si Law pero nahuli ni Law ang paa ni Jonas kaya nalaglag sa lupa ang kaaway.

"Let's go," sabi ko kina Ian at JV at pinuntahan na namin si Law na nakikipaglaban pa rin. Ang tibay nito ni Jonas ah?! Naiwan naman sina Lui para magbantay kung sakaling may iba pang aatake. Kasunod namin ang halos isang dosenang Second Kind.

Pinaulanan ni Jonas ng suntok si Law pero maliksing umiiwas ang huli ngunit may nakakalusot pa rin na ibang suntok. Napaisip tuloy ako kung trained ba s'ya para sabayan si Law sa combat.

Nang nakabuwelo si Law, pumailalim s'ya at umikot saka niya pinatid si Jonas na natumba naman. That time, nakarating na kami at kaagad pinalibutan ng mga kasama naming Second Kind si Jonas habang nakatutok ang mga baril nila dito.

Ngumiti si Jonas habang tumatayo mula sa pagkakatumba. "You think you'll win if you kill me?" sabi nito sa british accent n'ya.

"Who told you we will kill you?" sabi naman ni Ian. Somehow, I felt a shred of fear in his voice. Perhaps, naaalala n'ya pa rin nang una silang nagkita ni Jonas.

"You--"

Hindi na natapos ni Jonas ang sasabihin n'ya dahil pinaputukan na s'ya ng mga kasama namin kaya kaagad s'yang bumagsak.

"Dalhin n'yo na s'ya sa HQ," sabi ko sa mga tauhan namin at binitbit na nila si Jonas sa sasakyan.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Rowell.

"Ipapasundo kita kay Nikka. We have acquired a Third Kind. We need you in the office," sabi ko saka ibinaba ang telepono. Sana lang nag-sink in sa kanya yung sinabi ko kasi parang tulog na s'ya.

Sunod ko namang tinawagan si Nikka.

"Nikka, pakisundo si Rowell. Pumunta kayo sa HQ."

"Wrong timing ka naman, Einar," nagreklamo na naman 'to. As expected. "Nagpa-party pa ako, eh."

"Mamaya mo na ituloy 'yang party mo. This is important."

"Okay. Sige. 'Eto na nga po. On the way na."

Binaba ko na ang cellphone at napa-iling na lang ako. Sumakay na kami sa sasakyan at saka bumalik sa SCD.


Nandito kami ngayon sa holding room. Nakaupo si Jonas at nakakadena s'ya. Almost an hour din bago s'ya magising pero sakto lang dahil dumating na sina Nikka at Rowell.

Twisted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon